Our website hsa been relocated to : http://tlam.sea.taipei/
Should you have any enquiries, please contact us:https://www.facebook.com/tlam.since2014/
Thank you.
我們的網站搬遷到:http://tlam.sea.taipei/
如果您有任何疑問,請聯繫我們:https://www.facebook.com/tlam.since2014/
謝謝。
Mga Nanalong Entries
【First Prize】
★寶島框架背後的肖像
Potret di Balik Bingkai Kasa Formosa / Dwiita Vita
【Jury Award】
★母親的遊戲
Trò chơi của mẹ / Phạm Hùng Hiệp
【Choice Award】
★友誼和音樂之寶藏
ขุมทองแห่งมิตรภาพและเสียงเพลง / อนันต์ ศรีลาวุธ
★農田彼端
Sa Dulo ng Bukid / Carla F. Padilla
★江子翠膽大妄為的變態男
LELAKI PEMBERANI DI JIANGZICUI / Erin Cipta
★早晨之前
Sebelum Pagi / Arumi Olive
【Juvenile Jury Award】
★農田彼端
Sa Dulo ng Bukid / Carla F. Padilla
★WIN
WIN / Keyzia Chan
★夢寐
Mộng mị / Cổ Lam
Mga munting Pangarap sa ibayong Dagat / Pilipinas
2015/5/31 / Angie / Mga munting Pangarap sa ibayong Dagat / Pilipinas / 菲律賓
Samahang makata intl. Pangarap ay kay daling bigkasin libre lamang kung tawagin ng karamihan subalit pagkat kaakibat nito ang mga pagsubok na maaring pagdaanan upang makamtan ang pangarap na inasam asam,tulad ko nais kong makamit ang aking munting pangarap subalit kay hirap makamtam sa sariling Inang bayan kayat tulad ng ibang mga dayuhang manggagawa akoy akoy nakikagsapalaran sa ibayong dagat at umasang makamit ang ang minimithing pangarap khit kapalit nito'y pansamantalang mawalay sa pamilyang mahal,Ako'y napabilang sa mangagawang nakikipag sapalaran sa bansang taiwan mula sa ibat ibang lahi subalit iisa ang minimithi samot saring karanasan ang napagdaanan ng bawat ninoman,tulad ko sa simula ng aking pakikiopagsapalaran dito sa Taiwan hindi naging maganda ang aking nararanasan akoy napunta sa amo kung saan nagtatanim nag mga halamang gulay at minsan ay pinatutulong ako sa kanilang palayan akoy habag na habag sa aking kinalalagyan bukod sa hirap ng trabaho'y walang maayos na pagkain na aking natitikman,doon ko naranasan ang magdildil ng asin at tumutulo ang aking mga luha pagkat akoy naaawa sa aking sarili wala akong malalapitan o mahingian ng tulong sa mga panahong iyon pagkat akoy wlang alam kung sino ang maaring makatulong,subalit di ko ang tanim ng galit sa aking pusot isipan tanging naisip koy sadya ngang akoy di mapalad at akoy napapad sa ganoong among pagsisilbihan maluwag kong tinanggap sa aking sarili na siguro ngay hindi ako mapalad sa paninilbihan banyagang bayan pinili kong umuwi sa bayang aking pinagmulan masakit man sa kalooban subalit pilit kong tinatagan ang aking sarili at tanggapin ang aking kabigoan,akoy nagpapasalamat sa mahal kong pamilya sa buong pagtanggap sa aking kinahihinatnan subalit sa pusot isipan koy hindi ako nawalan ng pag asa at hindi pa kataposan ng lahat,nong akoy nasa airport ng mga panahong iyon ilang mga kababayan koy naaawa sa akin kinahinatnan may isang babaeng lumapit sa akin at akoy inalok ng tulong akoy natuwa sa una subalit ang tulong na kanyang inalok ay ang tumakas ako at ayon sa kanya akoy matutulongan ng kanyang mga kaibigan upang maghanap ng trabaho subalit itoy labag sa batas ng taiwan in short working without permit akoy namangha sa kanyang tinuran lugmk man ako sa panahong iyon subalit walang pag alinlangang akoy tumanggi at tanging salamat na lamang ang aking nasambit.pinili kong sumakay sa sasakyang himpapawid at batid kong nag aabang ang aking mga mahal sa buhay batid kong silay nalungkot sa aking kabigoan subalit akoy nagpapasalamat at silay nariyan at dumamay sa mga panahong akoy lugmok silay nariyan sa aking tabi kayat akoy hindi pinanghihinaan ng aking loob diko ininda ang bulong bulongan ng ilang mga kapitbahay bagkus akoy nagpatuloy sa buhay na sa aking nakasanayan akoy lumapit sa kagawaran ng manggagawa akoy humingi ng payo kung ano ang nararapat gawin sa pamamagitan ng kanilang tulong akoy nakakuha ng kalahati sa halagang aking binayad sa anhensyang nagpaalis sa akin.tutol man ang aking pamilyay muli akong nagapply patungong taiwan labag man sa kanilang kalooban akoy nagpatuloy ang sabi koy hndi naman lahat ng tao ay parepareho kung may masama meron ding mabuti at walng mangyayari kong akoy magpatalo sa takot na naramdaman pagkat akoy naniniwalang habang buhay may pag asa try and try until you success habang akoy naghihintay ng aking magiging amo akoy nagisip ng maaaring pagkakitaan nagtinda ako ng halu halo ksama ang aking mag 4 na taong gulang na anak mahirap subalit tiniis ko ang lahat at umasang dsrating ang araw maging maayos din ang lahat halos umabot ng isang taon ang aking paghihintay akoy muling nabigyang makapagtrabahong muli sa taiwan di maikubli ang takot at pangamba sa aking isipan subalit akoy nagpakatatag alang alang sa pamilyang mahal ang pangarap lalo na kay inay na syay bigyan ng kaginhawaan at mgantihan sa lahat ng kanyang pagsisikap upang maitaguyod kaming kanyang mga anak khit syay nagiisa lamang pagkat kay agang lumisan ni itay akoy nananalangin na sanay sa pagkakataong iyon akoy mapunta sa mabait na among aking pagsisilbihan at akoy di nabigo napakabuti ang aking amo akoy nag alaga sa kanilang amang may malubhang sakit akoy hindi tinuring na iba sa kanilang pamilya subalit sa kasamaang palad ng mag 3 taon na akoy labas pasok na si akhong sa hospital hanggang sa akin pag uwi at nong kasalukoyang akoy nagaayos ng aking papeles sa panibagong kontrata akoy tinawagan ng aking amo at pinaalam na ang kanilang ama ay lumisan na subrang lungkot ang aking naramdaman at paghihinayang subalit akoy walang magawa kundi tanggapin ang katotohanan akoy nag desisyong mag apply na lamang sa iba at muling makapagtrabahong muli sa taiwan ako namay hindi nabigo akoy nakaalis muli sa ikapngalawang pagkakataon at akoy nagpapasalamat dahil muli akoy napunta sa mabait na among pagsisilbihan noon ko napagtantong hndi ako nagkamaling muling sumubok sa pakikipagsapalaran dito sa bansang taiwan kahit sa simulay kabigoan ang aking nararanasan ngayon akoy mag 9 na taon ng naninilbihan sa taiwan at ngayon masasabi kong ang munti kong mga pangarap ay akin ng natupad nagkaraon ako ng sariling bahay at ang anak koy napag aral sa magandang paaralan at ang pangarap kay inay na mabigyan ng kaunting kaginhawaan ay aking naibigay lahat ang iyon ay bunga sa pagkakataong akoy mabigyang makapgtrabaho sa trabahong inilaan sa katulad kong mangagawang dayuhan.Sadya ngang napahanga sa bansang taiwan ang natatanging kaugaliang pantay pantay ang turingan mahirap man o myaman ay ipinamalas sa aming mga dayuhan ngayon dumating na ang takdang panahong akoy babalik sa bayang aking pinagmulan buong pusong maipagmalaki ang tagumpay na aking nakamtan salamat taiwan sa trabahong laan nararapat na ikaw ay taos pusong pasasalamatan pagkat dito ko nakamtam ang pangarap na inasam asam na kay hirap makamtan sa sariling bayan hangad koy manatiling matayog at maunlad ang iyong mamamayan upang marami pang mangagawang dayuhan ang iyong matutulongan sa maraming taon bg aking paninilbihan dto sa taiwan di maikubling maihambing ang inang bayan naway pamaresan ang bansang taiwan maliit lamang na bayan sa tingin ng karamihan subalit di ikailang itoy maunlad na bayan kayat kayraming katulad kong mangagawang dayuhan ang natutulongan ang umasang sa ibayong dagat makamtan ang pangarap na inasam asam naway manatili ang magandang samahan ng Taiwan at Inang bayan ngayon at magpakailanman.

Pagkakataon
2015/5/31 / Benidicto C. Ayson / Pagkakataon / Pilipinas 菲律賓 / Pinoy Across Magazine
Walong taon, pangatlong kontrata, ikalawang kumpanya…
Nakatulong sa Magulang, nakatulong akong makapagtapos ng dalawa sa kapatid ko, at naging sandingan ng mga limang kapatid sa kanilang pangangaylangan . Dito ko nakita ang kabiyak ng aking buhay.. nakapag ipon , nakapagpundar at dito nagsimulang madagdagan ang aking karanasan at pano magbago ang aking buhay.
Murang edad palang ako natuto na akong kumita ng konting salapi, nasubukan kong maglako ng “ Popcycle “ sa isang box ng styro-foam at nakasabit sa minsan sa aking balikat o ulo, may bitbit na maliit na bell naglalakad sa kalapit barangay para makapaglako. di alintana ang init ng panahon at buhos ng ulan makapag abot lang nang salapi sa aking magulang. Sa pagsapit ko sa segundarya sa pag aaral tuwing walang pasok pinasok ko ang paglalako ng “ fishball “, may kabarangay kaming nag alok sakin para maging tindero nila. Hindi na ako naglalakad ngaun para magbenta, bisekleta na ang gamit ko, mas malayo na ang nararating ko. Minsan nahihiya na ako baka makita ako ng classmate ko na crush ko. ngunit kelangan kong makatulong sa magulang ko at tapusin ang pag aaral ko sa high school. Ngunit Hindi naging pabor sa akin ang tadhana, wala kaming sapat para makapag aral ako sa kolehiyo,Isang taon akong nabakante at tumigil sa pag aaral,Mas marami akong nasubukang trabaho, kargador ng tabako, construction worker at nagbenta ng mga religious …… . ngunit hindi ako kontento sa kinikita ko, kelangan kong umunlad, para matupad un kelangan kong mag aral.
Hindi ako nabigo nang humingi ako ng tulong sa tita ko na nasa abroad para makapag-aral. dalawang taon niya akong sinuportahan,nakatapos ako sa kursong associate in computer science. bago ako makarating sa bansang eto, marami pa akong trabahong nasubukan.
ang mapadpad sa ibang bang ay isang malaking pagkakataon para sa akin. umpisa eto para matupad ang pinapangarap kong ginhawa, para sa pamilya, anak, magulang at para sa sarili.
May 2007 Ang Unang pag-alis ko ng bansa patungong Taiwan .Akala ko ang mawalay ng matagal na panahon sa mahal sa buhay ang magpapahirap sa akin dito sa abroad, mas marami pa pala.kung pano makisama at makitungo sa ibang lahi, pano masanay sa kanla kultura, bagong lenguwahe at higit sa lahat mas mahirap lalo ang makisama sa sarili mong kababayan. at kelangan mong mag adjust sa bagong panlasa sa timpla ng kanilang pagkain. may mga pagkakataon na kelangan kong tatagan ang loob mo pano malampasan ang mga bagay na eto. ang unang dalawang bagay na natutunan ko dito sa taiwan ay pano gumamit ng tissue ( sa lahat ng bagay) at chopstick, panyo at kutsara at tinidor lang ang gamit ko sa pinas( biro lang).Dalawang bagay na aking natutunan ang habaan ang pasensya at ang maging responsable, maraming akong nasaksihan at pagkakataon na kapwa kababayan ay nakakaroon ng bangayan na nauuwi sa pisikal na alitan sa loob at labas ng trabaho. kung hindi ka magiging responsable sa trabaho at dormitory, sa tatlong pagkakamali maari kang pabalikin sa pinas ng hindi tinatapos ang kontrata. Kaya eto ang dalawang bagay na agad kong natutunan.
Sa aking unang kontrata maraming payo akong natangap mula sa kapwa ko kababayan, ang unang unang sabi nila sakin “ first impressions last”. para makuha ang loob ng mga taiwanese na katrabaho ay dapat magpakitang gilas ka kaagad, ipakita mo kung ano ang kaya mong gawin. wag magpakita ng katamaran, at maging palakaibigan sa kanila. Kahit hindi ako marunong magsalita ng kanilang lenguwahe piniiit kong makipagusap at gawin ang akin mga sign language. kahit papano’y nakasurvived ako hangang matuto ng mga basics sa pakikipagusap. unti unti kong naisaayos at nalaman pano ang mamuhay sa bansang banyaga.
Isa sa hirap na naranasan ko sa taiwan nung nagkaroon ng Global Crisis, ung mga panahong un napakababa ng palitan ng pera ng peso laban sa pera ng taiwan. Nabawasan din ang pasok at marami ang napauwing mga OCW. Hindi man ako napauwi ngunit kinakapos ang perang pinapadala para sa pamilya, kaya namasukan ako bilang alalay sa kusina sa isang karenderya. Babangon ako ng maaga para sa part-time job ko , tutulong ako sa kusina para sa paghanda ng mga gagamitin. maghuhugas ng mga plato pinagkainan sa napakalamig na tubig. kahit mangatal at mamanhid ang kamay ko okay lang para namn sa pamilya ko.
Sa aking pamamalagi dito sa taiwan, masasabi kong akoy naging maswerti at naging maayos ang mga kumapanyang aking nakapagtrabahuan, naging maayos at pagtrato ng aking Employer at Coordinator. nagkaroon ako ng mga kaibigan taiwanese, hindi man sila palangiti pag di ka nila kakilala pero pag naging kaibigan mo sila mararamdaman mo ang pagiging thoughtful nila.dinadala nila ako kung saan saan, mahilig silang kumain , kaya pati kaming mga katrabaho nagustuhan ang pagkain nilang shabu shabu na may barbecue.Naging masaya rin ang pamamalagi ko dito sa taiwan, mga bagay bagay na pedeng gawin para malibang at mawala pansamantala at pagkawili sa mga mahal sa buhay, tulad ng mga company tour , dinadala kami sa mga lugar na mararangya at nakakatangal ng stress , mga theme park , temples and mga man-made tourist spot.
Ang mga bagay na hindi ko nakamit sa pinas dito ko natagpuan, naging pangalawang bansa at tahanan ko na ang Taiwan. Dito nagbago ng lubos ang aking buhay, dito ko nakamit ang mga munting pangarap ko sa buhay, ang makatulong sa magulang at kapatid ko. At higit sa lahat dito ko natagpuan ang aking kabiyak, dito nag umpisa ang aming pagmamahalan, at dito rin nakabuo ng pamilya. Akoy lubos na nagpapasalamat at nagkaroon ako ng pambihirang pagkakataon na mapunta dito sa taiwan, sa opurtunidad na ibigay ng Bansang Taiwan.

tula
2015/5/30 / Shirley87 / tula / Pilipinas 菲律賓 / wala
OBRA MAESTRA NG BUHAY
Aking buhay kulay at Paglalakbay
Pusong tahak ligaya at lumbay
Hindi mapaparam adhikaing ganda
Malinang na tunay OBRA MAESTRA
Wari ba'y lapis at kaligrapo sa kumpas ng kamay
Kanbas ng pagguhit, paleta at kulay na pinta
Sasabay sa emosyong kaakibat ng sikolohika
Pintang hapis,lungkot , ligaya at saya
Ito ay aking Obra Maestra ng buhay
Diwa't pananaw Misyong mabuhay
Magmahal at dakila payak at tunay
Sa aking kulay maging kakaiba
Sa aking pagguhit taglay ko ay lakas
Tapang na haharap sa bawat oras at bukas
Sasabay sa kumpas ng aking bathala
Sa direksiyong atraktibong makulay
Sa aking tinatahak misyong Caregiver
Payapa kong hinarap bawat hamon
Kulay man minsa'y hindi mabanaag
Sakbibing lungkot sa sulok sasalikop
Uusal ng dasal lakas tanging idadalangin
First Aid at Medical interbensiyo'y puhunan
Sa bawat pagtahak yaring misyon
Pagsagip ng buhay ay siyang tungkulin
Yakap at paglingap sadyang minarapat
Laging isasaisip anumang makabubuti
Ang magsilbing lugod bilang lingkod
Magsilbing sinag kahit maging munti
Yamang maitatangi kahit ay aba
Ehemplong payak pintig ng Puso
Sa aking Diwa at plano kanbas na blangko
Yaring papawi ng lungkot at emosyon
Bulong ng Bathala anumang direksiyon
Maging kulay abo, asul man o itim
Kasing tamis ng rosas at kulay pula
Atraktibong makulay gandang Obra Maestra
Obra Maestra kong pinta pusong tibok
Mahal kong Taiwan siyang nagbigay saya
Kapalit ng pagmamahal at busilak na kulay
Sinag sa aking buhay artistikong sining at ganda
Isang kabuuan katumbas ng Paglisan
Paglisan ma'y ngiti kapalit ay tagumpay
Hindi lamang gawa kungdi ay Misyon
Panibagong kumpas bagong direksiyon
Mabuo yaring Obra Maestra
Nawa'y sa aking Pagbabalik Mahal kong Taiwan
Pagmamahal mo'y nais kong balikan
Hindi na upang maging OFW kungdi Misyon
Lingkod ng mga aba at mga naabandona
Kasama ng mga Madre sa Tainan o Taipei
Sa aking Paglisan ngayong buwan
Obra Maestra ay Kadakilaan

PAGTITIIS...SAKRIPISYO...AT...PASAKIT
2015.05.30 / SONIA RAMOS CHAN / PAGTITIIS...SAKRIPISYO...AT...PASAKIT / PH
Tulad ng iba na nagsalaysay ng kani-kanilang kwento ng buhay ay isa rin ako sa nais magbahagi ng karanasan at patuloy na nararanasan sa kasalukuyan dito sa bansang Taiwan. Hindi man upang tularan, sa halip ay kapulutan ng aral, magsilbing halimbawa at maging inspirasyon sa bawat mkakabasa nito.
Ako si Sonia Ramos Chan, 45 taong gulang, pangalawa sa 5 magkakapatid at ulila na sa mga magulang. May simpleng pangarap sa buhay na hangang ngayon ay nanatiling pangarap pa rin. Maayos naman ang aming pamilya, medyo may kahirapan pero nakakaraos din sa tulong ng aming lola na isang pensyonada. Subalit ng ito'y pumanaw ay malaking kawalan din sa aming pamilya. Mabait ang aking ina at ganun din ang aking ama. Subalit ang bisyo na pag-iinom ng aking ama ang madalas na magbigay sa amin ng kahihiyan. Isang lasengero ang aking ama nung ito ay nabubuhay pa, halos hindi na nito makayanang umuwi ng bahay, at kung saan saan na lang natatagpuang lumpasay sa kalasingan. Maingay, nagmumura at halos mawala na sa sariling katinuan kapag may epekto na ito ng alak. Bagaman nasanay na kami sa ganung sitwasyon at maging ang mga tao sa lugar namin ay nasanay narin ay dama ko parin ang kahihiyang dulot nito. Hangang siya ay magkasakit at tuluyang bawian ng buhay.
Hindi ako nakatapos sa Kolehiyo dahil narin sa kakapusan, kaya't sinikap kong maghanap na lang ng trabaho. Sa Cavite ay pinalad akong makapagtrabaho sa isang pagawaan ng bisekletang pambata. Dito'y nakasama ko ang kapatid kong panganay at pinsan. Nagtiis sa mababang sahod; mainam kaysa walang pagkunan. Nakilala namin dito si Marilyn na siyang humikayat sa amin ng pinsan ko na mag asawa ng Taiwanese. Napapayag niya kami sa paniniwala sa mga sinabi niya na maari din namang idivorce agad kung sakaling di namin makasundo at makakuha na kami ng citizenship. Inakala kong ganun kadali ang lahat.
February 20, 1997, hindi man lubusang kilala ay nagpakasal kami ng pinsan ko sa taiwanese, May takot sa dibdib ko pero ang kagustuhan kong makarating ng Taiwan at makapagtrabaho upang maiahon ang aking ina at mga kapatid ang nagbigay ng lakas ng loob at tapang sa akin na makipagsapalaran at sumunod sa lahat ng nangyayari.
Makalipas ang 2 lingo matapos ang simpleng kasalan ay bumalik na kaagad ng Taiwan ang napangasawa naming mag pinsan. Taong 1997 noon sa himpapawid pa lamang ay samo't sari na ang naglalaro sa aking isipan. Ang excitement, kaba, takot at iba pang emosyong mahirap maipaliwanag. Papalapit ng papalapit sa pagbaba ang eroplano habang palakas ng palakas naman ang kaba sa dib dib ko. Bandang 6:00 pm na ng hapon ng ako'y maihatid ni papasang sa bahay ng aking napangasawa sa Changhua. Si papasang ay ang isang matandang Taiwanese na siyang nagsasama sa Pilipinas ng mga taiwanese na gustong mag asawa ng mga Pilipina. Samantala nahuling ihatid ang pinsan ko na napadpad naman sa Chiayi county. Nakilala ko ang aking mga inlaws, ang byenan kong lalaki ay may kabaitan subalit di nagtagal ay pumanaw rin agad ito, ang aking byenang babae ay mababanaag ang pagkabungangera sa mukha at pananalita pa lamang nito. Panganay sa 4 na magkakapatid ang aking napanagasawa at
nag iisang lalaki lamang ito. Ok naman ang mga naunang lingo at buwan ko dito minsan ay nadadalaw pa namin ang pinsan ko sa Chiayi. Madalas din ay ipinapasyal ako ng aking asawa sa night market, minsan ay nabibigyan pa ako ng kahit konti para ipadala ko sa pilipinas. Nakapagbakasyon din dito ang aking Ina at tiyahin...bagay na inakala kong isa ako sa mapalad. Lumipas ang ilang buwan nabuntis na ang pinsan ko at halos magdadalawa na ang anak nito ay hindi parin ako nabubuntis bagay na aking ipinangamba na baka hindi ako magkaanak. Tatlong taon pa ang lumipas bago pa ako nabuntis at pinalad na magkaroon ng isang anak na lalaki. Walang paglagyan ang aking kasiyahan alam ko na matutuwa ang aking asawa at ang pamilya nito dahil napakahalaga dito sa Taiwan ang pagkakaroon ng anak na lalaki. Na kabaligtaran sa aking inaasahan mula sa aking asawa, unti unti kong natuklasan ang tunay na kulay,pag uugali at pagkatao ng lalaking inakala kong makakaagapay ko sa
hirap at ginhawa. Alak, sugal, nganga, babae at droga mga bisyong ginagawa na niya nung siya ay binata pa. Minsan ay nahuhuli ko siyang gumagamit ng bawal na gamot subalit nanatili akong tahimik at takot na makialam.
Ilang buwan pa lamang ang aming anak noon ay ipinasok na niya ako ng trabaho sa pagawaan ng tissue kung saan siya nagtatrabaho. Sabay kaming pumapasok at sabay din umuuwi, naging maayos naman ang mga naunang buwan ng aking pagtatrabaho bagaman sobra pagod dahil paglabas galing sa trabaho ay tambak naman ang gawaing bahay.Sa pagtangap ko ng aking sahod may tuwa akong naramdaman inisip kong ito na ang simula na matupad ko ang pangarap ko para sa aking pamilya at nakakapadala narin ako sa kanila sa pilipinas. Wala pang kalahating taon ako sa trabaho ko ay pinakialaman na ng asawa ko ang sahod ko. Hindi ko na ito nahahawakan at siya na mismo ang kumukuha sa amo namin, halagang isang libo lamang ang ibinibigay niya sa akin na pang allowance. Minsan ay di ko na matiis na magtanong bakit ganun ang sagot niya'y kailangan daw naming mag ipon pra sa aming anak.. Kahit sa mga bagay na ipinapagawa sa bahay nila ay hinihingan na niya ako ng share. Ramdam ko na
talaga ang napakalaking pagbabago niya, hindi na ako nakakapadala sa pilipinas, madalang na akong makatawag dahil sa ayaw narin niya akong pagamitin ng telepono at kahit ang magandang relasyon at komunikasyon naming magpinsan ay naputol narin dahil ipinagbawal narin niya. Lumipas ang ilang taon ibinuhos ko parin ang aking atensyon sa trabho maging sa mga gawain sa bahay, lumalaki narin ang aming anak at di magtatagal ay mag aaral narin ito.Samantala ay lalo pang lumalala ang bisyo ng asawa ko maging ang kanyang Ina at mga kapatid ay wala na ring magawa dito.
Dahil sa kawalan ko ng komunikasyon sa pilipinas at sa pinsan ko tanging sa pinsan ko na lamang nakikibalita ang pamilya ko na wala rin namang masabi ang pinsan ko dahil maging kaming dalawa ay hindi na nkakapagbalitaan. At kahit kapag tumatawag ang pamilya ko sa pilipinas ay hindi nila ipinapakiusap sa akin. Dahilan upang hindi ko kaagad nalaman na inatake sa puso ang aking ina at hindi na ito umabot sa hospital. Dahil sa walang tigil na pagtawag ng pinsan ko ay napilitan naring sagutin ng byenan ko ang tawag at duon pa lang nalaman na wala na ang aking ina. Nakauwi kaming mag anak sinagot ng asawa ko ang funeral at ang iba pang expenses sa aking ina, na dapat lang naman dahil lahat naman ng sinasahod ko ay napupunta sa kanya at ni hindi ko na nahahawakan. Matapos maisaayos ang lahat sa pilipinas ay kaagad na rin kaming bumalik ng Taiwan at sa aming pagbabalik ay dito nagsimula ang aking kalbaryo at mala impyernong pamumuhay.
Habang tumatagal ay palala ng palala ang bisyo ng asawa ko. Nagsimula narin na makatikim ako ng pananakit mula sa kanya. Na sa tuwing malalasing ito ay ako ang palagi niyang pinag iinitan. Suntok, sipa, sampal at sabunot ang napapala ko sa kanya kahit wala akong nagagawang kamalian at kahit nakikita ng aming anak ang ginagawa niya ay patuloy parin siya sa pananakit niya maging anak nami'y nagkaroon na ng pobia sa mga ginagawa niya.. Halos buobog ang katawan ko sa pnanakit niya bagay na inilihim sa aking pamilya sa pilipinas maging sa pinsan ko sa chiayi.
Kahit ganun ang sitwasyon ko ay natulungan ko parin ang dalawa kong kapatid na lalaki na makapag apply dito kahit utang ay pinapadalan ko sila ng allowance at sa icash na lamang sila nangutang ng kanilang ipinang placement fee. Subalit dahil sa replacement lang ang maging kontrata nila ay di rin sila nagtagal dito sa taiwan.
Sa madalas naming pag aaway ng aking asawa na kahit sa trabaho ay madalas niya akong pagmumurahin at sigawan ay mas pinili ko na lamang maghanap ng ibang trabaho. Nakapagtrabaho ako sa gulayan, mabigat at mababa ang sahod pero pinagtiyagaan ko at pinagtiisan para sa anak ko. Lahat ng responsibilidad sa anak ko ay ibinigay ng asawa ko sa akin maging mg gastusin sa bahay habang siya ay patuloy na nagpapsarap sa buhay. Hangang matuklasan ko na may kinakasama itong vietnamese, vietnamese na may 3 anak. Sa tuwing magtatanong ako sa kanya tungkol dito ay nauuwi sa pag aaway hangang pauli ulit na naman niya akong saktan. Minsan sa sobrang pangbubogbog niya sa akin ay ipinasya kong lumayas at magtago, sa bahay ng isang kaibigan na si Cathy duon ako pansamantalang nagtago pero dahil sa malapit lang ito sa amin ay di rin ako pwedeng magtagal. Kaya'y sa kalagitnaan ng hating gabi ay tinawagan ko ang pinsan ko at nagpasundo ako, kaagad naman tumugon ang
pinsan ko kasama ang asawa niya ay sinundo nila ako sa changhua.Pagdating namin sa bahay ng pinsan ko sa chiayi ay duon ko pa lamang naikwento sa mag asawa ang lahat ng pangyayari, lahat ng dinadanas ko sa aking asawa bagay na hindi ko na maitatangi ang pananakit nito dahil sa dami ng pasa ko sa braso at hita maging sa mukha. Sabi ng pinsan ko ipapulis ko at tuluyan na akong makipaghiwalay. Lumipas ang dalawang araw ay natunton ako ng asawa ko sa bahay ng pinsan ko, kasama ang byenan kong babae, ang anak ko at ang amo niya sa pabrika ng tissue. Nangako ito na di na siya uulit, humingi ng tawad at nagmakaawa rin byenan ko dahil kawawa daw anak ko palaging umiiyak hinahanap aako. Kaya naman di na ako nagdalawang isip at sumama na ako pauwi. Maayos naman ang mga naunang lingo, Makalipas ang ilang buwan ay bumalik na naman ang pananakit niya hangang sa magsumbong na ako sa mga pulis, pinagharap kami pero nauwi parin sa wala dahil ayaw naman niyang makipag
divorce, pumirma siya na hindi na niya ako sasaktan,
Pero hindi parin natapos duon ang lahat ng pananakit niya nasundan pa ito ng mas matindi. Isang araw na umuwi siya at nakainom ay bigla na lamang akong sinabunutan,sampal, sontok at tadyak na naman ang napala ko na wala akong alam na dahilan. Magdamag akong di nakatulo sa kakaiyak inayos ko ang mga gamit ko habang wala siya. Muli akong nagpasundo sa pinsan ko halos patatlong beses na ito na nagpasundo ako sa pinsan ko, grabe na naman ang sakit ng katawan ko sa bugbog. Masakit man ay napilitan akong iwan ang anak ko katwiran ko ay di naman ito pbabayaan ng byenan ko at ng mga hipag ko. Pagdating ko ng chiayi ay dun pa lamang ako nakapahinga. Inihanap ako ng pinsan ko ng trabho kahit pag aalaga ng matanda ay pinasukan ko mababait naman ang aking mga naging amo, pero kahit anong gawin kong pag aabala ay ang anak ko parin ang palagi kong naiisip dahilan ng madalas na pag iyak ko sa gabi. Samantala hindi na rin ako hinanap ng asawa ko at nabalitaan
ko na lamang na nagsasama na ito ng vietnamese, tuluyan na nitong iniwan ang matandang asawa at ang 3 kaliliitan pang mga anak. Iniuwi narin ito ng asawa ko sa bahay pero hindi rin nagtagal dahil hindi rin ito makasundo ng byenan ko dahil walang alam na trabaho, burara, tamad at walang alam kundi magpaganda.
Halos mag isang buwan din akong wala sa bahay dahil sa sobrang pag alaala sa naiwan kong anak ay ipinasya ko ring umuwi na lamang, nagpaalam ako sa amo ko at sa pinsan ko na babalik na ako sa changhua dahil sa hindi ko talaga kayang iwan at pabayaan ang anak ko, bagay na naunawaan naman nila. Tulad ko ay ina rin ang pinsan ko kaya wala naman akong narinig sa kanya. Umuwi ako ng Changhua nilunok kong lahat ang sermon mula sa byenan ko at mga hipag ko, ganun din sa walang kwenta kong asawa.Mula sa school ay nakita ako ng aking anak kaagad agad itong tumakbo at yumakap sa akin habang umiiyak, parang biniyak ang puso ko sa habag at awa ko sa anak ko, nanlilimahid ito sa dumi ang pabahay at pamasok nito ay halos iisa na lamang, Walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha sa mahigpit kong pagkakaakap sa aking anak ay isinumpa ko sa sarili ko na kahit anong mangyari ay hinding hindi ko na siya iiwan.
Makalipas ang isang lingong linisan ng napakaduming bahay ay naghanap akong muli ng trabaho at ipinasok ako ng aking kaibigan sa pabrika ng medyas. Naging maayos naman ang trabhao ko kahit papano pinagkakasya ang maliit na sahod sa lahat ng gastusin sa anak ko at sa bahay, kung minsan ay di maiwasang makapagpadala parin sa aking mga kapatid. Pero kung minsan na mahina ang gawa ay wala talaga akong maipadala sa kanila, bagay na ikinasasama nila ng loob sa akin. Ang masakit pa ay makakarinig pa ako ng masasakit na salita mula sa kanila kapag hindi ko sila npapagbigyan sa kanilang mga kahilingan. Nakakasma ng loob na ang mga taong inaakala kong makakaunawa sa akin at madadaingan ko ay siya pang manunumbat sa akin at magbibigay ng sama ng loob. Dahil dito'y iniwasan ko ng magtatawag sa pinas masakit man ay may sarili din akong buhay at problema na wala akong mahingahan kundi ang sarili ko.
Samantala tuluyan ng nagsama ang aking asawa at ang kabit niyang vietnamese, nagrent sila ng bahay at umuuwi lamang ang asawa ko kapag may kailangan sa bahayo di kaya'y mag aaway sila ng vietnamese niya. Sinubukan ko rin makipagrelasyon sa kapwa ko pilipino pero pasakit lang din ang aking naranasan, kaya mula noon ay isinumpa ko na ang mga lalaki, bagay na palagi kong ipinagdarasal na hindi maging ganun ang ugali ng anak ko dahil lalaki rin ito.. Itunuon ko na lamang sa trabaho at sa anak ko ang atensiyon at buhay ko.
Isang araw ay ginabi ako ng uwi dahil sa may ot ako pag uwi ko ng bahay ay wala pa anag anak ko na dapat sana'y datnan ko na ito sa bahay, tinanong ko ang byenan ko pero wala rin itong alam at dir in daw nakita ang anak ko. Tumawag ako sa kaibigan ko para alamin kung nandun ang anak ko dahil madalas na magkalaro ito ng anak niya pero naroon ang anak niya at wala ang anak ko. Bagay na sobra ko nang ikinabahala, abot abot na ang kaba ko,umiiyak na ako na tinawagan ang pinsan ko at sinabi kong nawawala ang anak ko. Sinabi ng pinsan ko na baka isinama ng ama pero ilang lingo ng di umuuwi ang asawa ko ang sabi ko sa kanya. Di na nagtagal ang usapan namin, ipinagbigay alam namin sa pulis na nawawala ang anak ko. Halos inabot na kami ng byenan ko ng gabi sa police station sa pagbibigay ng statement. Lampas na alas 11:00 ng gabi kami nakauwi, naitawag narin sa mga hipag ko ang pangyayari, Tatawagan na lamang daw kami kung may makuhang impormasyon. Abot abot
ang pagdarasal ko na sana'y huwag mapahamak ang anak ko, ang anak ko ang buhay ko ang inspirasyon ko, ang lakas ko kung bakit natitiis ko ang lahat nga hirap at pasakit na dinadanas ko sa buhay ko. Isa pa'y hindi narin ako magkakaanak pa nuon dahil nagkasakit narin ako sa matress dahil sa asawa ko pero naagapan agad ito at di na lumala.
Pagakuwi namin ng bahay ay may tawag na kaagad mula sa pulisya natunton na ang anak ko kung nasaan pero humihingi ito ng malaking halaga na wala naman akong pagkukunan. Matapos magkasundo sa halagang hinihingi at maayos ang usapan sa tulong narin ng aking mga hipag ay saka lumabas ang totoo, na ang aking walanghiyang asawa ang may pakana ng lahat na kasama ang 2 kaibigan niya sa pagkuha sa sarili niyang anak. Halos isumpa ko ang aking asawa sa sobrang galit, napakasama niya para ilagay sa kapahamakan ang sarili niyang anak. Kinabukasan ay sinabi ng anak ko sa amin na ang Papa nga niya at 2 kaibigan nito ang nagsama sa kanya sa isang bodega. Humingi ng 30,000 ang asawa ko na kaagad namang ibinigay ng byenan ko, nangako itong lalayo na at di na magpapakita pa. Umalis nga ito pero makalipas ang isang buwan ay muli itong bumalik, madalas na namang umuwi ng bahay, nagsimula na namang maging impyerno ang buhay naming mag ina. Kaya pala ganun ay
nagkakalabuan na sila ng kinakasma niyang vietnamese. Unti unti ay hinakot na ang mga gamit niya pabalik sa bahay, madalang narin itong umalis dahil nagkasakit ito,ubo ng ubo at di makakain, kaya ipinacheck up ito ng aking byenan at ng aking mga hipag at natuklasan na may digestive cancer ito. Makaraan ang 2 lingo ay inischedule itong operahan at matapos maoperhan ay ako pa ang inutusan ng byenan ko na magbantay sa hospital dahil walang magbabantay dito. Wala akong nagawa ayaw ko man ay napilitan akong mag absent sa trabho para bantayan siya, pero kahit sa hospital ay palagi parin niya akong sinisigawan kaya umuwi na lamang ako at ang aking anak na lamang ang pinagbantay ko dahil kinabukasan naman ay walang pasok. Makalipas ang isang lingo ay naiuwi na ito ng bahay. Maputla at payat na ito, hindi narin masyadong mkapagmura dahil inaatake ng ubo sa tuwing magsasalita. Hindi na nagpakita ang kinasama niyang vietnamese at hangang ngayon ay wala narin
balita dito.
Sa ngayon ay patuloy parin ang pagchemo sa asawa ko sa tulong ng aking mga hipag, tatlong beses narin itong naoperahan, Kung minsan ay naninigaw parin ito pero di ko na pinapansin iniisip ko na lamang na marahil ay dala na lamang ito ng sakit na kanyang nararamdaman, natiis ko nga lahat ng hirap nuon nagyon pa na may sakit na siya, yan na lamang ang iniisip ko. Binibilan ko siya ng almusal bago ako pumasok sa trabaho minsan ay ako parin ang nagpapaligo sa kanya. Sa kabila ng aking " PAGTITIS...SAKRIPISYO AT PASAKIT" na naransan mula sa kanya ay hindi ko parin magawang pabayaan at talikuran ang pagiging asawa ko sa kanya. Sa kaibuturan ng aking puso ay palagi parin siyang kasama sa aking mg dasal na sana'y bigyan pa siya ng Panginoon na maituwid ang lahat ng kanyang mga pagkakamali at mapunan ang lahat ng kanyang mga pagkukulang bilang anak, kapatid, asawa at ama ng aming anak. Ngayon ay madalas parin siyang magsungit sa mga pagkakataong medyo ok
ang
pakiramdam niya. Pero patuloy kong dinudugtungan ang paputol ko ng pasensiya at mas dinadagdagan ko pa ang aking pang unawa.
Habang sinusulat ko itong aking kasaysayan ay walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha, lahat ay muling nanariwa sa aking isipan ang sobra sobrang hirap na aking pinagdaanan at pinagdadaanan sa kanya. At sa kawalan ay may mga tanong parin akong pilit na inihahanap ng kasagutan. Iisa lang ang alam ko ngayon na sa lahat ng aking naranasan...nalampasan ay lalo akong pinatapang at pinatibay na patuloy na harapin ang dagok ng buhay. Totoong mapalad ang mga taong may mga mata upang makita ang tunay na kulay ng mundo, ang mga taong may mga tenga upang marinig ang bulong at sigaw ng bawat isa,...subalit para sa akin ay mas mapalad ang mga taong tulad ko na may Pusong handang umunawa, magtiis at magpatawad.
Salamat sa Panginoon sa pag gabay niya sa akin sa lahat ng sandali ng aking buhay, salamat dahil hindi niya ako pinabayaan na sumuko sa lahat ng pagsubok na aking naranasan bagkus ay pinatatag niya ako na patuloy na harapin ang buhay. Ang buhay ay parang bagyo di mo alam kung kailan ito darating upang tayo'y salantain, sirain at kung mahina ang iyong pundasyon ika'y tuluyang tatangayin at dadalhin sa kawalan, pero kung ang ating pundasyon ay matatag at ang ating tiwala at pananampalataya sa Panginoon ay buo kailan man ay hindi tayo mabubuwag. Tulad ng bagyo ito ay dadaan lang sa buhay natin hihinto rin ito...kakalma at muli tayong makakapagsimula,
Salamat sa mga taong naging bahagi ng aking buhay at karanasan, at sa aking anak na siyang dahilan upang ako'y maging matatag, upang ang lahat ng aking " PAGTITIS...SAKRIPISYO AT PASAKIT" sa buhay ay patuloy kong harapin at labanan. Salamat sa "TLAM" at sa lahat ng bumubuo nito dahil sa inyo ay nagkaroon kaming mga migrants ng pagkakataon na maibahagi at maisalaysay ang bawat karanasan na aming naranasan at patuloy na dinadanas. Buhay at karanasang magsisilbing gabay, halimbawa at inspirasyon ng bawat makakabasa nito. Maganda man o malungkot ang ating masilayan ang mahalaga'y mag iiwan ito sa atin ng magandang aral. Tulad ng gabi, ang kadiliman ay may hanganan...muling sisikat ang araw na magbibigay ng liwanag.....liwanag na magsisilbing gabay natin upang harapin ang bukas at magbibigay ng panibagong PAG-ASA!

Hamon ng Buhay
2015/5/29 / Jill. J / Hamon ng Buhay / Pilipinas 菲律賓 / wala
Hamon ng Buhay
Walang sinuman ang di naghangad ng magandang buhay lalo na kung para sa kapakanan ng mga anak. Maliit pa lang ako nasaksihan ko na ang mga pagsisikap ng aking mga magulang para itaguyod kaming 6 na magkakapatid. Parehong di nakatapos ng elementarya ang aking mga magulang, ngunit sa tiyaga, diskarte at walang kapagurang pagtatrabaho, nairaos nila ang aming mga pangangailangan hanggang napagtapos kaming lahat sa pag aaral. Nag aangkat lang sila ng mga paninda kung kani kaninong mga may pwesto sa palengke (gulay, pagkain,prutas,sopdrinks, at kung anu ano pa na pwedeng pagkakitaan) hanggang makaipon sila ng konting halaga para makapag umpisa ng sarili nilang negosyo. Nagba bayan-bayan sila kung saan merong tinatawag na “Market Day””. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay umaalis na sila para magbyahe at gabi na umuuwi habang naiiwan kami sa pangangalaga ng aming lolo at lola na nasa poder din ng aking mga magulang(side ng aking nanay) Maaga naming natutunan ang klase ng kanilang hanapbuhay dahil tumutulong kami pag walang pasok sa eskwela . Ganun ang takbo ng buhay nila sa araw araw.
Nang matapos ko ang kursong Bachelor of Science in Business Administration, pinili kong mag negosyo kaysa mag opisina. Binigyan nila ako ng konting puhunan . Nagkaroon ako ng grocery store sa palengke. Lumago ito noong ako’y mag asawa. Isang lalaking walang maipagmamalaki, lumaki sa ibat ibang tao sa pagtatrabaho. Maagang naulila sa mga magulang at walang pamilyang nasisilungan. Awa ang nagtulak sa akin para tanggapin sya sa aking buhay.
Sa pagtutulungan naming mag asawa madaling umunlad ang aming kabuhayan. Nagkroon kami ng maliit na poultry at piggery. Nagtitinda na rin kami ng sako sakong bigas. Meron na rin kaming mga palayan na inaasahan tuwing tag ani. Masagana ang aming pamumuhay hanggang biyayaan kami ng tatlong anak na lalaki.
Kuntento na ako sa aming pamumuhay. Masayang pamilya at sapat na kabuhayan. Hindi ko naisip na hindi lahat ng bagay na gusto natin ay nangyayari ayon sa mga plano natin.
Kalamidad ang humadlang sa mga pangarap na aming binubuo. Malaking dagok sa aming buhay nang salantain ng bagyo ang aming mga kabuhayan. Nabaon kami sa utang, hanggang di nakayanan ng asawa ko ang responsibilidad. Umalis sya at iniwan kami ng 3 kong anak.
Taong 1997, unang pakikipagsapalaran ko sa bansang Taiwan. Hindi pa masyadong uso ang cellphone at computer sa mga OCW noon. Sulat at 100nt IC card for 10mnts sa 7 Eleven ang tanging gamit na komunikasyon para kumustahin ang 3 kong anak na naiwan sa pangangalaga ng aking ina at nakababatang kapatid.
Pangalawang hamon sa aking katatagan ang pagtatrabaho ko sa isang Textile Factory sa Neihu District. Maraming Pinoy at Lokal ang mga kasama ko sa trabaho.
Hindi sinusunod ng may ari ng kompanya ang nakasaad sa aming kontrata. May sarili siyang batas at patakaran sa factory. Mababa ang basic salary at ang overtime pay ay halos kalahati lang. May salary deduction din kapag nakadamage ka. Tatlong division ang factory, Quality control, taga gawa ng sinulid at finishing na tela. Bentekwatro oras ang takbo ng makina at shifting ang mga manggagawa. Naassign ako sa finishing. 14 na makina ang binabantayan ko at sa 12 oras, wala na akong ginawa kundi ikutin ang lahat ng mga makina. Dalawang beses lang kaming bigyan ng pagkain, lunch at dinner, bahala na kami sa almusal. Kapag na late ka ng 3 beses, equivalent to 1 absent at isang libo ang penalty. Minsan mahaba pa ang oras naming inilalagi sa factory kaysa sa dormitory lalo na pag naghahabol ng quota. Ang dose oras ay nadadagdagan pa.
Kaya hindi ako nagtataka kung bakit halos replacement ang mga kontrata . Maraming umuuwi na di makayanan ang trabaho. Ang masaklap, binabawasan pa ang sasahurin dahil breach contract daw. Wala din kaming lakas ng loob na magreklamo dahil basta ka na lang pauuwiin. Wala din kaming alam kung sino at saan hihingi ng tulong lalo at mga first timer pa. Hindi rin kami basta basta nakakalabas dahil may time in and out. Maaga din ang curfew. Tanging 7 eleven sa kalapit na factory ang aming nasasaglitan. Carrefour ang tanging mall na kilala namin dahil isang beses sa isang linggo dinadala kami ng van para mamili ng aming mga pangangailangan . Isang beses sa isang linggo ay may pumupunta rin para sa mga gustong magpadala ng pera sa pamilya. Sa ganun tumatakbo ang buhay namin sa loob ng 2 taon. Ang hirap at pagtitiis ay sinarili na lng. Matira ang matibay. Nakapagpahinga lng kami kapag nagkatrouble ang makina. Gusto kong isigaw sa kanila na” hindi kami mga makina, tao kami na kailangan ding magpahinga at ikondisyon ang mga katawan para sa susunod na mga araw na pagtatrabaho. Hindi kami pwedeng magkasakit at maraming umaasa sa amin”…
Pagkatapos ng kontrata, umuwi akong force savings na 5000/month at tax refund lang ang dala. At dahil wala pang extension noon, di ko na rin hinangad na mag aplay sa ibang bansa. Ang perang dala ko ay pinuhunan ko uli sa negosyo. Nakipagsosyo ako sa supplier ng diesel at crude oil, binalikan ko uli ang pagtitinda ng bigas. At dahil marami na rin ang kapitalista sa aming bayan, naging mabagal ang pag usad ng aking negosyo.
Naging inspirasyon ko ang mga pinagdaanan ng aking mga magulang. Hindi ako nakitaan ng pagsuko. Patuloy ang aking laban. Nakipagsabayan ako sa kompetisyon ng negosyo, kahit nandun ang pag alala na habang lumalaki ang mga anak ko ay lumalaki din ang gastusin.
Nang magkaroon ng batas na pwede na uling magtrabaho ang mga ex-taiwan, hindi ako nagdalawang isip na makipagsapalaran uli.
Malaki na ang ipinagbago ng Taiwan. Marami ng English billboard. Pati sa bus ay may English na rin. Hindi na gaanong mahirap ang komunikasyon , di tulad noon na lagi kang nangangapa kung paano kayo magkaintindihan at kailangan pa ng interpreter.
Wala pa rin akong swerte sa napasukan kong trabaho. Caregiver ang nakasaad sa kontrata pero all around pa rin ang aking gawain. Hiwalay sa asawa ang amo kong babae at laging nasa china sa pag aasikaso ng negosyo. Matandang lalaki at 3 bata ang lagi kong kasama na inaasikaso. Walang disiplina ang mga bata. Walang mga manners at spoiled brat na tinotolerate ng ina at lolo. Nasa high school na ang dalawa at elementary naman ang bunso. Halos wala ng kapaguran ang pagtatrabho sa pagsunod sa lahat ng kilos nila. Parang masama pa ang loob nila pag nakikita kang walang ginagawa. Madamot sila, mas gustuhin pa nilang magtapon kaysa ipamigay. Walang privacy. Sa isang storage room ang tulugan ko kung saan nakatambak ang sari saring gamit. Walang orasan ang kanilang tulog kaya habang gising sila ay dilat din ang yung mga mata. Wala ding orasan kung gisingin ka nila pag may kailangan. Wala ka man lang maramdaman kahit kaunting pagpapahalaga o respeto. Kahit ganun ang trato nila sa akin, hindi ako nagrereklamo. Tahimik ko pa ring ginagampanan ang tungkulin ko sa kanila. Masakit lang minsan isipin na sarili kong mga anak ay di ko maalagaan, pero kailangan ko silang isakripisyo para sa maganda nilang kinabukasan. Tinanggap ko na rin sa sarili ko na ganito ang kapalaran ko sa pag aabroad, pero di ako susuko, alam kong mahirap pero kakayanin ko. Lagi ko na lang dinadasal sa Poong Maykapal na bigyan pa ako ng lakas at tibay ng loob sa pagharap sa mga darating pang pagsubok.
Ang tanging konsolasyon ko sa kanila ay ang ilang oras na dayoff tuwing linggo. Alas sais pa lang ng umaga lumalabas na ako ng bahay para mag abang ng bus para makahabol sa unang misa sa simbahan. Pagkatapos kong maghanap ng almusal mamimili na ako ng mga kakailanganin ko para sa isang linggo. Kapag may oras pa, nakikipag umpukan ako sa mga kapwa ko OFW sa parke. Doon na rin kami nagsasalo salo ng mga pagkaing dala habang nagpapalitan ng mga hinaing tungkol sa mga kinasadlakang trabaho. Tawanan, iyakan, tuksuhan. Sa ganung paraan na lang namin nailalabas ang mga sama ng loob na kinikimkim.
Naisip ko, marami din pala ang katulad ko na walang swerte sa amo. Yung iba, mas masahol pa ang nararanasan. Merong tinatakot, sinasaktan, hinihiya kahit sa publiko at merong di pinapasahod. Ang kagandahan lang, marami ka ng malalapitan para hingian ng advise o tulong. Dahil sa mga Pilipinong Organisasyon at mga NGO local, Nasosolusyunan at nababawasan ang paglala ng mga problema ng migranteng manggagawa.
Kung sana maramdaman at maunawaan ng mga amo ang hirap na pinagdaanan namin bago makarating dito. Ang pabalik balik na pag aaplay sa mga agency at kung paano makalikom ng sapat na pera pang placement fee. Kung gaano kalaki ang naitulong namin sa kanila para mapagaan ang kanilang mga trabaho kahit pa sabihing binabayaran kami. Malayo kami sa aming mga mahal sa buhay, ngunit di namin hinangad na ituring na kapamilya o magkaroon ng importansya dahil alam namin kung saan kami nakalugar. Ang mabigyan lang ng konting konsiderasyon at pagpapahalaga bilang tao ay sapat na.
Lingid sa kaalaman ng aking pamilya ang lahat ng mga hirap na pinagdadaanan ko. Ayokong mag alala sila sa akin. Batid nila kung gaano ako katatag. Naging saksi sila kung paano ko hinarap mag isa ang mga trahedyang dumating sa akin noong akoy nasa pilipinas. Ramdam ko ang kanilang paghanga at respeto kaya gusto kong manatili sa isipan nila yun saan man ako makarating.
Isang buwan kong nakapiling ang aking pamilya bago uli ako bumalik ng Taiwan. Panibagong kontrata, panibagong amo. At last, God is Good! Nakatagpo ako ng butihing amo. Masasabi kong nasa average lang ang kanilang pamumuhay pero may ugaling makatao. Itinuring nila akong isang kapamilya na tumutulong sa kanila sa pang araw araw na gawain. Engineer ang lalaki. Walang trabaho ang babae na syang nag aalaga ng 2 nilang anak. Nakapisan sa kanila ang lolo at nanay ng lalaki. Sa kanila din nakatira ang 2 kapatid na pawang may mga trabaho. Hindi ko maramdaman ang bigat ng trabaho dahil lahat sila nagtutulungan. Hindi ko rin problema ang pagkain at pamamahinga. Ramdam ko ang kanilang pag aalala lalo na sa aking kalusugan. Maluwag din sila sa day off ko, walang curfew at may sarili akong susi. Sabado pa lang pinapayagan na nila akong matulog sa mga kaibigan. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makasali sa mga organisasyon ng mga Pilipino. Nagagawa ko ring makapag participate sa mga sayaw at sports.
Sa kabila ng lahat, di ko magawang samantalahin ang privilege na binibigay nila sa akin, bagkus ay lalo kong pinagbuti ang trabaho ko. Gusto ko ring maramdaman nila kung gaano kalaki ang aking pasasalamat at hindi ko sisirain ang kanilang pagtitiwala. Isinasama din nila ako kahit saan sila magpunta . (mamasyal man o kumain sa labas)
Namangha ako sa kagandahan ng Taiwan. Salusalungat na mga tulay, nagtataasang gusali at naglalakihang mga Mall. Marami na ring Asian Restaurants. Hindi na rin mabilang ang dami ng turistang nagbibisita sa bansa. Hangang hanga din ako sa mga klase ng transportasyon na nagpapabilis ng byahe. Maliban sa mga bus at pribadong sasakyan merong High speed train, LRT, MRT, motorbike at bicycle.
Maunlad ang bansang Taiwan, kaya hindi nakapagtataka na maraming lahi ang naghahangad na dito magtrabaho. Sa kabila ng maraming issue tungkol sa harassment, discrimination, maltreatment at marami pang iba, mas pinili pa rin ng mga OCW na makipagsapalaran.
Ang batas ng extension na manatili pa ng ilang taon ay malaking tulong hindi lng sa mga migranteng manggagawa kundi pati na rin sa mga among pinapasukan, dahil hindi lahat ng worker na makukuha nila ay makapag adjust sa mga trabahong kanilang ibinibigay .
Nasaksihan ko rin minsan ang protesta ng mga lokal. Walang pinag iba sa Pilipinas at sa ibang bansa. “Pagbabago” ang laging isinisigaw. Sa aking pananaw, mas mabilis makita ang pagbabago sa kapaligiran kung uumpisahan natin sa ating mga sarili. Mababawasan ang problema sa mundo kung huwag na nating idagdag ang ating mga sarili.
Parang kailan lang, kung ibabalik tanaw ko ang aking pakikibaka para mabago ang takbo ng buhay ko kasama ng aking mga anak. Mga katagang lagi kong sinasambit, “Konting tiis lang mga anak, makakaraos din tayo, pangako ko, matutupad ang mga pangarap nyo”.
Naging inspirasyon nila at gabay ang mga pangaral ko sa palagiang komunikasyon. Salamat sa makabagong teknolohiya, hindi naging hadlang ang pagitan ng dagat. Ang pangungulila sa bawat isa ay naiibsan.
Maraming ring temptation na nasa paligid lamang na pwede sumira sa iyong katinuan at pangarap na binubuo. Lahat tayo ay may kahinaan, determinasyon lng ang kailangan. Kung maging focus ka lng sa mga priorities mo at maging pursigido para matupad ang mga layunin sa pakikipagsapalaran sa kahit aling bansa, lahat yan ay hindi mahirap iwasan.
Nakapagtapos na ng ComputerEngineering at Business Administration ang dalawa kong anak. Magtatapos na rin sa kursong Turismo ang bunso. Ngayon, musika sa aking pandinig ang mga katagang, “Konting tiis na lang Ma, malapit ka ng makapagpahinga, Pangako namin, sa iyong pag uwi, ikaw naman ang aming pagsisilbihan”. Masarap damhin na nagtagumpay ka sa sariling pagsisikap. Na walang sinisisi o sinasagasaan para lang makamit ang mga minimithi. Ngayon ko napatunayan na walang imposible kung gugustuhin mo. Ang pagbabago ay nasa atin at wala sa iba.
Salamat sa Diyos Ama na tangi kong sandalan, sa pagbibigay Niya sa akin ng lakas at tibay ng loob para malagpasan ko lahat ng pagsubok. Salamat din sa bansang Taiwan na naging instrumento para ako maging matatag at maipanalo ko ang aking Hamon ng Buhay!
By: JiLL. J

Mga Bagong Bayani
2015/5/28 / Mike Liezer S. Oronia / Mga Bagong Bayani / Pilipinas 菲律賓 / wala
Mga Bagong Bayani, yan ang tawag sa aming mga Pilipinong nagtatrabaho sa labas ng bansa saan mang panig ng mundo,
Kahirapan ang numero unong dahilan kaya nakipagsapalaran para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya,
My kanya-kanyang dahilan at plano sa sarili kayat ng pursige na mag-ibang bansa,
Yung iba my kaya sa buhay pero naki pag-sasapalaran parin para ang buhay ay lalong guminhawa,
Pero ang karamihan ay namulat sa mundong ibabaw na salat sa pera,
Nilisan ang inang bayan at iniwan ang mga minamahal,
Pagpunta sa Taiwan ang nakitang tulay para makamit ang mga pinapangarap,
Matiwasay na pamumuhay, my mailagay na pagkain sa lamesa tatlong beses sa isang araw,
Titiisin ang pangungulila para matustusan ang mga pangangailangan ng Ina, Ama, Kapatid, Asawa at Anak,
Masakit man sa loob na makita ang anak na umiiyak at nag nagpapa-alalang mag ingat ka doon tatay ha,
At ang asawang nag sasabing alagaan mo ng mabuti ang iyong sarili at huwag kang mag hanap ng iba doon ha,
Ang Ina, Ama at Kapatid ay nag-aalala sa iyong kahahantungan,
Sa dayuhang lugar na hindi pa kabisado ang pamamaraan ng pamumuhay at lenguahe na hindi pa naiintindihan.
Nagbabanat ng buto, tinitiis ang pagod, hirap at bigat ng trabaho,
Araw man o gabi, bawat sandali, bawat oras ay mahalaga upang kumita ng salapi,
Iniinda ang anumang pagsubok kahit na minsan ay masama ang loob,
Hindi maiwasang isipin ang pamilya kahit nasa trabaho na,
Pero nababawasan ang lungkot at pangungulila kahit kunti tuwing maka-usap sa telepono ang mga minamahal na nangangamusta,
Natatanggal ang lumbay tuwing marinig mo na ang boses nila,
Sa gayun ay maligaya kana ring alam mo na ayos lang yung kalagayan nila,
At napapawi lamang ang pagod tuwing araw ng sahuran,
Matatanggap na yung bunga ng pinagpawisan,
Maipapaayos na rin ang sirang bahay,
Matutubus na ang naka sanlang lupa,
May maipapadala na ng pambili ni Ina ng mga kailangan sa pang araw araw na pamumuhay,
Makakabili na muli ng bagong kalabaw pamalit sa ebinenta ni Ama,
Perang ginamit para sa Taiwan ay makapunta,
Makakabayad na ng matrikula sa paaralan ang Kapatid,
Ang ang Asawa naman ay matustusan ang mga pangangailangan sa bahay lalong lalo na sa Anak.
Ilang taon pa ang lilipas bago muli silang makapiling,
Kahit gustong gusto muna silang makita ay kailangan munang mag-tiis para sa huli ang buhay ay giginhawa,
Kaya yung iba kahit malaki na ang anak ay hindi pa nakikilala ang ama,
Dahil noong umalis ay kapapanganak pa lamang ng asawa,
Pero sa mga binata at dalagang nandito ang kasintahan,
Kasayahan ang dulot dahil magkikita nang muli at maipagpatuloy ang mga sandaling naudlot noong naghiwalayan,
Yung iba naman ay iniwan ang anak sa mga magulang para rin sa kanyang kapakanan,
Para matustusan at mapag-ipunan ang kanyang hinaharap.
Ang lahat ay nagsasakripisyu sa para maabot ang mga pinapangarap at makamit ang matamis na tagumpay,
Mabuhay ang mga Bagong Bayani ng bansang Pilipinas.

Estranghero
2015/5/29 / Mark ADG Mapili / Estranghero / Pilipinas 菲律賓 / Wala
""Estranghero""
Aking nakilala ang Isang kaibigang nagmula sa munisipyo ng Munyos sa bansang Pilipinas. Isang bansang sagana sa agrikultura, yamang dagat at yamang lupa. Mayaman sa manggagawa dahil sa humigit kumulang 70-80 libung manggagawa ang nagmula sa kanilang bansa. Estranghero na matatawag sa masaganang bansa ng Taiwan.
Ang aking kaibigan na si Anthony ay walong taon pa lamang sya ng magsimulang mangarap. Nangarap makatapos ng pag aaral, nangarap magkaroon ng totoong kaibigan, at nangarap makarating ng ibang bansa. Dahil simula pagkabata nakagisnan na nitong maka tanggap ng pasalubong na nasa loob ng malalaking karton at bagahe mula sa kamag-anak galing sa malalayong bansa. Kayat ng makapagtapos ng High School taong 2000 sa tulong ng isang ka mag-anak na namamasukan sa isang ahensya ng gobyerno. Nakumbinsi syang lumipat at sa makatuwid unang naging estranghero sya sa Syudad ng Heneral Santos, sakop ng isla Mindanao sa dulo ng kanilang bansa. Dito natuto ng maraming bagay at salita. Mahirap maging estranghero, dahil baguhan sa isang lugar maraming Di alam at kailangang matutunan. Nag trabaho Ito upang matustusan ang kanyang pag aaral hanggang sa makatapos ng Management sa kolehiyo ng Notre Dame of Dadiangas University noong 2004. Dala dala ang mga dokumentong pinaniniwalaang magagamit hakbang sa paglago at pagkamit ng mga pangarap sa buhay. Taong 2012 nang sinubukang maging pangalawang estranghero sa lungsod ng Maynila ang aking kaibigan ngunit matagal bago Ito nakapaghanap ng trabaho dahil sa dami ng ka-kompitensya at sa maliit na magiging sweldo.
Isang sugal maging estranghero. At dahil Isa sya sa mga matatapang na aking nakilala at naging kaibigan, sa pangatlong beses ay tinahak muli maging estranghero dito sa bansang Taiwan. Aking nalaman na isa sa mga kadahilanan nito ng paglipat ay para maka tulong na maibalik ang mga lupaing naisanla at pangkabuhayang agrikultura na nawala dahil sa hirap ng buhay. Sa pag aakalang makakaahon sa buhay sinikap nito makarating dito sa bansa. Ibang kultura, iba ang mga salita, kasama ang iba't ibang lahi ay tinaggap ang trabaho na sa pagdating ay Hindi alam Kung kakayanin sa bigat ng gawain. Nakita ko pano sya nagsimula, pano nahirapan sa pakikitungo sa kapwa trabahante, pano nahirapan mag adjust sa pagkain, at nasaksihan ko pano Nya sinikap malampasan ang pangungulila sa pamilya. Isang linggo pa lamang nagbalak na itong umuwi, at nakaranas madala sa pagamutan. Ngunit dahil sa katapangan at determinasyon nito di nya napansin nakakayanan at nalalampasan nito ang mga pagsubok na dumarating habang tumatagal ang pamamalagi nito. Pagsapit ng taglamig hindi alintana ang hirap ng sitwasyon makapasok lamang at magampanan ang tungkulin nito. Sa aming pagkakaibigan naibahagi nya ang Ilan sa kanyang mga natutunan sa kanyang pagiging estranghero, masagana ang bansang Taiwan dahil sa pagpapahalaga sa oras at sa paniniwalang pagsisikap ang magdadala sa pag angat sa buhay. Isang beses nilapitan ko Ito at tinanong pano mo hinaharap at kinakaya ang mga pagsubok sa buhay?, sinagot ako nito ng ilang kataga, ""Hindi ko kasalanan na ipinanganak akong mahirap, ngunit magiging kasalanan ko Kung mananatili akong mahirap"". Hanga ako sa kanya dahil sa mga kaka ibang ipinamamalas nito sa loob at labas ng pagawaan. Sa tatlong taon na pamamalagi dito sa bansa nasabitan ito ng tatlong medalya mula sa Intensive Training for Emerging Leaders, nagpapayo sa mga kapwa na gustong maging responsible sa buhay, nakaka tanggap ng consistent performance bonus simula ng mag trabaho sa pagawaan at sa pagtatapos ng kanyang 3 taon na kontrata pabaon nito ang kagalakan at pusong malapit sa bawat Isa, ibang lahi man o mga nakatataas sa pagawaan Isang estranghero sya na panalo sa Puso at isipan naming lahat.

Sinag sa Takip silim
2015/5/26 / M.E Osan / Sinag sa Takip silim / Pilipinas 菲律賓 / Pinoy Across
Sinag sa Takip silim
M .E. Osan
Ang kwento ng aking buhay ay maihahalintulad ko sa mga napapanood ko sa Teleserye o di kaya sa mga Pelikula, kung saan ang Bida ay api at naging tagumpay sa huli. Dati din akong manggagawa dito sa Taiwan bago ko narating ang maginhawang buhay ngayon, umalis ako sa amin dahil sa maling desisyon at pagsuway ko sa aking mga magulang. Maalwan ang aming pamumuhay, tatlo lamang kaming magkakapatid may yaya at maid sa bahay dahil kapwa nagtatrabaho ang aking mga magulang, ang Tatay ko ay isang dating Tagapangasiwa sa isang Departamento ng nooy sikat na “National Steel Corporation “ sa Iligan City Lanao del Norte (Mindanao), at ang Nanay ko naman ay isang dating Guro sa pampublikong Paaralan ng Suarez High School. Pinalaki kaming magkakapatid ng may takot sa Diyos, maging mapagkumbaba at maging magalang kahit kanino man.
Subalit sa kabila ng mga ito, magulo ang aming tahanan, kami itong tinatawag sa Ingles na “dysfunctional family” o di normal. Nakakahiya mang sabihin, ”Alcoholic” o Lasenggero ang aking Ama noong siyay nabubuhay pa, kasama sa pag-iinom niya ay ang pambababae , na naging kalbaryo ng aking Ina at ng buong mag-anak. Na-aalala ko pa mula ng ako’y tatlong taong gulang hanggang sa magdalaga lageh nalang nag aaway ang aking mga magulang, minsan pa nga dinala ng Tatay ang kanyang babae sa aming bahay, muntik ng masiraan ng bait si Nanay noon, buti nalang at nadala sa dasal at tinablan yata ng hiya ang “the other woman” ng aking ama dahil doon daw sana patitirahin sa amin, Diyos na mahabagin!!! di pa pinapalabas ang “the legal wife, two wives at my other woman” showing na kami. Dahil dito nawalan na ako ng ganang maging seryoso sa pag aaral at mas gusto ko pang laging nasa labas kaysa nasa bahay, tumigas ang ulo ko sa pamamalo ng aking Ina hanggang sa akoy magKolehiyo palo pa rin ang inaabot ko tuwing lalagpas ng alas singko ng hapon ang aking uwi at bawal dumalo sa kahit ano mang party.
Hindi ko rin masisisi ang aking Ina sa pagiging strikto at mainitin ang ulo kaya siya namamalo, dahil na rin siguro sa problema sa Tatay ko. Kaya noong magkaboyfriend ako ng seryoso, sumama na akong makipagtanan sa kanya at nagpakasal sa Huwes, ng malaman ng aking mga magulang galit na galit sila dahil kahit galing sa angkan ng mayayaman ang aking napangasawa, hindi nila gusto ang pag uugali nito at ng kanyang pamilya na kilalang matapobre at magulang sa negosyo (dati kasi naming Arkitekto sa isa naming bahay ang kanyang Ama noon, at tagapangalaga sa Konstruksyon na nagkaroon ng problema).
Hindi din ako naging masaya, siguro parusa ito sa pagsuway ko sa aking mga magulang. Tumakas nga ako sa magulo naming Tahanan mas lalo namang naging impyerno ang buhay ko sa aking napangasawa na seloso, at Uuuuubod (prolonged U) ng batugan, umaasa lang kung ano ang binibigay ng kanyang Ama. Lageh kaming nag- aaway at may kasama pang bugbogan (kung hindi tungkol sa pagseselos niya, ay sa mga walang kakwenta kwentang bagay), sa araw araw na lang na ginawa ng Diyos puro pambubulyaw at insulto ang naririnig ko sa kanya. Ang dating Senyorita at Prinsesa ng Tatay ko ay naging Alila na, patang pata ang katawan ko sa maghapong trabaho. Maaga akong gumigising para makapamalengke, nagtitinda kasi ako ng pagkaing pang-ulam at kakanin sa Kantina ng Tennis Court na pag- aari ng pamilya ng asawa ko. Kusinera, Tindera, Kahera at Serbidora, wala pa diyan ang pagiging Sekretarya ko sa Papa niya sa Opisina na 50pesos sa isang araw ang sahod, kung minsan nagpapart time din ako sa pagtuturo ng Ingles sa gabi para doble kita, dahil ako lang ang kumakayod. Habang ang maluho at tamad kong asawa ay pinoproblema kong anong oras makapaglaro ng Tennis o kung kailan ang susunod na Architects Convention na pagkakagastusan.
Kakayanin ko naman sana kasi paninindigan ko ang aking desisyon, ang kaso, hindi lang ang asawa ko ang aking kalbaryo kasama pa yung aking mga Biyenan, na hindi ako matanggap dahil walang titolo na nakadikit sa aking pangalan. Lageh nalang akong ikinukompara sa mga anak niyang Interior Designer, Piloto, Inhinyero, Abogado etcetera. Lalong lalo na sa manugang niyang babae na pinag aral sa U.S., dapat daw kasi kumuha din daw ako ng “Law” “naluko na , hirap pa nga sa pang araw- araw na gastusin eh mag aaral na naman ulit???? buti sana yung anak nila na batugan ay tinutulungan ako susme! Kaya, kung mata matahin ako ay ganoon-ganoon nalang at kung utos utusan ako parang katulong nila dahil ang liit ng tingin nila sa akin, ito pa, Sir at Ma’am ang tawag ko sa aking mga Biyenan hindi Mama at Papa ( ambisyosa pa ako ng lagay na yun huh! ). Halos di nga ako ipinakikilala bilang kapamilya at hinihiya pa ako sa harap ng mga bisita. Kahit anong sipag at pagpapakumbaba ang gawin ko para lang matanggap nila, wala pa rin, langaw lang ako na nakatuntong sa kalabaw daw nilang anak. Yun nga eh, kung sino pa yung minsang edukado sila pa itong parang walang pinag aralan kung umasta. Sa isip isip ko; hindi naman nasusukat ang pagkatao mo sa mga diploma, medalya , tropeo at kung ano ano pa, kundi kung paano ka makikipagkapwa tao, subalit kahit ano pa man sabihin ko sa mga taong nasa paligid ko , walang nakikinig, dahil habang wala kang napapatunayan, wala kang sinabi.
Labing-tatlong taon ko tiniis lahat yun pero noong isang araw na mag-away kami ng asawa ko, muntik ko ng matusok ng stick ng barbecue ang kanyang mata dahil sinuntok niya ako sa ulo, gutom ka na’t lahat ayaw ka pa niyang pakainin kasi hindi pa kumpleto ang kondimento (suka,toyo,sili at kung walang sili maghanap ka!!) para sa hapunan ng Hari, may kasama pang sigaw kasi ang bagal bagal ng kanyang “Aliping sagigilid” . Sagad na sagad na ako, naubos na ang kahit konting pasensya meron ako. Ang ingay ng bahay at napagod na ako sa walang katapusang bangayan,buong buhay ko puro nalang ingay at walang katahimikan, kaya nagpasya na akong makipaghiwalay, salamat nalang at wala kaming anak dahil ayaw niya daw ng responsibilidad, kaya di kami nag anak.
Ayaw kong matulad sa Nanay kong nagtiis ng sobra, na wala ng itinira sa sarili, ayaw kong habang buhay akong luhaan. Sa kagustuhan kong magpakalayo layo at magsimula muli, umalis ako sa amin at nagtrabaho dito sa Taiwan bilang “Caregiver”, sabi ko; bahala na, basta makaalis lang ako sa Pilipinas kahit anong trabaho. At di ko akalain na dito din pala magbabago ng tuluyan ang aking buhay, dito ko nakilala ang lalaking tunay akong minahal, hindi kung sa ano pa man, kundi bilang ako.
Dumaan din sa maraming pagsubok ang aming pag-iibigan ngunit hindi niya ako sinukuan. Minsan ako ay nagkasakit at wala halos nagbabantay sa akin sa Ospital, dahil ang aking mga kaibigan at kakilala ay di magkatugma ang “day off”, siya lamang talaga ang nagtyaga na magbantay sa akin at nag alaga hanggang sa akoy gumaling. Inayos ni Antoine ang aking mga papeles papuntang Pinas at pinatigil na ako sa pagtatrabaho dahil naging sakitin din ako, pinag-aral din niya ako sa Switzerland ng kursong German Language at Hotel and Business management at ng ako ay makatapos , nakapagtrabaho sa isang prestihiyosong Carlton Hotel bilang VIP Coordinator. Nakapaglibot libot din ako sa Europa sa pamamalagi ko sa Switzerland ng tatlong taon. Talagang “360 degrees” ang pag ikot ng aking buhay. Hindi nga natutulog ang Diyos, kailanman sa lahat ng pinag daanan ko hindi ako nawalan ng pag asa, dahil lagi kung sinasabi sa sarili ko; matatapos din lahat ng ito, may bukas pa at may bukang liwayway sa takip silim. Hindi ako natatakot lumaban sa buhay , habang may hininga sige lang”push mo yan”.
” I am nothing without God” wala ako kung di dahil kay Hesus. Sa hangarin ko na mapabuti ang aking buhay at magsimula muli hindi ko nakakalimutan ang magdasal, naging suwail man ako noon binabawi ko ngayun sa tuwing may mga problemang dumarating o may hihingin ako, itinataas ko lageh sa kanya, sinasabi ko; ang kalooban niya ang masusunod hindi ako ,dahil noong ako ay nasunod ay puro pasakit naman ang dinanas ko.
Ngayun ako ay isang masayang maybahay ng Italyanong Piloto ng China Airlines dito sa Taiwan. Masasabi kong masaya, kasi natuto akong makontento ang kung anong meron ako,mas napapahalagahan ko ang kahit na anong biyaya na dumarating sa akin munti man o malaki, lalong lalo na ang biyaya na pagmamahal. Minsan naiisip ko, ang layo ng buhay ko ngayon kaysa noon, kung magbigay ng biyaya ang Diyos sobra sobra. Iba talaga pag ibibigay mo lahat kay God at hindi yung nagdedepende ka lang sa sarili mong pang unawa sa buhay na wala siya.
Noong umuwi nga ako sa probinsiya namin galing ng Europa halos hindi nila ako nakilala , kasi wala pang Facebook noon at saka konti lang ang may Friendster ( hahaha tunay ngang ang tagal na noon), dati kasi akong patpatin at ngayon nagkalaman na. Feeling ko tuloy mag ala Nanette Medved sa pelikulang “Hiram na Mukha” sa madramang “hindi niyo ba ako nakikilala??? Pero kasi hindi ako nakakalimot sa aking pinanggalingan kaya walang naganap na ganitong eksena. Iniisip ko nalang kung hindi din dahil sa pinag daanan ko, hindi ko mararating ang Taiwan at matagpuan ang aking “Forevermore” hihihihi.
Nagpapasalamat ako na laging pina-aalala ng Diyos na kung ano man meron ako ngayun dapat nakatapak pa rin ang aking mga paa sa lupa,di ko nakakalimutang mamahagi ng aking biyaya, lalo na sa aking pamilya , sa Nanay ko na gusto kong maging maginhawa at masaya sa mga huling yugto ng kanyang buhay at kalimutan ang mapait na nakaraan. Kailan man hindi ako nagtanim ng galit sa mga taong nagpahirap sa akin bagkus naging matalik na kaibigan ko pa ang aking dating hipag na babae sa dati kong asawa, sa katunayan noong pagkatapos ng Chinese New Year 2015 dito sa Taiwan ay binisita nila ako at inikot ko sila sa mga magagandang lugar dito at isa na rito ang Yehliu Geopark, napatawad ko na rin ang aking dating asawa at okey naman kami pati na rin ang aking mga dating Biyenan. Nakakatuwa nga minsang nagpang abot kami ng aking dating Biyenan at dating asawa sa “Carwash Center” na may Restawran, habang nag-aantay ako na matapos malinisan ang aking kotse at sila din ay naghihintay sa kanilang kotseng pinacarwash habang kumakain, kinawayan nila ako at inimbitang makisalo sa kanila, noong una di ko alam ang gagawin, tawag ng kagandahang asal lumapit ako, pero di ako sumabay kumain dahil nakapananghalian na rin ako, ang ikinagulat ko lamang ay ng tinanong ako ng dati kong Biyenang lalaki ; kumusta ka na Madame? …Madame??? Nakakaasiwang pakinggan kaya sinagot ko siya ng; Miles nalang po Sir buhay lang ang nagbago, pero hindi po ako. Ganun pa man, masaya lang akong wala akong kinikim kim sa dibdib at nakakaharap ako sa kanila na nakangiti. Magaan sa dibdib na wala kang kaaway, maaliwalas ang buhay.
Tunay na ang Diyos at ang aking “Amore” ang Sinag sa aking Takip-silim.

Taiwan, mabuhay ka!
2015/5/22 / Luis Heredero / Taiwan, mabuhay ka! / Pilipinas 菲律賓 / Wala
Sino nga bang hindi mabibighani sa taglay mong ganda? Kaibig-ibig ka sa paningin, mga nagtataasan mong istraktura, makasaysayan mong mga templo, maaaliwalas mong parke, makukulay mong mga karatula, at magigiliw mong mamamayan. Hindi kataka takang ika’y pinangalanang Formosa na nangangahulugang magandang Isla. Ika’y kaaya-aya rin sa pandinig. Hindi ko man lubos maunawaan ang iyong lengwahe, tila isa pa rin itong musikang sumasalamin sa iyong kultura. Idagdag pa riyan ang hinahain mo sa pagkainan, masarap sa panlasa na talaga namang hahanap hanapin ng sinoman. Oh Taiwan, nais kita lubos pang makilala, ako’y nahuhumaling sa iyong kariktan. Bukod sa taglay mong pambihira, ikaw rin ay may mabuting hangarin. Ang walang sawa mong pagbibigay tulong sa iyong mga kapatid sa timog-silangang Asya sa pamamagitan ng pinagkakaloob mong trabaho ay talaga namang kapuri-puri. Puspos na pasasalamat at kagalakan ang aking nadarama sa walang humpay mong pagaaruga at pagbibigay pag-asa sa aming mga migrante
Una mong kinupkop sa iyong bisig si Lily, ang aking butihing ina. Ako’y musmos pa lamang, taong 1997, noong nilisan nya ang lupang sinilangan upang ika’y paglingkuran, gaya ng aking amang si Lito, isang marino at ng milyong milyong Pilipinong handang magsakripisyo at mawalay sa mga mahal sa buhay mabigyan lamang sila ng magandang kinabukasan Nakalulungkot mang isipin na parehong magulang na ang kailangang mangibang bansa maging maayos lang ang pamumuhay naming apat na magkakakapatid, ngunit kami’y nagpakatatag, hindi ininda ang lumbay at hindi sumuko sa hamon ng buhay.
Naging kalugod lugod ang naging trato mo kay Lily. Ikaw ang naging instrumento upang maisakatuparan ang lahat ng aming mithiin at mapunan ang aming bawat pangangailangan. Nakakakain na ng tatlong beses sa isang araw, at hindi na kalian man kumulo ang aming tiyan, nakapag-aaral sa maayos na eskwelahan, nakabibili na ng mga gamit na kailangan at nakatutulog sa desenteng tirahan. Naging maayos ang aming pamumuhay dahil sa oportunidad na iyong ipinagkaloob. Malayo man kung tutuusin, masasabi kong naging maunawain kami sa sitwasyon at hindi nagkulang ang aming magulang sa pagaaruga sa aming magkakapatid.
Ngunit hindi pa rin naging madali ang lahat. Magbubukang liwayway, sa hindi inaasahang pagkakataon, ay bumisita ang aking tiyahin na may bitbit na balita at tila may nais iparating. Akin siyang tinanong at malumanay niyang sinagot na may malubhang karamdaman raw ang aming mahal na ama. Mababatid mong may pagdadalamhati sa kanyang tinig. Kinahapunan, isa isa nya kaming kinausap at sinabi ang totoong kalagayan ng aming ama. Isang aksidente ang naganap sa barkong pinagtatrabahuhan niya, at sa kasawiang palad ay hindi ito nakaligtas. Mistulang gumuho ang apat na sulok ng aming bahay. Ang haligi ng tahanan ay wala na. Isa na marahil ito sa pinakamalungkot na pangyayari sa tana ng aking buhay. Mahigpit akong niyakap ng aking tiyahin, at parehong basa ng luha ang aming mga mata.
Umuwi si Inay Lily na mabigat ang pasaning dinadala. Tila huminto ang oras at dumilim ang paligid nang sandaling nakita nyang muli ang kabiyak na sa pagkakataong ito’y isa nang malamig na bangkay. Hindi nya lubos maisip ang nangyari. Hindi napigilang humagulgol at maglupasay sa sinapit ng kanyang mahal na asawa. Sakbibi ng lumbay, sadyang mahirap pagmasdan, at masakit sa puso. Wala kaming magawang magkakapatid para huminahon si inay. Nang mahimasmasan, matapos ang ilang oras, ay ikinwento nya ang kalbaryo ng aming ama makasampa lamang ng barko. Kung ilang beses siya nagpabalik balik sa iba’t ibang ahensya at kung ilang beses din siyang tinanggihan. Noong unang sampa nya’y naudlot pa dahil sa pagkakaroon ng malubhang sakit sa apendiks, na inakalang simpleng sakit ng tiyan lamang. Pagkatapos ng libing, hindi man niya naisin, ay kinailangan na niyang muling bumalik sa pagtatrabaho. Mahirap mang tanggapin kaylangan pa ring ipagpatuloy ang buhay at harapin ang bukas.
Isang malaking dagok sa buhay ni ina ang pagkawala ni ama. Patuloy na dumating ang mga pagsubok sa aming pamilya. Gaya na lamang ng hindi wastong pamamahala ng gastusin ni Gail, ang aming panganay na kapatid. dahilan upang isanla ang aming bahay at lupa. Dumagdag pa ang pagbubulakbol sa eskwela ni Ann, ang isa ko pang ate na nagresulta sa pagkakabuntis nito ng maaga. At naging sakitin naman ang nakababata kong kapaitd na si John na malaking nakaapekto sa kanyang pag-aaral. Ako nama’y napabarkada ng husto at nalulong sa masamang bisyo tulad ng alak. Tila nagsunod sunod ang suliranin sa loob ng aming tahanan. Ngunit gayunpaman ay hindi ko naalalang nagalit ng husto ang aming nanay, Naaalala ko lang noong panahong umiiyak siya sa kabilang linya ng telepono tuwing kami’y pinagsasabihan. Naging masalimuot man ang naging kinahinantan, hindi ito naging hadlang upang maitaguyod ni inay ng mag-isa ang aming buong pamilya. Nagsikap siya ng husto at hindi ininda ang mga hamong dumating. Hindi naglaon ay bumalik naman sa maayos na kalagayan ang aming pamumuhay.
Naging malaking tulong upang maiahon ang buong pamilya sa hindi mawaring pagkalugmok mula sa kasawian ay ang kaibigang Taiwanese ng aking ina na si Umpong na pagkalipas ng ilang taon ay muling nag patibok sa kanyang puso. Mapalad kaming maituturing sapagkat may malinis na hangarin at sadyang busilak ang kalooban ng aking naging pangalawang ama. Siya rin ay palangiti, masayahin at mapagkawang-gawa. Nais nya kaming makausap kaya pilit itong nagsasalita ng tagalog na sadyang kaaliw-aliw. Makikita mo ang kanyang pagpupursige na mapalapit ang loob sa aming magkakapatid. Agad naman niyang nakuha ang aming tiwala at pinatunayan na maganda ang kanyang hangarin. Isa rin siya sa nagbigay ng payo sa aming mga personal na problema kaya’t unti unti na ngang nanumbalik ang sigla sa loob ng aming tahanan.
Kinalaunan ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nadadagdagan pa ng dalawang miyembro ang aming pamilya. Ang tahimik ngunit palatawang si Peichun, at malambing at bibong si Yieshin. Sila ang naging inspirasyon ko upang pag-aralan ang salitang Mandarin. Nais ko silang makausap. Matanong ang mga simpleng bagay tulad ng ‘Kumain ka na ba?’ O kaya naman ‘Kamusta na ang pag-aaral mo?’ Gusto kong mapalapit sa kanila, Nais ko silang makabiruan at makakwentuhan. Nais kong kilalanin nila ako bilang isang nakatatandang kapatid. Natatanungan ng mga problema, napagsasabihan ng mga hinaing sa buhay. Gusto kong ipahiwatig sa kanila kung gaano ko sila kamahal at gaano sila kaimportante sa aking buhay. Sa tulong ng aming ina’y unti unti kaming nagkakaunawaan. Naipaparating ang nais ipahiwatig ng bawat isa. Sa ngayo’y hindi ko man sila direktang nakakausap, masaya na rin ako sa tuwing sinasambit nila ang salitang kuya tuwing ako’y kanilang tinatawag, nakukuntento sa mga yakap at mga simpleng tawanan.
Labing walong taon mula noong una mong inabot ang iyong kamay upang magbigay ng tulong, heto kami ngayon taos pusong nagpapasalamat sayo. Nakapagtapos na lahat ng pag-aaral at masigasig na pinagbubutihan ang trabaho sa napiling propesyon. Si Gail na dati’y hirap sa pamamahala ng salaping ipinapadala ni inay ay isa nang Marketing Manager sa Maldives, si Anne na noo’y tumatatakas sa eskwelahan ay abala sa pagtuturo ng Ingles sa mataas na paaralan, at si John na madalas ay may karamdaman ay nagtatrabaho bilang isang rehistradong siyentipiko sa isang prestihiyosong hospital sa Maynila. Si mama Lily at papa Umpong ay masaya pa ring nag sasama at naninirihan sa iyong magandang lupain kasama ang dalawa nilang supling. At ako’y piniling sumunod sa kanyang mga yapak at maglingkod sayo bilang isang Electronic technician.
Dito na nagsimula ang ating istorya. Buwan ng Marso, taong 2013, noong una kitang masilayan. Malamig pa rin nang mga panahong yon. Gayun pa man hindi maititago sa aking mukha ang kasabikang dulot ng ginaw, ito kasi ang unang pagkakataong nakaranas ako ng taglamig. Sa katulad kong lumaki sa isang mainit na bansa isang nakakasabik na karanasang maituturing ang ganitong prebilehiyo. Masarap sa pakiramdam, tila ako’y nasa isang malaking pridyeder na noong bata ay pilit pinagkakasya ang sarili sa maliit na sisidlang pangyelo maibsan lamang ang init na nadarama. Nakatulong naman ang mainit na pagsalubong sakin ng aming Coordinator. Hanggang sa dumating kami sa aming tutuluyan hindi na nabura ang ngiti sa aking labi. Agad na ngang na-love at first sight at lubusang nahulog ang loob ko sayo, oh Taiwan.
Nangingibabaw ang sabik at ligaya . Naguumapaw sa saya ang nadarama noong sa wakas ay nakita ko na rin ang mga lugar at pasyalan na noo’y napagmamasdan ko lang sa litrato ni inay Lily. Hilig rin ni papa Umpong ang maglakbay kung saan-saan kaya naman ay nagkakakasundo kami sa oras ng galaan. Aking nang nasilayan ng malapitan ang pamosong Taipei 101. Narating ang pinakamalaking palahayupan sa asya ang Taipei Zoo. Nasaksihan ang iba’t ibang kapistahan at pagdiriwang tulad ng Dragon Boat Festival, Moon Cake festival at Chinese New Year. Kahit ang simpleng pamamasyal sa parke, gilid ng lawa at iba’t ibang halamanan ay kalugod lugod ring maituturing. Ang makapaglakbay kasama ang mga mahal sa buhay ay isa sa pinakamasayang karanasang aking natamo sa pamamalagi ko saiyong magandang isla na aking babaunin panghabang-buhay.
Bagama’t naging makulay at masigla ang aking napagdaanan, naging masalimuot naman ang mga unang buwan ko sa kompanyang aking pinpapasukan. Mali rito, mali riyan, hindi magkaintindihan, masyadong mabagal, sakit dulot ng usok sa makina, ay ang ilan lamang sa naging suliranin na aking ikinaharap. Dumating pa sa puntong pinagpasyahan ko na lamang na lisanin ang dayuhang bansa at umuwi ng Pilipinas. Ngunit sa tulong ng aking mga kasamahan sa trabaho, unti-unting naging maayos ang aking paggawa. Malaking tulong ang binahagi ng kapwa ko mga Pilipino, mga kasamahang Vietnamese, Thai at Indonesian upang mapaghusayan ko ang aking trabaho. Iba’t iba man ang kultura, tradisyon at pinanggalingan., lahat kami’y handang lumingap at magtulungan upang mapagbuti ang gawain ng bawat isa.
Mahigit dalawang taon na ang lumipas noong una mo akong tinanggap sa iyong tahanan. Isang nilalang na wala pang kamuang muang sa mundo, isang nilalang na hindi pa lubos maunawaan ang nais sa buhay, isang nilalang na naghahanap ng sagot sa mga tanong na bumabagabag sa kanyang isipan. Ngayon ay masasabi kong naging malaking tulong ang pagpunta ko sa iyong magandang lupain upang lubos kong maunawaan ang buhay hindi lamang sa ibayong dagat kundi ang buhay sa pangkalahatang aspeto. Ito na marahil ang pinakamakabuluhang bahagi ng aking kamakailang buhay kung saan ako’y mistulang sumuot sa mismong sapatos ng aking butihing ina. Mas naintindihan ko ang kanyang mga karanasan, ang lungkot at pighati ng pagkakawalay sa pamilya, ang mga masasayang ala-ala dulot ng paglalakbay at pakikiksalamuha sa iba’t ibang lahi, at walang sawang paglaban at pagbangon tuwing hinahamon ang katatagan ng loob at pagtitiwala sa poong maykapal.
Oh Taiwan, naging nakapakabuti mo sa akin at sa aking pamilya. Walang humpay at labis ang saganang pasasalamat ko. Isa kang huwaran at magandang ehemplo hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo. Nararapat lamang na ika’y kilalaning isang lubos na malayang bansa at ganap na soberanya na kayang tumayo sa sarili nitong mga paa. Mula sa iyong kapatid sa timog silangang asya, Taiwan, mabuhay ka!

Tatlong Bituin, Isang Araw
2015/5/21 / Jean Mantes / Tatlong Bituin, Isang Araw / Pilipinas 菲律賓 / Wala
Ang buhay ay puno ng pag-asa, puno ng pakikibaka at pakikipagsapalaran. Mga pangarap na hahamon sa bawat kakayahan natin. Mga pagsubok na susukat sa katatagan at tagumpay na magsisilbing marka ng minsang kabiguan natin. Sa maikling salita, ang buhay ay isang siklo ng paglalakbay.
Bitbit ko sa ikalawang pagkakataon ang karugtong ng aking mga pangarap. Sa pangalawang pagsabak ko sa buhay abroad...dala ko ang dagdag na determinasyon at tapang, lakas ng loob at mas malawak na kaisipan...yan ang magsisilbing sandata ko para maging mas malakas sa panibagong hamon sa pangingibang bayan. Sa ikalawang pagtapak ko sa bansang unang nagbigay ng pagkakataon para maranasan ko ang buhay na malayo sa pamilya at sa bayang sinilangan...dala ko ang mas nakakahigit na ako.
Sa paglipad ng sasakyang naghahari sa himpapawid, kasabay nitong lumilipad ang aking kaisipan para sa mas mataas na hangarin ko sa buhay. Kasabay ng paghalik nito sa ulap...nandoon ang pag-aasam kong magkaroon ng katuparan ang lahat ng aking mga pinapangarap para sa aking pamilya. Pamilyang iniwanan ko, inspirasyon at pamilyang makakasama ko hanggang sa huling hamon ng kapalaran. Sa paglapag nito sa bansang magsisilbing tahanan ko sa loob ng ilang taon...nandoon ang kasiyahan at pananabik ko para harapin muli ang tinatawag na ""buhay OFW"".
Kasabihan nga ng karamihan...SANAYAN LANG SA BUHAY. Tama nga naman, dahil sa bawat karanasan at pagkakamaling nagagawa natin, mayroon tayong aral na natututunan na magsisilbing daan para mahubog tayo upang maging mas kapaki-pakinabang.
Bilang isang migrante o manggagawa sa ibang bayan...hindi lang para sa sarili ko at pamilya ang bawat paghihirap na aking mararanasan. Hindi lang sarili ko ang dala ko kundi pati na rin ang bansang pinagmulan ko at ang lahing taglay ko.
Isang sugal ang pangingibang bayan...sugal na sarili mo mismo ang iyong magiging kalaban. Kung magiging mahina ka at hindi mo magagawang aralin at matutunan ang paraan para tumagal sa pakikipaglaban...hindi mo makakamit ang magandang buhay na hinahangad mo.
Mga dayuhan kaming manggagawa sa itinuturing naming dayuhang bansa, kami ang magsisilbing lakas ng aming Inang Bayan...dagdag puhunan kami para sa pag-unlad. Bagong bayani kung tawagin kami ng lahat, sa gitna ng pagsubok sa ibayong dagat...sa bawat problemang hinaharap at pinaglalabanan...dala ko ang lakas ng loob at tatag ng paniniwalang makakaya ko kahit anupaman ang mangyari. Tatak ng lahing mayroon ako, ang maging matibay sa gitna ng unos at mga pagsubok.
Iba't iba man ang pinagmulan namin, kanya-kanya man kami ng paniniwala at sariling kakayahan...iisa ang hangarin namin sa pag-alis, yun ay ang mabigyan ng magandang buhay ang iniwan namin. Mabigyan ng katotohanan ang bawat ninanais namin para sa aming pamilya para sa kaginhawaan na mararanasan namin sa oras na matupad lahat ng binuo naming pangarap.
Alipin man kami ng dayuhang bansa, balutin man kami ng kalungkutan...mabago man ang takbo ng buhay na aming kinagisnan...hindi iyon magiging hadlang para tumigil kaming abutin ang aming nasimulan.
Sa bawat hamon, sa bawat luhang nailalabas namin dala ng matinding pangungulila, sa bawat patak ng pawis dahil sa kapaguran...mga kalyong kumakapal sa kamay man o sa paa dahil sa bigat ng trabaho. Mga matang uhaw sa tulog at katawang napapagal...kaya naming tiisin para sa magandang bukas.
Ako ay isang manggawa...isang taong may pangarap. Lumalaban sa iba't ibang hamon at naglalakbay sa samu't-saring byahe ng buhay.
Sa PERLAS NG SILANGANAN ako isinilang...lahing Pilipino ang aking pinagmulan. Sa ilalim ng kinang ng TATLONG BITUIN at init ng walong sinag ng ISANG ARAW, mananatiling nakatayo at mangingibabaw ang lahing kahit anong mangyari...taas noo kong ipagmamalaki.
PILIPINAS ang bansa ko...LAHING PILIPINO ang taglay ko. Isang bansa...isang lahi...matatag para sa TAGUMPAY.
MANGGAGAWANG PINOY...DANGAL NG BAYAN! ISANG SALUDO BILANG PAGHANGA...PILIPINAS, MABUHAY KA!

Taiwan, Tunay na Puso ng Asya
2015/5/20 / REMBERTO B. SOLETA JR. / Taiwan, Tunay na Puso ng Asya / Pilipinas 菲律賓 / EEC Magazine
TAIWAN, TUNAY NA PUSO NG ASYA.. Ako si Remberto B. Soleta Jr.,Isa ako sa ilang daang Pilipino ang lumipad patungong Taiwan noong ika-7 ng Agosto taong 2011. Napakahirap ng kalooban ko bilang isang padre de pamilya ang mapalayo sa aking pamilya subalit kalakip nito ay ang pag-asang maiahon at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya. Buo ang aking loob na tumungo sa bansang ito dahil noon pa man ay pangarap ko ng makarating ng Taiwan. Noong una ay nahirapan ako na mag adjust dahil syempre hindi ko maintindihan ang kanilang salita subalit dahil naging mabait at maunawain ang aking mga kasamahang Taiwanese at ang aking boss madali kong napag aralan ang ilan sa mga importanteng salita nila. Akala ko noon hindi ako tatagal sa aking trabaho dahil namimiss ko ang aking pamilya pero dahil sa nakasanayan ko na din ang kultura nila ay unti unti ng nawala ang aking kalungkutan. Lubos akong humahanga ako sa mga Taiwanese dahil ang unang una kong napansin sa kanila ay hindi nila nakakalimutan ang magpasalamat..lagi silang mapagkumbaba sa mga foreign worker na tulad ko. Laking pasasalamat ko dahil pinagkakatiwalaan nila ako sa aking trabaho kung kaya nakapangalawang kontrata na ako ngayong taon na ito. Kahanga-hanga ang bansang ito dahil kahit na maliit ay maraming bansa ang natutulungan upang mabigyan ng mga trabaho. Kahit ilang taon pa ako magtrabaho dito sa Taiwan ay hinding hindi ko pagsasawaan, napakadisiplinado ng mga tao na dapat talagang kahangaan. Yan ang dahilan kung bakit patuloy na umuunlad ang bansang ito. Napananatili nila ang disiplina sa sarili at pagmamahal sa kanilang sariling wika. Lagi kong dalangin na patuloy pang umunlad ang Taiwan upang marami pang matulungang bansa. Muli akong nagpapasalamat sa bansang Taiwan dahil marami akong natutunan para sa aking sarili. Habang buhay kong tatanawing utang na loob sa bansang ito dahil TAIWAN, TUNAY KANG PUSO NG ASYA..maraming salamat po..

Ang aking Dalawang Karanasan
2015/5/20 / JUSTMINE / Ang aking Dalawang Karanasan / Pilipinas 菲律賓 / EEC
Magandang Araw po sa mga kaibigan ko. Ako pa ay isang FACTORY WORKER dito sa taiwan at mahigit isang taon na rin po ako dito,Ako po ay bente kwatrong gulang na at may dalawa po akong anak ang panganay ko pong anak ay pitong taong gulang na at nasa ikatlong baitang sa pag-aaral,at ang bunso naman po ay isang taon at dalawang buwan ang kanyang edad, siya po ay nasa pangangalaga ng kalapit bahay namin,Ang panga -nay ko pong anak ay pinag-buntis ko nung ako ay labing pitong gulang ang tatay naman po niya ay bente nuebe anyos noon,Sa katunayan po ay magkaiba ang tatay ng aking mga anak.Ang tatay ng panganay ko ay may asawa at dalawa nang anak,nang malaman ko na may asawa na siya noon ay agad ako nakipag-hiwalay pero dahil sa minahal ko siya at sa kanya ako nag-karoon ng unang karanasan ay nag- bunga iyon,pero ng malaman niya na ako ay buntis pinangakuan niya ako na kahit may asawa siya ay susuportahan niya ako ngunit sa pag- daan ng mga araw hindi na siya nagpapakita o tumatawag man lang,pero nakikita ko po siya dahil magkatabing bahay kami pero wala ako magawa hindi ko magawang makipag kumprontan sa kanya dahil kahihiyan ko po at kasalanan ko din ang nangyayari sa akin. hanggang sa lumipat po kami ng bahay at tuluyan na ako na layo sa taong nakabuntis sa akin,dahil nag-iisa akong babae sa aming magka- kapatid at lagi ako naiiwan nang aking nanay sa gabi at siya ay nag-titinda sa palengke,naiiwan akong kasama ang aking tataytatayan ay natakot ako dahil palainom at gumagamit ng bawal na gamot ang aking pangalawang tatay .at hindi maayos ang aking pamilya kaya minabuti kong ilihim ang nangyayari sa akin,hanggang sa ika apat na buwan ay tumigil ako sa pag-aaral at nagtinda na lamang ako sa palengke dahil kelangan kong tustusan ang aking panganganak.Hanggang sa ikapitong buwan ay nalaman na ng aking nanay na ako ay buntis pero wla pa rin silang magawa dahil ako ang may kasalanan,dumating ang araw ng aking panganganak ay kasama ko ang aking nanay sa loob ng aming tahanan ay inilabas ko ang aking unang anak,lumipas ang mga araw ay maraming bagay ang hindi ko maibigay sa aking anak kaya naisipan ko humingi ng tulong sa tatay ng aking anak at sinabi ko sa kaniya na tulungan mo ako hindi ko pa kaya buhayin ang bata wala pa ako sa tamang edad at walang sapat na trabaho,sumagot lang siya ng OO susuportahn niya,pero nangbalikan ko siya sa pinagtatrabahuhan niya ay pinag-tataguan niya ako araw-araw.hanggang sa naisipan ko ilapit sa hukuman pero natakot ako dahil sabi ng iba makukulong ako dahil sa may asawa yung nakabuntis sa akin.Wala akong nagawa dahil sa napaka buti ng DIYOS AMA hindi niya ako pinabayaan,dahil kinausap ako ng aking nanay na itigil ko na ang aking paghingi ng sustento bubuhayin niya daw po kami sa abot ng kanyang makakaya.kaya kahit kinakapos ay naisipan ko pa rin ipagpatuloy ang aking pag-aaral at sumang-ayon naman ang aking nanay,naiwan ang aking anak sa aking tataytatayan na kahit alam ko ang kalagayan niya ay lagi ko na lamang pinapanalangin sa AMA na bantayan niya po ang aking anak.Dahil sa tulong pa rin ng Diyos ay nakatapos ako ng pag-aaral sa loob ng dalawang taon.kahit ang daming pagsubok ay hindi ako sumuko at nanindigan ako na bubuhayin ko ang aking anak kahit wala ang kanyang tatay,at ibabalik ko sa aking nanay ang kabutihan at sakripisyo niya sa akin.Sa wakas ay nadinig ng ating AMA ang aking nais.taong 2010 marso,ay nkatapos ako at 2010 ng JULY ay nagsimula at tuloy-tuloy akong nakapag-trabaho,at ngayon ay nandito na ako sa taiwan. Ang pag-punta ko naman dito sa taiwan ay maraming ding naging dahilan.DAhil po sa bunso kong anak ay nagkaroon ako ng mabigat na dahilan para pumunta dito,kagaya ng nangyari sa dati kong karelasyon ay may kinasama ako sa pinas,Sa una ay maayos ang aming pagsasama tumagal ng tatlong taon ang relasyon nmin tinanggap niya rin ang aking unang anak,hanggang sa maisipan ko na mag-aplay dito sa taiwan.Taon JANUARY 2012 ay umalis ako sa trabaho ko sa pinas at nag-aplay dito sa taiwan,Nakapasa naman ako hanggang sa MARSO 2012 ay nag-aayos na ako ng mga papeles ay kasabay rin na isang buwan na ako nag-dadalang tao natuwa ako dahil biyaya ito para sa akin,Pero labis kong ikawalan ng buhay sa nalaman ko,May isang babae ang tumawag sa akin at kalapit bahay ng aking karelasyon na siya raw ay isang buwan ng buntis at karelasyon ko ang ama,Hindi ko alam gagawin ko sobra bigat at sama ng loob ko kung bakit kelangan mangyari sa akin ang lahat ng ito.Kinausap ko ang aking karelasyon at inamin niya sa akin na may namagitan sa sakanila.Pero nakiusap ako sa kanya na huwag niya muna ako iiwan dahil hindi ko nanaman kaya ang magbuntis at manganak ng walang tatay ang aking anak at kahihiyan ko nanaman sa aking pamilya,Tinupad niya iyon magkasama kami inilabas ang aking pangalawang anak,Ngunit mas nauna nanga- nak sa akin ang nabuntis ng aking karelasyon DECEMBER 2,2013 ay nanganak siya at DECEMBER 19,2013 ay sumunod naman ako. Sa sobrang hirap ng pinag daanan ko,dahil habang pinagbubuntis ko ang aking bunso ay pinaghihiwalay na kami ng pamilya ng karelasyon ko dahil mas gusto nila makasama ng anak nila ay yung kalapit bahay nila dahil iyon ay dalaga at ako raw ay may anak sa una,Sobra po ang gulo ng pag-iisip ko noon hindi ko alam kung saan ako lulugar,hindi ko alam kung ano kasalanan ko kung bakit kelangan danasin ko ito.Dahil napaka- buti pa rin Amang Banal ay pagkaanak ko,JANUARY 2014 ay tinawagan ako ng agency at for interview,sabi ko susubukan ko lang pero nakapasa ako kaya MARSO 17,2014 ay tuluyan ko na po iniwan ang aking pamilya ,ayaw ko sanang iwan ang aking mga anak ngunit kelangan dahil mag-aaral sa kolehiyo ang bunso kong kapatid at mag-aaral din ang panganay kong anak at mga kelangan ng aking bunsong anak at pagbabayad buwan-buwan sa nag-aalga at sa akin din inaasahan ang pambayad sa bahay,tubig at kuryente,at wala rin naman pong permanenteng trabaho ang kinakasama ko,kaya mas minabuti ko na pumarito. Lahat po titiisin ko para sa mga anak ko kakayanin kahit ano,hindi ako susuko.. hanggang dito na lamang po ang kuwento ng aking buhay.Maraming salamat po sa mga bumubuo ng programang ito dahil dito naipamahagi ko ang aking buhay para sa mga kabataan..Na kahit anong hirap huwag na huwag susuko manindigan na kaya kahit ano,basta lagi lang manalangin sa ating DIYOS AMA. JANET CERVANTEZ Ang Inyong Kaibigan

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)