2015/5/31 / Angie / Mga munting Pangarap sa ibayong Dagat / Pilipinas / 菲律賓
Samahang makata intl. Pangarap ay kay daling bigkasin libre lamang kung tawagin ng karamihan subalit pagkat kaakibat nito ang mga pagsubok na maaring pagdaanan upang makamtan ang pangarap na inasam asam,tulad ko nais kong makamit ang aking munting pangarap subalit kay hirap makamtam sa sariling Inang bayan kayat tulad ng ibang mga dayuhang manggagawa akoy akoy nakikagsapalaran sa ibayong dagat at umasang makamit ang ang minimithing pangarap khit kapalit nito'y pansamantalang mawalay sa pamilyang mahal,Ako'y napabilang sa mangagawang nakikipag sapalaran sa bansang taiwan mula sa ibat ibang lahi subalit iisa ang minimithi samot saring karanasan ang napagdaanan ng bawat ninoman,tulad ko sa simula ng aking pakikiopagsapalaran dito sa Taiwan hindi naging maganda ang aking nararanasan akoy napunta sa amo kung saan nagtatanim nag mga halamang gulay at minsan ay pinatutulong ako sa kanilang palayan akoy habag na habag sa aking kinalalagyan bukod sa hirap ng trabaho'y walang maayos na pagkain na aking natitikman,doon ko naranasan ang magdildil ng asin at tumutulo ang aking mga luha pagkat akoy naaawa sa aking sarili wala akong malalapitan o mahingian ng tulong sa mga panahong iyon pagkat akoy wlang alam kung sino ang maaring makatulong,subalit di ko ang tanim ng galit sa aking pusot isipan tanging naisip koy sadya ngang akoy di mapalad at akoy napapad sa ganoong among pagsisilbihan maluwag kong tinanggap sa aking sarili na siguro ngay hindi ako mapalad sa paninilbihan banyagang bayan pinili kong umuwi sa bayang aking pinagmulan masakit man sa kalooban subalit pilit kong tinatagan ang aking sarili at tanggapin ang aking kabigoan,akoy nagpapasalamat sa mahal kong pamilya sa buong pagtanggap sa aking kinahihinatnan subalit sa pusot isipan koy hindi ako nawalan ng pag asa at hindi pa kataposan ng lahat,nong akoy nasa airport ng mga panahong iyon ilang mga kababayan koy naaawa sa akin kinahinatnan may isang babaeng lumapit sa akin at akoy inalok ng tulong akoy natuwa sa una subalit ang tulong na kanyang inalok ay ang tumakas ako at ayon sa kanya akoy matutulongan ng kanyang mga kaibigan upang maghanap ng trabaho subalit itoy labag sa batas ng taiwan in short working without permit akoy namangha sa kanyang tinuran lugmk man ako sa panahong iyon subalit walang pag alinlangang akoy tumanggi at tanging salamat na lamang ang aking nasambit.pinili kong sumakay sa sasakyang himpapawid at batid kong nag aabang ang aking mga mahal sa buhay batid kong silay nalungkot sa aking kabigoan subalit akoy nagpapasalamat at silay nariyan at dumamay sa mga panahong akoy lugmok silay nariyan sa aking tabi kayat akoy hindi pinanghihinaan ng aking loob diko ininda ang bulong bulongan ng ilang mga kapitbahay bagkus akoy nagpatuloy sa buhay na sa aking nakasanayan akoy lumapit sa kagawaran ng manggagawa akoy humingi ng payo kung ano ang nararapat gawin sa pamamagitan ng kanilang tulong akoy nakakuha ng kalahati sa halagang aking binayad sa anhensyang nagpaalis sa akin.tutol man ang aking pamilyay muli akong nagapply patungong taiwan labag man sa kanilang kalooban akoy nagpatuloy ang sabi koy hndi naman lahat ng tao ay parepareho kung may masama meron ding mabuti at walng mangyayari kong akoy magpatalo sa takot na naramdaman pagkat akoy naniniwalang habang buhay may pag asa try and try until you success habang akoy naghihintay ng aking magiging amo akoy nagisip ng maaaring pagkakitaan nagtinda ako ng halu halo ksama ang aking mag 4 na taong gulang na anak mahirap subalit tiniis ko ang lahat at umasang dsrating ang araw maging maayos din ang lahat halos umabot ng isang taon ang aking paghihintay akoy muling nabigyang makapagtrabahong muli sa taiwan di maikubli ang takot at pangamba sa aking isipan subalit akoy nagpakatatag alang alang sa pamilyang mahal ang pangarap lalo na kay inay na syay bigyan ng kaginhawaan at mgantihan sa lahat ng kanyang pagsisikap upang maitaguyod kaming kanyang mga anak khit syay nagiisa lamang pagkat kay agang lumisan ni itay akoy nananalangin na sanay sa pagkakataong iyon akoy mapunta sa mabait na among aking pagsisilbihan at akoy di nabigo napakabuti ang aking amo akoy nag alaga sa kanilang amang may malubhang sakit akoy hindi tinuring na iba sa kanilang pamilya subalit sa kasamaang palad ng mag 3 taon na akoy labas pasok na si akhong sa hospital hanggang sa akin pag uwi at nong kasalukoyang akoy nagaayos ng aking papeles sa panibagong kontrata akoy tinawagan ng aking amo at pinaalam na ang kanilang ama ay lumisan na subrang lungkot ang aking naramdaman at paghihinayang subalit akoy walang magawa kundi tanggapin ang katotohanan akoy nag desisyong mag apply na lamang sa iba at muling makapagtrabahong muli sa taiwan ako namay hindi nabigo akoy nakaalis muli sa ikapngalawang pagkakataon at akoy nagpapasalamat dahil muli akoy napunta sa mabait na among pagsisilbihan noon ko napagtantong hndi ako nagkamaling muling sumubok sa pakikipagsapalaran dito sa bansang taiwan kahit sa simulay kabigoan ang aking nararanasan ngayon akoy mag 9 na taon ng naninilbihan sa taiwan at ngayon masasabi kong ang munti kong mga pangarap ay akin ng natupad nagkaraon ako ng sariling bahay at ang anak koy napag aral sa magandang paaralan at ang pangarap kay inay na mabigyan ng kaunting kaginhawaan ay aking naibigay lahat ang iyon ay bunga sa pagkakataong akoy mabigyang makapgtrabaho sa trabahong inilaan sa katulad kong mangagawang dayuhan.Sadya ngang napahanga sa bansang taiwan ang natatanging kaugaliang pantay pantay ang turingan mahirap man o myaman ay ipinamalas sa aming mga dayuhan ngayon dumating na ang takdang panahong akoy babalik sa bayang aking pinagmulan buong pusong maipagmalaki ang tagumpay na aking nakamtan salamat taiwan sa trabahong laan nararapat na ikaw ay taos pusong pasasalamatan pagkat dito ko nakamtam ang pangarap na inasam asam na kay hirap makamtan sa sariling bayan hangad koy manatiling matayog at maunlad ang iyong mamamayan upang marami pang mangagawang dayuhan ang iyong matutulongan sa maraming taon bg aking paninilbihan dto sa taiwan di maikubling maihambing ang inang bayan naway pamaresan ang bansang taiwan maliit lamang na bayan sa tingin ng karamihan subalit di ikailang itoy maunlad na bayan kayat kayraming katulad kong mangagawang dayuhan ang natutulongan ang umasang sa ibayong dagat makamtan ang pangarap na inasam asam naway manatili ang magandang samahan ng Taiwan at Inang bayan ngayon at magpakailanman.