2015/5/20 / JUSTMINE / Ang aking Dalawang Karanasan / Pilipinas 菲律賓 / EEC
Magandang Araw po sa mga kaibigan ko.
Ako pa ay isang FACTORY WORKER dito sa taiwan at mahigit isang taon na rin po ako dito,Ako po ay bente kwatrong
gulang na at may dalawa po akong anak ang panganay ko pong anak ay pitong taong gulang na at nasa ikatlong baitang sa pag-aaral,at ang
bunso naman po ay isang taon at dalawang buwan ang kanyang edad, siya po ay nasa pangangalaga ng kalapit bahay namin,Ang panga
-nay ko pong anak ay pinag-buntis ko nung ako ay labing pitong gulang ang tatay naman po niya ay bente nuebe anyos noon,Sa katunayan
po ay magkaiba ang tatay ng aking mga anak.Ang tatay ng panganay ko ay may asawa at dalawa nang anak,nang malaman ko na may
asawa na siya noon ay agad ako nakipag-hiwalay pero dahil sa minahal ko siya at sa kanya ako nag-karoon ng unang karanasan ay nag-
bunga iyon,pero ng malaman niya na ako ay buntis pinangakuan niya ako na kahit may asawa siya ay susuportahan niya ako ngunit sa pag-
daan ng mga araw hindi na siya nagpapakita o tumatawag man lang,pero nakikita ko po siya dahil magkatabing bahay kami pero wala
ako magawa hindi ko magawang makipag kumprontan sa kanya dahil kahihiyan ko po at kasalanan ko din ang nangyayari sa akin.
hanggang sa lumipat po kami ng bahay at tuluyan na ako na layo sa taong nakabuntis sa akin,dahil nag-iisa akong babae sa aming magka-
kapatid at lagi ako naiiwan nang aking nanay sa gabi at siya ay nag-titinda sa palengke,naiiwan akong kasama ang aking tataytatayan ay natakot
ako dahil palainom at gumagamit ng bawal na gamot ang aking pangalawang tatay .at hindi maayos ang aking pamilya kaya minabuti kong
ilihim ang nangyayari sa akin,hanggang sa ika apat na buwan ay tumigil ako sa pag-aaral at nagtinda na lamang ako sa palengke dahil
kelangan kong tustusan ang aking panganganak.Hanggang sa ikapitong buwan ay nalaman na ng aking nanay na ako ay buntis pero wla pa
rin silang magawa dahil ako ang may kasalanan,dumating ang araw ng aking panganganak ay kasama ko ang aking nanay sa loob ng aming
tahanan ay inilabas ko ang aking unang anak,lumipas ang mga araw ay maraming bagay ang hindi ko maibigay sa aking anak kaya naisipan
ko humingi ng tulong sa tatay ng aking anak at sinabi ko sa kaniya na tulungan mo ako hindi ko pa kaya buhayin ang bata wala pa ako sa
tamang edad at walang sapat na trabaho,sumagot lang siya ng OO susuportahn niya,pero nangbalikan ko siya sa pinagtatrabahuhan niya ay
pinag-tataguan niya ako araw-araw.hanggang sa naisipan ko ilapit sa hukuman pero natakot ako dahil sabi ng iba makukulong ako dahil
sa may asawa yung nakabuntis sa akin.Wala akong nagawa dahil sa napaka buti ng DIYOS AMA hindi niya ako pinabayaan,dahil kinausap
ako ng aking nanay na itigil ko na ang aking paghingi ng sustento bubuhayin niya daw po kami sa abot ng kanyang makakaya.kaya kahit
kinakapos ay naisipan ko pa rin ipagpatuloy ang aking pag-aaral at sumang-ayon naman ang aking nanay,naiwan ang aking anak sa aking
tataytatayan na kahit alam ko ang kalagayan niya ay lagi ko na lamang pinapanalangin sa AMA na bantayan niya po ang aking anak.Dahil
sa tulong pa rin ng Diyos ay nakatapos ako ng pag-aaral sa loob ng dalawang taon.kahit ang daming pagsubok ay hindi ako sumuko at
nanindigan ako na bubuhayin ko ang aking anak kahit wala ang kanyang tatay,at ibabalik ko sa aking nanay ang kabutihan at sakripisyo
niya sa akin.Sa wakas ay nadinig ng ating AMA ang aking nais.taong 2010 marso,ay nkatapos ako at 2010 ng JULY ay nagsimula at
tuloy-tuloy akong nakapag-trabaho,at ngayon ay nandito na ako sa taiwan.
Ang pag-punta ko naman dito sa taiwan ay maraming ding naging dahilan.DAhil po sa bunso kong anak ay nagkaroon
ako ng mabigat na dahilan para pumunta dito,kagaya ng nangyari sa dati kong karelasyon ay may kinasama ako sa pinas,Sa una ay
maayos ang aming pagsasama tumagal ng tatlong taon ang relasyon nmin tinanggap niya rin ang aking unang anak,hanggang sa maisipan
ko na mag-aplay dito sa taiwan.Taon JANUARY 2012 ay umalis ako sa trabaho ko sa pinas at nag-aplay dito sa taiwan,Nakapasa naman
ako hanggang sa MARSO 2012 ay nag-aayos na ako ng mga papeles ay kasabay rin na isang buwan na ako nag-dadalang tao natuwa ako
dahil biyaya ito para sa akin,Pero labis kong ikawalan ng buhay sa nalaman ko,May isang babae ang tumawag sa akin at kalapit bahay ng aking
karelasyon na siya raw ay isang buwan ng buntis at karelasyon ko ang ama,Hindi ko alam gagawin ko sobra bigat at sama ng loob ko kung bakit
kelangan mangyari sa akin ang lahat ng ito.Kinausap ko ang aking karelasyon at inamin niya sa akin na may namagitan sa sakanila.Pero
nakiusap ako sa kanya na huwag niya muna ako iiwan dahil hindi ko nanaman kaya ang magbuntis at manganak ng walang tatay ang aking anak
at kahihiyan ko nanaman sa aking pamilya,Tinupad niya iyon magkasama kami inilabas ang aking pangalawang anak,Ngunit mas nauna nanga-
nak sa akin ang nabuntis ng aking karelasyon DECEMBER 2,2013 ay nanganak siya at DECEMBER 19,2013 ay sumunod naman ako.
Sa sobrang hirap ng pinag daanan ko,dahil habang pinagbubuntis ko ang aking bunso ay pinaghihiwalay na kami ng pamilya ng karelasyon ko
dahil mas gusto nila makasama ng anak nila ay yung kalapit bahay nila dahil iyon ay dalaga at ako raw ay may anak sa una,Sobra po ang gulo ng
pag-iisip ko noon hindi ko alam kung saan ako lulugar,hindi ko alam kung ano kasalanan ko kung bakit kelangan danasin ko ito.Dahil napaka-
buti pa rin Amang Banal ay pagkaanak ko,JANUARY 2014 ay tinawagan ako ng agency at for interview,sabi ko susubukan ko lang pero
nakapasa ako kaya MARSO 17,2014 ay tuluyan ko na po iniwan ang aking pamilya ,ayaw ko sanang iwan ang aking mga anak ngunit kelangan
dahil mag-aaral sa kolehiyo ang bunso kong kapatid at mag-aaral din ang panganay kong anak at mga kelangan ng aking bunsong anak at
pagbabayad buwan-buwan sa nag-aalga at sa akin din inaasahan ang pambayad sa bahay,tubig at kuryente,at wala rin naman pong permanenteng
trabaho ang kinakasama ko,kaya mas minabuti ko na pumarito.
Lahat po titiisin ko para sa mga anak ko kakayanin kahit ano,hindi ako susuko..
hanggang dito na lamang po ang kuwento ng aking buhay.Maraming salamat po sa mga bumubuo ng programang ito
dahil dito naipamahagi ko ang aking buhay para sa mga kabataan..Na kahit anong hirap huwag na huwag susuko manindigan na kaya kahit
ano,basta lagi lang manalangin sa ating DIYOS AMA.
JANET CERVANTEZ
Ang Inyong Kaibigan