OBRA MAESTRA NG BUHAY
Aking buhay kulay at Paglalakbay
Pusong tahak ligaya at lumbay
Hindi mapaparam adhikaing ganda
Malinang na tunay OBRA MAESTRA
Wari ba'y lapis at kaligrapo sa kumpas ng kamay
Kanbas ng pagguhit, paleta at kulay na pinta
Sasabay sa emosyong kaakibat ng sikolohika
Pintang hapis,lungkot , ligaya at saya
Ito ay aking Obra Maestra ng buhay
Diwa't pananaw Misyong mabuhay
Magmahal at dakila payak at tunay
Sa aking kulay maging kakaiba
Sa aking pagguhit taglay ko ay lakas
Tapang na haharap sa bawat oras at bukas
Sasabay sa kumpas ng aking bathala
Sa direksiyong atraktibong makulay
Sa aking tinatahak misyong Caregiver
Payapa kong hinarap bawat hamon
Kulay man minsa'y hindi mabanaag
Sakbibing lungkot sa sulok sasalikop
Uusal ng dasal lakas tanging idadalangin
First Aid at Medical interbensiyo'y puhunan
Sa bawat pagtahak yaring misyon
Pagsagip ng buhay ay siyang tungkulin
Yakap at paglingap sadyang minarapat
Laging isasaisip anumang makabubuti
Ang magsilbing lugod bilang lingkod
Magsilbing sinag kahit maging munti
Yamang maitatangi kahit ay aba
Ehemplong payak pintig ng Puso
Sa aking Diwa at plano kanbas na blangko
Yaring papawi ng lungkot at emosyon
Bulong ng Bathala anumang direksiyon
Maging kulay abo, asul man o itim
Kasing tamis ng rosas at kulay pula
Atraktibong makulay gandang Obra Maestra
Obra Maestra kong pinta pusong tibok
Mahal kong Taiwan siyang nagbigay saya
Kapalit ng pagmamahal at busilak na kulay
Sinag sa aking buhay artistikong sining at ganda
Isang kabuuan katumbas ng Paglisan
Paglisan ma'y ngiti kapalit ay tagumpay
Hindi lamang gawa kungdi ay Misyon
Panibagong kumpas bagong direksiyon
Mabuo yaring Obra Maestra
Nawa'y sa aking Pagbabalik Mahal kong Taiwan
Pagmamahal mo'y nais kong balikan
Hindi na upang maging OFW kungdi Misyon
Lingkod ng mga aba at mga naabandona
Kasama ng mga Madre sa Tainan o Taipei
Sa aking Paglisan ngayong buwan
Obra Maestra ay Kadakilaan