2015/5/28 / Mike Liezer S. Oronia / Mga Bagong Bayani / Pilipinas 菲律賓 / wala
Mga Bagong Bayani, yan ang tawag sa aming mga Pilipinong nagtatrabaho sa labas ng bansa saan mang panig ng mundo,
Kahirapan ang numero unong dahilan kaya nakipagsapalaran para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya,
My kanya-kanyang dahilan at plano sa sarili kayat ng pursige na mag-ibang bansa,
Yung iba my kaya sa buhay pero naki pag-sasapalaran parin para ang buhay ay lalong guminhawa,
Pero ang karamihan ay namulat sa mundong ibabaw na salat sa pera,
Nilisan ang inang bayan at iniwan ang mga minamahal,
Pagpunta sa Taiwan ang nakitang tulay para makamit ang mga pinapangarap,
Matiwasay na pamumuhay, my mailagay na pagkain sa lamesa tatlong beses sa isang araw,
Titiisin ang pangungulila para matustusan ang mga pangangailangan ng Ina, Ama, Kapatid, Asawa at Anak,
Masakit man sa loob na makita ang anak na umiiyak at nag nagpapa-alalang mag ingat ka doon tatay ha,
At ang asawang nag sasabing alagaan mo ng mabuti ang iyong sarili at huwag kang mag hanap ng iba doon ha,
Ang Ina, Ama at Kapatid ay nag-aalala sa iyong kahahantungan,
Sa dayuhang lugar na hindi pa kabisado ang pamamaraan ng pamumuhay at lenguahe na hindi pa naiintindihan.
Nagbabanat ng buto, tinitiis ang pagod, hirap at bigat ng trabaho,
Araw man o gabi, bawat sandali, bawat oras ay mahalaga upang kumita ng salapi,
Iniinda ang anumang pagsubok kahit na minsan ay masama ang loob,
Hindi maiwasang isipin ang pamilya kahit nasa trabaho na,
Pero nababawasan ang lungkot at pangungulila kahit kunti tuwing maka-usap sa telepono ang mga minamahal na nangangamusta,
Natatanggal ang lumbay tuwing marinig mo na ang boses nila,
Sa gayun ay maligaya kana ring alam mo na ayos lang yung kalagayan nila,
At napapawi lamang ang pagod tuwing araw ng sahuran,
Matatanggap na yung bunga ng pinagpawisan,
Maipapaayos na rin ang sirang bahay,
Matutubus na ang naka sanlang lupa,
May maipapadala na ng pambili ni Ina ng mga kailangan sa pang araw araw na pamumuhay,
Makakabili na muli ng bagong kalabaw pamalit sa ebinenta ni Ama,
Perang ginamit para sa Taiwan ay makapunta,
Makakabayad na ng matrikula sa paaralan ang Kapatid,
Ang ang Asawa naman ay matustusan ang mga pangangailangan sa bahay lalong lalo na sa Anak.
Ilang taon pa ang lilipas bago muli silang makapiling,
Kahit gustong gusto muna silang makita ay kailangan munang mag-tiis para sa huli ang buhay ay giginhawa,
Kaya yung iba kahit malaki na ang anak ay hindi pa nakikilala ang ama,
Dahil noong umalis ay kapapanganak pa lamang ng asawa,
Pero sa mga binata at dalagang nandito ang kasintahan,
Kasayahan ang dulot dahil magkikita nang muli at maipagpatuloy ang mga sandaling naudlot noong naghiwalayan,
Yung iba naman ay iniwan ang anak sa mga magulang para rin sa kanyang kapakanan,
Para matustusan at mapag-ipunan ang kanyang hinaharap.
Ang lahat ay nagsasakripisyu sa para maabot ang mga pinapangarap at makamit ang matamis na tagumpay,
Mabuhay ang mga Bagong Bayani ng bansang Pilipinas.