2015/4/21 / Lea Neri Periabras / Ley / Pilipinas 菲律賓 / wala
Ang kwento ng buhay ko ay napaka kulay mala-teleserye lang ang dating... Halo-halong mga eksena may panahon na masaya, malungkot, minsan parang wala ng pag asa, minsan magulo, minsan naman masyado lang talagang sinusubok ng tadhana ang aking buhay at ng buhay ng aking mga pamilya... Pero ayos lang kasi nakakilala ako sa Panginoon... Masaya pala at nakakagaan sa pakiramdam na may Diyos ka na lagi mong kasama at karamay sa bawat pighati at saya na iyong nararanasan, yung pakiramdam na feeling mo super ligtas ka at di ka pababayaan ng Diyos sa bawat takbo ng iyong buhay...
Well napaka thankful ko talaga kay God kasi napaka-swerte ko dahil nilalang nya ako at binigyan ng pagkakataon na ipahiram sa akin ang buhay kong ito, di ko noon alam na maswerte pala ako, akala ko kasi napakamalas kong nilalang sa mundong ito, na pakiramdam ko walang kwenta itong buhay ko, naiisip ko pa nga dati na sana mamatay na lang ako... But when I met Jesus and accepted Him as my Saviour narealize ko na may purpose pala talaga kung bakit buhay ako ngayon, na mahalaga pala itong buhay ko para mapaglingkuran ko si God at ibahagi sa iba ang mga natutunan kong salita at katuruan...
Akala ko napaka complicated masyado ng buhay ko, pero hindi pala kasi nung nakakilala ako kay God gumaan yung kalooban ko, di gaya dati na palaging mabigat ang loob ko, super malungkutin ako, palagi akong nakasimangot at nakatingin sa malayo, yung feeling na parang pasan ko ang problema ng buong daigdig pero hindi naman, masyado akong emosyonal sa lahat ng pagkakataon, yung ayaw ko ng maingay sa paligid ko, gusto ko mag-isa lang ako sa isang sulok, ayoko ng may kasama kasi naiirita ako ganun pala talaga kapag feeling mo wala kang kakampi, na lahat kaaway mo, na walang taong may kayang umintindi sayo, yung lahat feeling mo galit at ayaw sayo kasi akala ko dati walang nagmamahal sakin kaya siguro ganun na lang ang naging pag-uugali ko sa bawat oras ng aking buhay...
Ang galing talaga ni God di ko ine-expect na makakakilala ako sa Kanya, never ko dating naisip na mababago pa ang buhay ko, kasi akala ko wala ng pag-asa, na wala ng kwenta ang buhay ko pero dahil sa pagmamahal at kabutihan sakin ni God siya na mismo ang gumawa ng paraan upang mapalapit at makakilala ako sa kanya... Ngayon ibang-iba na ako sa dati kong pagkatao, masayahin na ako ngayon at pala-kaibigan, at di na ako madaling magalit at mapagtanim ng galit sa kapwa... I accepted the fact na di lahat ng tao mapi-please ko at matatanggap ako sa kanilang buhay, ang mahalaga nandyan ang mga tunay kong kaibigan na nagmamahal at umuunawa sa akin anumang pagkatao ang mayron ako, especially si God na totoong nagmamahal at kumakalinga sa akin in times of sadness na nadarama ko minsan...
God is really good talaga kaya di ako nagsisisi na tinanggap ko sya ng lubusan sa aking buhay, sya ang kulang sa aking buhay na matagal ko ng hinahanap at ngayon super duper blessed ako na natagpuan ko sya sa kabila ng lahat ng pagsubok na dumating at dadating pa matibay ko nang haharapin iyon kasi kasama ko si God at tutulungan nya ako na malampasan ang bawat pagsubok na dadating upang subakan ang katatagan ng pagtitiwala ko kay God... Tumatak na sa isipan ko na kahit na di man ako nabiyayaan ng perpekto at buong pamilya, o magkaroon ng maraming pera, o magkaroon ng pinaka perpektong ganda kagaya ng iba, atleast I have a perfect God na laging nasa puso at isip ko, di man ako perpektong tao pero nandyan si God upang tulungan ako na sumunod sa lahat ng commandments nya, na maiwasan ko yung mga dati kong kasalanan na nagagawa, yung bisyo kong pag inom dahil nayayaya ako ng mga kaibigan, lahat iyon magiging possible na maiwasan ko kasi I have a God na aagapay sa akin lalo na sa mga panahon na down na down ako, si God ang magli-lift up sa akin upang di ko maramdaman na nag-iisa ako at walang kakampi sa mundong ito kasi nandyan sya at palagi lang syang nandito para sa akin sa bawat gaya ko na nauuhaw sa pagmamahal at presence nya... Maniwala lang tayo kay God at walang bagay na imposible para sa atin, just live your life for God and surely God will always bless you and will never ever leave you until the coming of The Lord Jesus Christ..