2015/4/20 / Baby Jean / kultura / Pilipinas 菲律賓 / wala
Taiwan..... Ang bansang bawat Pilipino sa loob ng 10 taon ay paulit ulit Kong naririnig n gusto nila magtrabaho s bansang ito. Ano nga ba meron dito,at ganun na lamang ang interes at dedikasyon nila n mkarating dito. Ito na ang pagkakataon ko,isang oportunidad ang nagbukas ng pintuan upang mkapagtrabaho ako sa Taiwan. Hindi bilang factory worker n nkagawian ko kundi bilang isang caretaker. Sa eroplano halong lungkot at saya ang baon ko,at tanging panalangin at pangarap ang sandata para harapin ang bagong hamon ng buhay. Sa Taoyuan International Airport, ramdam na ramdam ko ang pagiging isang kumpletong estranghero, wala na ako sa Pilipinas, sa loob ng mabilis n 2 oras nasa Taiwan na ako. Kasing bilis ng pwedeng ipagbago ng buhay ko. Oras na para ipakilala ang amo ko,at sila ang makakasama ko sa loob ng mahaba at punong puno ng pangarap na 3 taon. Nong una ko makita ang bahay nila wala akong masabi kundi ""wow"". Ngayon lang ako nkakita ng ganito kaganda at kamahal na mga mwebles. At ngayon lang ako magsisilbi sa mga Chinese. Mabuti ang pakikitungo nila sa aming unang paghaharap. Hindi aq nakaramdam ng takot o alinlangan sa pinasok Kong trabaho. Pagkain, maraming bagay ang pagkakaiba ng Taiwan sa bansa Kong kinalakhan. Ang pagkain n nagsisilbing salamin ng kultura ng taiwan ay talagang hamon sa sa pang araw araw kong gawain. Maselan ang panlasang tsino. Di pwede ang maalat di rin pwede ang matabang. Ang mga putahe ay sa Chinese cooking book ko lang dati nakikita pero ngayon niluluto ko na. Isang pangarap na magkaroon balang araw ng Chinese restaurant sa tuwing magugustuhan nila luto ko. Sa umaga lugaw at talbos kamote lang, sa tanghali noodles ,dumplings at pentang. At sa hapunan Hindi bababa sa 6 na putahe ang gabi gabing pinagsasaluhan ng mag anak. Ito rin ang oras kung saan sabay sabay kila kumakain habang pinaguusapan ang maghapong aktibidadis. Isang perfect family portrait. Lenggwahe., ang tanging instrumento upang matugunan ko ang bawat iuutos at sinasabi ng amo ko, pero pano kung di ko sila maintindihan? Dito na pumapasok ang mga salitang makarinig ka ng stupid,. Salitang di matanggap ng pagkatao ko na humihiwa sa puso ko. Ginawa ko itong inspirasyon upang mas pagbutihin ang pagsasalita ng Mandarin. At unti unti nakakasanayan ko na. Ang Religion., di mahirap unawain at i adopt religion nila. Ang nkagawiang pagsisindi ng insenso at pag aalay ng pagkain at taimtim na dasal ay pangkaraniwan ng ginagawa nila,. Ito ang isa s kulturang napakaganda sa chinese. Kahit saan makakita ka ng templo, sa park, sa bundok at maging sa palengke at kasulok sulukan na Taiwan na di mo maiisip na meron palang templo. Ang chinese new year ang pinaka masaya at pinaka mhabang paghahanda. Dito di ang panahon ng pagbibigayan ng hongpao kung saang sobra ang kasiyahan ng mga manggagawa.Ang mga Parke, dagat at Bundok ang madalas naming pasyalan. Araw araw lumalabas kami ng alaga Kong matanda upang magehersisyo. Maaliw ka sa makikita mo sa paligid dahil lahat ng matanda ay pawang nagsasayawan sa himno ng musika kasabay ng paglanghap ng sariwang hangin. Samahan pa ng bango ng mga puno ng pine tree at bloosoms. Ang nantou country ay isa sa pinuntahan namin ay nakakarelax ang mahamog na paligid habang lumalangoy sa hotspring. Ang mioli country ay punong puno ng strawberries na nakakaakit na kagatin ang mapupula at makakatas n bunga nito. Sa hualien country naman ay tila musika ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan na kung saan ang hualien river ay dumadaloy papuntang pacific ocean. Ang tila bahay kubong cottage ay nagsilbing duyan na inuugoy kmi sa bawat ihip ng hangin. Ang yang ming San ay tila isang paraiso n punong puno ng makukulay at mahalimuyak n bulaklak. Ang hutou San ay lugar para s mga mahilig mag picnic at makaranas ng tyangge sa taas ng bundok. Sa 1 taon ng aking pamamalagi Dito sa Taiwan masasabi Kong punong puno na ako ng experience sa kanilang kultura,pagkain,religion,mga pasyalan at pag uugali. Unti unti ko ng nkakasanayan at natatanggap ang uri ng kanilang pamumuhay. Sana hanggang sa ikatlong taon ko Dito ay manatiling mabuti sa aken ang tinuring ko at tinuring ako na kapamilya at ang Taiwan bilang pangalawang bayan. Ako po di Jennifer Garcia, 30, Grand view palace B1-12floor taoyuan city, taoyuan country. At ito ang aking kwento.Salamat po.
BabyJean 30