Tula

2014-05-23 / anne marie j. lapig / Tula / Pilipinas 菲律賓 / wala



PAGSUBOK

Kamusmusan ng mga nagdaang araw
Kasa-kasama pamilyang minamahal
Si nanay na nagpapasaya sa aba naming buhay
Si tatay namay siyang tanging laging nakaagapay

Inyo pong lingkod ang panganay sa walo ko pang kapatid
Responsibilidad na nakaatang aking nababatid
Musmos pa lamang kami’y ako ng nagtutuwid
Mga pagkakamali nila’y aking ipinababatid

Mga magulang ko hari at reyna ng lansangan
Madaling araw palang sila’y nasa daan
Sa munting sasakyan samo’t saring gulay ang lulan
Upang ipagbili sa mga suking nag aabang

Sa aking pagkokolehiyo FEU ang pinasukan
Matrikula dito sadyang gintong tunay
Mahal na magulang nagkalubog-lubog sa utang
Mapagtapos lamang ako sa mgandang paaralan

Sa pagdadalaga ay may angking kagandahan
Sobrang kaligayahan sa dibdib ay umaapaw
Mga panagarap malapit ng makamtam
DIPLOMA ko’y handog sa pinakamamahal na magulang

Magandang trabaho sa akin ay binigay
Accounting head kung tawagin sa opisinang napasukan
Daloy ng biyaya unti-unting nagdaratingan
Nawa’y magtuloy tuloy swerte ay manahan

Marangyang pamumuhay aking naranasan
Katunayan nito branded ang kasuotan
Kotse, lote at naipagawang bahay
Napagtapos sa pag aaral 3 kong minamahal

Nalunod ako sa tinatawag na tagumpay
Pagtetengang kawali sa mga payo ni inay
Mag ipon ka anak lagi nyang paalala
Sinasagot ko sa sa kanya’y galit pa

Punta dito punta doon gastos dito gastos doon
Di bali ng maubos hawak na pinaghirapan
Basta akoy masaya sa sitawasyon ngayong araw
O kay sarap ng buhay sa lahat walang pkialam

Tinamasang tagumpay unti-unting naglayasan
Banal na hangarin tuluyang npakawalan
Karangyaa’y npalitan delubyo ang nabungaran
Lahat ng gagawin balakid nsa likuran

Sa paggulong nitong aking kapalaran
Katayua’y nabago bumungad si kamalasan
Nawalan ng trabaho at sobrang kagipitan
Aking nasumpungan gustong takasan

Pamilyang minamahal sa gutom ay humihiyaw
Magtrabaho man sa bansa, kita’y d sapat kinukulang
Titiisin ko na lamang na sila’y aking iwan
Kaysa laging kapiling sa gutom ay lupaypay

Mahal na ina’y umiiyak, anak bkit ka nagkaganyan?
Di mo iningatan bigay ng Diyos ay pinakawalan
Lugmok man sa kahirapan, ulam ay noodles na lamang
Pamilyang nkaligtaan ni minsan d sila nagkulang

Pagpunta sa ibang bansa’y aking npagpasyahan
Dito makakapagsimula ng panibagong buhay
Sisikaping ibalik maalwang pamumuhay
Nangyaring karanasan sa aki’y gagabay

Sa buhay kong naramasan nag iwan ng gintong aral
Di lahat ng tao ay totoong kaibigan
Sa oras ng karangyaan lahat sa paligid ay nariyan
Sa oras ng kagipitan hinding hindi malalapitan

Magulo man itong yaring aking buhay
Problema man ng mundo akin ng pinasan
Ngunit tiwala ko sa Poong Maykapal
Di matitinag at lalong aking pinagtibay

Sa taon na akoy sa inyoy nanahan
Di ko naranasan akoy inyong saktan
Laging initindi kahit may pagkukulang
Lubos na pasasalamat sa ginawang kabutihan

Minsan akoy kanyang sinorpresa
Ang daming kagamitan sa akin ay handog niya
Nag uumapaw sa saya, ngiti koy abot tenga
Ipadadala sa pmilya bukas ipakakahon ko na

Kapag silay kumpleto utos nilay nagdudumali
Akoy natataranta at di napapakali
Sapong sapo na katawan koy pagod na
Pagkahiga sa kama di namalayan akoy tulog na pala

Isang dapit hapon habang abala sa paglilinis
Tunog ng telepono ay aking narinig
Ate kailangan ko ng mag asawa
Pagkat bata sa sinapupunan ko dapat magka ama

Isang masakit na mensahe mula sa aking kapatid
Pinagtapos ko sya ngunit anong nagging kapalit
Panunumbat dapat pigilan pang unaway koy pinaramdam
Silay nagpakasal, pamangkin kong makulit ay sinilang

Sumunod na pagsubok sa akin ay gumimbal
Ama kong minamahal sinugod sa pagamutan
Atake sa puso ang naging dahilan
Upang tuluyan sya ay maratay

Maraming okasyon sa kanila ay nagdaan
Kaarawan at binyagan o sadyang kay lungkot naman
Paskot bagong taon akoy nag iisa lamang
Sa mga panahon na ito “skype” laging kinakapitan

Di man makapag asawa buhay ay puno ng ng kulay
Ilalaan ang sarili sa Diyos at mahal sa buhay
Mga pamangkin ko na sa akiy nagmamahal
Idagdag pa mga magulang na inspirasyon ko sa araw araw

Naway nagustuhan niyo itong aking buhay
Salamat sa pagkakataon na inyong ibinigay
Naway may mapulot kayo kahit munting aral
Salamat po! Salamat po at magandang araw!