Sa bawat pagpihit ng gamit kung panulat.
Pagpatak ng luha'y di mapigilan.
Sa dulang ito anak ko sanay iyong maunawaan.
Ang lisanin ka'y di ko kagustuhan.
Tutol man ang naghihinagpis kung damdamin.
Ngunit anong aking magagawa.
Tungkulin ng iyong Ama'y kanyang tinalikuran.
At ito ang nais kung gampanan.
Sapagkat saaking mga kamay.
Kinabukasan mo'y nakasalalay.
Ang kapasyahang lumayo sayo'y pagsubok saakin.
Sa tulad kung puno ng pighati't kasawian.
Kung kakayanin ang mawalay sayo 'yan ay di ko alam.
Sa araw ng pag-alis hininga'y halos mapigtal.
Habang sa duyan ika'y aking minamasdan.
Nakangiting hawak ng mahigpit aking kamay.
Na tila ba nadaramang ika'y aking iiwan.
Masakit man at labag saaking kalooban.
Kapasyahan ko'y di napigilan,
Apat na buwan ka pa lamang ng saaking Ina'y ikaw ay iwan.
Ang paglayo ko'y walang katiyakan saan patutungo.
Tanging sa isip ko ito'y gagawin para sayo.
Handang magtiis at makipag-sapalaran.
Sa anumang pagsubok ako'y makikipaglaban.
Gamit kung pananggalang munting mga pangarap.
Pangarap na magandang kinabukasan para sayo aking Anak.
Pag-asa't gabay aking dasal sa Poong Maykapal.
Pag-asang marating pangarap na minimithi.
Upang saaking pagbabalik.
Sa piling ko ika'y di na muling mawalay pa.
At ng iyong madama mga yakap at pagkalinga.
Ng isang tunay na Inang labis na sayo'y nagmamahal.