Tula



2014-05-23 / edna eligio / Tula / Pilipinas 菲律賓 / wala



NAGMAHAL... NASAKTAN... NAGPATAWAD

Umibig ako ng wagas, tapat at totoo
Sa lalaking sya pala ang nilikha
Malalim na sugat sa aking puso

Magandang bukas sa dalawa naming anak
Ang tanging inasam kaya ako ay nangibang bayan
Konting katiwasayan at kaginhawahan
Sa buhay knila man lang sanang maranasan

Luha sa mga mata ang baon ng ako ay lumisan
Paa ay di maihakbang sa bigat na nararamdaman
Ngunit sa aking isipan aking isinilid
Tibayan ang dibdib sa mga pagsubok di padadaig

Pagod at lungkot ang nagging kasa-kasama
Sa araw-araw maging sa aking pamamahinga
Subalit di nagging hadlang lahat ng mga ito
Dahil alam kong tagumpay ay matatamo
At Poong Maykapal gagabayan ako

Ngunit balitang masakit sa akin ay gumimbal
Asawang minahal ko ng higit sa buhay ko
May ibang kinakasama at sa tanto ko ay totoo
Babaeng Ann ang ngalan may bunga kanyang sinapupunan

Sadyang kay sakit nitong aking sinapit
Pag ibig ko sa kanyang dalisay at tapat
Sinuklian nya ng malaking sugat
Sa kaibuturan ng puso ko naukit malalim na pilat

Sa Poong Maykapal tangi kong dalanginan
Nawa ay huwag pababayaan sa aking pakikipagsapalaran
Dalawa kong supling sana nawa’y lagging gabayan
Upang sa muling pagbabalik wala ng puwang
Luha, sakit, hirap at kalungkutan

Bagaman masakit aking naranasan sa buhay
Kapatawaran sa kanya akin pra ring alay
Sapagkat hangad ng puso ko’y tunay na kapayapaan
At sa PAGPAPATAWAD doon ko lang masusumpungan