tula



2014-05-02 / shirley espallardo enano / tula / Pilipinas 菲律賓 / wala


      OFW AKO AT KAIBIGAN(PUSO)


Nakalipas na taong 2012 aking napagtanto
Bulong ng kaibigan tila ba'y di na nabago
Alinlangan ma't takot para sa akin ito

Maglayag patungong tagumpay
Sasagwan sa agos ng buhay
Buhay na mahirap sa bansang kinalakhan
Maraming unos ikakampay alo'y malagpasan
At kamay ikakaway bibigkasi'y GOODBYE

Kaibigan kong kasama laging kaagapay
Sa mga dalangi'y sumisinag liwanag sa buhay
Sino ba ang kaibigan?Siya'y tapat tibok niya'y tahak
Tangan niya'y Misyon bulong niya'y sinusunod
Misyong magmahal ito lamang ikararangal

Dahil sa kanya'y maraming magbabago
Mahirap na Lengguwahe at Dialekto
Bigkas nilang Tsino at Taigi hindi ko mapagtanto
Ugaling mahirap at kulturang hindi iyo
Kaibigan puwedeng magbigay pagbabago

Kaibigang mapagmahal pusong dalisay
Magmahal lamang tunay na tagumpay
Katumbas hindi lang materyal at pera ang katapat
Maging Pilipinong dangal pananaw na bago
Pagsagip ng buhay ito ang tungkulin KO

Tiwala't mabuting hangarin ito lamang tanggulan ko
Lakbay puso lakbay kaibigan
Busilak nito ningning sa mga mata at ligaya
Tagumpay kong kaibigan mahal kong Taiwan
Yakap nila'y sigla sa puso mo

Wala man akong nakakaiyak na karanasan karanasang ligaya maging sa paglisan
Busilak na ngiti ang babaunin ko
Kaibigan kong puso simbolo ng maykapal
Pusong Misyon ito lamang gandang ambag at alay ko