2014-05-30 / MARIO SUBELDIA / SPIL Hsinchu / Pilipinas 菲律賓 / Wala
Mario Rafa Subeldia
SPIL Hsinchu
Masasabi mo bang kontento ka na sa buhay mo?
Nangyari na ba sa iyo na may hinangaan ka at inidolo?
Marami na bang nagsabi sa iyo na may ibibuga ka sa larangan na hinahangad mo. Nagawa mo na bang pagsabayin ang mga bagay na ayaw mo at gusto mo.
Kelan ka nagasabing ayaw mo na at suko ka na sa mga bagay na naging dahilan ng panghihina mo.
Ilan lamang ito sa mga tanong mo. Lahat tayo ay nangarap at pinangarap, ngunit ang hinahangad mo ba'y masasabi mong naging sa iyo.
Minsan ba'y sumagi sa isipan mo na mangibang bansa at maramdaman ang buhay na malayo sa mahal natin sa buhay.
Buhay ng isang OFW ay masaya, malungkot at mapaglaro. Maraming dahilan kung bakit ang ilan sa atin ay nangingibang
bansa, iyon ay ang makatulong sa pamilya at para sa pangarap o hindi kaya'y upang masundan ang minamahal sa bansang iyong pupuntahan.
Nasa bansang Taiwan ka rin ba tulad ng iba o tulad mo.
Papanimulan ko ang isang istorya na may hinahangaan ako, iniidolo at kinaiingitan ngunit napatanong ako masaya kaya siya sa kanyang ginagawa?
Siguro'y napakalaki na ng inaangat niya kesa sa iba dahil sa angking talento na taglay nito. Ngunit batid ko sa kanyang mga mata habang hinahagod
niya ang kanyang mga mumunting buhangin sa bawat hugis na binubuo nito at larawan na kanyang ipinipinta ay lubos kang mapapahanga. Datapwat
isa lamang siyang dayuhan sa bansang Taiwan ay nagagawa niyang pagsabayin ang kanyang hilig sa pagguhit at pagtatrabaho. Napagtanong ko siya
at naging kaibigan, isa lamang siyang simpleng tao na ang hangad ay makapagpasaya ng iba ngunit kaalinsabay nito ay ang mga kwento sa likod ng
kanyang mga buhangin. Ang iba'y hinihila siya pababa sa kanyang mga hangarin ngunit hindi siya nagpadaig sa bawat pintas sa kanya ng iba, dahil doon
ito pa ang pinaghuhugutan nya ng lakas ng loob, lahat halos ng patimpalak ay nalabanan na nya, pagdating sa tagisan ng talento, PGT Taiwan,
The Voice of Taiwan, PGT Hsinchu at iba't iba pang patimpalak ay nagawa na rin nyang salihan at kadalasan ay nakakakuha rin ng gantimpala.
Ngunit bago nya makamit ang mga bagay na ito ay dumaan muna sya sa maraming pagsubok na minsa'y pinagtatawanan at kinukutya o dili nama'y
na sasabihan na di nababagay sa ganitong larangan kaya naman pag ito'y nasasaktan pitik bulag lang kung anong kanyang naririnig at hindi sumusuko na
pagtagumpayan nya ang mga hangarin nya sa buhay, ang magtiwala sa sarili at sa buhangin nito.
Ngunit sa likod ng mga buhangin nito ay halos apat na taon na palang kanyang daladala at hindi ko maiwasang magtanong sa kanya. Hindi ka ba nagsasawa
sa pagguhit sa buhangin at ang sagot nya balang araw ay ito ang makakatulong sa akin tulad ng dati napaisip akong bigla lahat ata ay nasa kanya na ngunit mali
pala ako. Sa loob ng pagtatarabaho nya ay nalulong siya sa bisyo ay iyon ay ang sugal na Lotto, Bingo at kaskas kasama na ang mga gimik, tagay doon, tagay dito ang
pagiging isang araw na milyonaryo na hindi na nya namalayan na matatapos na pala ulit ang kanyang kontrata sa Taiwan ay walang naipon ngunit kailan man ay
hindi pa rin nakakalimot sa kanyang mga mahal sa buhay. Nagkukunwaring meron may maipadala lamang sa pamilya di rin maikukubli sa kanya na minsan
sa buhay nya ay wala siyang makapitang iba kundi ang sarili lamang niya at ibang tao na hindi nya inaasahang tutulong sa kanya dahil sa kabutihan na rin na
nakatutulong din ito sa iba.
Bawat tao nga naman ay may iba't-ibang istorya at bigla siyang napaluha at nasabi nya minsan kaya tayo'y bumabalik sa iyong pinanggalingan
dahil meron tayong gustong balikan at patunayan ngunit paano kung wala ka ng babalikan, nagtaka ako parang post lang sa facebook at pang teleserye at biglang natawa
'yon pala daladala nya ang lungkot sa puso nito na mahirap hilumin o di kayang gamutin na mabilisan na kayang talikuran lahat para lang sa inaakala mong kukumpleto
sa mga pangarap nito at makakasama nya habang buhay.
Sa bawat pahina ng buhay natin maraming kwento pero sa istoryang sinimulan ko ako'y magpapakilala, ako pala ito si Mario Rafa Subeldia ang bida sa istoryang sinimulan ko.
Bawat isa sa atin may dahilan kong bakit tayo lumalaban sa bawat hamon ng buhay iyon ay para sa mga pangarap tulad ko hangad ko na makilala sa larangang gusto ko ang
pagguhit sa buhangin dahil pakiramdam ko, sa bawat paghagod at bawat larawan na nabubuo ko naipapakita ko kung sino ako. Ang aking mga buhangin ang naging saksi kong paano
ako lumaban at di nagpadaig sa bawat pagsubok ng aking buhay, naranasan ko mang-iwan at maiwanan ng minamahal. Siguro lahat tayo ay nakadaranas ng ganito pero ang mahalga
andito pa rin kayo sa isa't-isa anu't anumang mangyari hindi dapat tingnan kung sino ang nagkulang ang mahalaga ay lubusan mo itong nauunawaan kung bakit ito nangyayari sa atin
dahil alam ko sa bawat isa sa atin ay may nakalaan at nakatadhana. Ang buhangin ko ang naging sandalan ko kaya naman nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa pagbibigay sa akin
ng talento at lakas ng loob para sa gulong ng aking buhay.
Hanggang sa ngayon patuloy pa rin ako sa pagguhit kasama ang aking mga buhangin na nagturo sa akin kung paano ipagpatuloy ang buhay sa mga taong naniniwala sa aking
kakayanan at para sa aking mga mahal sa buhay na walang sawang umaagapay sa pagtahak sa gusto kong marating, 'yan ngayon si Mario Rafa Subeldia masayang nakangiti at buong
tapang na nakikipagsapalaran sa bansang Taiwan kasama ang aking mga mumunting buhangin na buong pusong nagpapasalamat sa bawat palakpakan na aking natatanggap sa aking
pagtatanghal. Ang aking mga kababayan ang aking naging inspirasyon at sandigan upang ipagmalaki ang galing ng Pinoy dito sa bansang Taiwan.
Taas noo ako at saludo sa galing at kakayanan ng kapwa ko OFW para sa mga mahal natin sa buhay. Kaya natin ito!