tula

2014-05-30 / Lyn Lira Ledesma / tula / Pilipinas 菲律賓 / samahang makata at the migrants

Taiwan at Buhay ko
Lyn Lira Ledesma

Hindi ka man sinasamba hindi ka man pinupuri
Marahil humahanga sa industriya kalipi
Masinop may itinatago 
sikretong namalagi
Bagwis ng lipad mo namumutawi,


Kay gandang pagmasdan gusali naglalakihan
Sakripisyo simbolo nakadambana sa pastolan
Akong ,Amah rumagasa kariton tulak lansangan
Malumanay na pagkilos ehersisyo libangan,


Isang pagpupugay respeto sa kanila nagluwal
Pagmamahal kalinga sangkatauhan banal
Pagsapit ng paghanda ibang lahi gumagabay
Mabigyang importansiya mapahaba ang buhay,


Oh ,Taiwan namumukadkad sa sandaigdigan
Kislap mong kulay dala kaluwalhatian
Pinansiyal na bagay damdamin pighati nasuklian
Paglakbay hangarin makatulong sa sinilangan,

Hamon ng takipsilim taimtim dalangin
Musika pinagkait sumabay sa hangin
Ikaw man kasagutan sa karalitaang kulimlim
Unos at tagsibol bagong buhay atupagin,


Salamat pananatilihing marangal isang tapat
Naaayon man pagsilbihan pagkat nararapat
Iwawaksi ang puot alinlangan may agwat
Alipin may isinuksok sa pamamalagi sapat,


Mapagtanto ang buhay sadyang hiram
Pangalagaan,iingatan pagsubok malalampasan
Atupagin ang trabaho may ngiti 
may hangganan
Sa bukang liwayway tamis 
mararamdaman.