2014-05-09 / MOMMY LUZ / Minahal kong Bayan / Tagalog / Wala
Ang Unang anim na taon ko sa Taiwan.
Formosa ang tawag sa Taiwan noon. Nang sabihin ng company ni Tatang na maaasign siya sa Formosa, Taiwan taong 1975, sa Chinshan Power Plant, hinanap na namin sa world map ang bansang Taiwan.
Isinama ni Tatang, si Inang, si Ate Tely, si Baby, si Rey at ako. Hindi naming alam kung anong lugar ang pupuntahan namin.
Sa Songshan airport ang international airport noon dito sa Taipei .Pag lapag ng eroplano namin ay parang nasa Manila pa kami
Sa airport ang agad naming napuna ay ang mababait na tao at magalang.Nakaagaw pansin sa amin ay ang mga taong naka Chinese dress pa sa mga daan Tunay na nasa lugar kami ng mga Insik.
Welcome na welcome kami sa hotel na pinuntahan namin at ang mga tao sa hotel ang kauna unahang kaibigan naming Taiwanese.
Sa ka excited naming lahat ay lumabas agad kami ng hotel para mag dinner. Dito kami nahirapan dahil walang marunong mag English at wala din English menu.Wala din spoon, fork at knife. Turu-turo kami sa mga pictures ng food at binigyan kami ng waiter ng chopsticks. Nagulat kami dahil papaano naming gagamitin ang dalawang bamboo sticks na ito.
Pag lumalabas kami ng hotel, ang mga taong nakikita namin sa daan ay hindi Hello o Ni hao ang sinasabi; kundi Ni chr pao la mei yo (Kumain nab a kayo). May storia ang greetings na ito. Friendly ang mga tao noon lalo nat nakikita nila ang mga dayuhan
Ang mga Taiwanese ay masasayahin noon. Halos every week may party kami. Safe lumabas kahit anong oras. Lagi madami bisita sa bahay. Mga students buhat sa mga university na gusto mag-aral ng English na libre, mga co-workers ni Tatang na nagtuturo sa amin ng Chinese kapalit ang turo namin ng English.
Respetado ng mga tao dito noon ang mga Pilipino. Mga musicians, accountants, teachers, engineers, madre, pari ang mga nandito. Halos magkakakilala ang mga Pilipino noon.
Ang unang Chinese New Year namin sa Taiwan ay naging mahalaga sa akin dahil nalaman ko ang kaugalian ng mga tagarito. Isinama kami ng kaibigan sa bahay nila sa Old year dinner kasama pa ang iba naming local kaibigan. Habang kumakain kami ng dinner, ipinaliliwanag nila sa amin kung bakit at ano ang dapat ihanda sa hapunan na iyon. Pag katapos namin ay inabutan kami ng red envelope ng mga matatanda sa bahay nila. Doon din kami pinatulog at sa umaga ay ginising kami ng napakalakas na ingay ng paputok. Ibinida nila kung ano ang connection ng fireworks at dragon sa unang araw ng Chinese New Year.Dito rin naming nalaman kung ano ang mga pagkain na dapat ihanda. Di dawpuwede gumamit ng kuchilyo dahil mapuputol ang luck kaya dapat nakahanda na lahat ang pagkain sa araw ng new year.Hindi dapat may mabasag na baso o pingan dahil bad luck ito. Dapat puro matatamis ang kinakain . Masunurin at mga mababait ang mga bata noon na ikinatutuwa ng mga matatanda at magulang.
Masasaya ang mga tao noon pag malapit na ang Double Ten. May practice ng parade sa Presidential Palace, practice ng airforce fighter sa Tansui river.Sa araw ng Double Ten nakaabang na mga tao sa parade. Sa hapon naman ay madaming cultural show sa harapan ng presidential palace at fighter show. Sa gabi ay may fireworks. Kaya ang mga tao ay masaya at nag cecelebrate ng birthday ng Taiwan. Sana maulit pa ang ganitong celebration ng Double Ten na lahat ng tao ay masasaya.
Nakasama din kami sa celebration sa Presidential palace sa unang araw ng taon. Isang karanasan na kumakanta ka ng pambansang awit hanggang nakatingin ka sa bandila ng Republika ng Taiwan.
Nakita rin namin ang paglilipat ng mga hayop buhat sa Yuanshan Zoo papuntang Mucha Zoo. Nag parade noon ang mga ibat ibang hayop. Ang iba ay nakalagay sa mga sasakyan ang iba naman ay naglalakad. Alam kong hindi na mangyayari ang ganitong parade ng mga hayop sa Taipei.
Ang bawat lugar sa Taipei noon ay parang napakalayo dahil kakaunti pa ang bus, mga sasakyan,mga tao . Pag punta sa Tansui ay naka bus o train ang dapat sakyan. Kaya nang aalisin na ang train papuntang Tansui isa kami sa sumakay sa huling biyahe ng train. Na miss ko na ang sound ng train na dahan-dahan habang tinitignan ang simpleng paligid ng Taipei papuntang Tansui.
Anim na taon kaming nag enjoy sa buhay dito sa Taiwan. Pag holiday ay magkakasama kaming buong pamilya kasama mga kaibigan namin na mamasyal sa ibat’ibang lugar sa Taiwan. Napunta kami sa Tainan sa bahay ng kaibigan namin na may palaisdaan ng tilapia. Pag umaga na, puno ng pagkain ang lamisa nila. Tulad sa Pilipinas kumakain sila ng kanin bago sila pumunta sa bukid. Naranasan pa rin namin na ang toilet ay hindi kasama sa bahay kaya sama sama kami pag kailangan namin pumunta sa toilet. Tulad din sa Pilipinas noong araw.
Pag may paypay o fiesta sa lugar ng mga kaibigan namin, kinukumbida kami lahat. Doon namin nakikita kung gaano ang kaligayahan ng Taiwanese friend namin pag nandoon kami; ugaling Pilipino din sila.
Nang matatapos na ang anim na taon ng kontrata ni Tatang. Binalak naming bumalik muna sa Manila bago pumunta sa ibang lugar.
May isa kaming family friend sa loob ng anim na taon. Siya ang tumutulong sa amin pag may kailangan kami. Kapag bumabaha noon (dahil mababa pa ang lugar naming tinitirhan. Wala pa noon flood prevention wall ang Taipei) siya ang taga bili ng iyelo dahil masisira ang mga pagkain sa refrigeratpr. Siya ang nagtuturo sa amin kung ano dapat gawin. Siya rin ang tumitigil sa bahay namin pag nagbabakasyon kami at taga bantay ng 4 na aso. Magaling ang English niya kaya hindi kami nagkaproblema. Tinuruan din niya kami ng Chinese. Naging close friend namin siya. Halos araw- araw punta siya sa bahay namin pagkatapos ng work niya. Kaya sabi ng Mama niya matagal pa daw ang itinitigil niya sa amin. Instead na nasa bahay nila siya, inuuna pa niya pumunta sa amin.
Nang malaman niya na babalik kami sa Manila, pumunta din siya kaya lang mas maaga ng dalawang araw. Sinalubong siya ng kapatid ko at nakilala niya sina Lelong, Lelang, at mga kamag anak namin. Ipinasyal siya sa mga lugar na ipinagmamalaki ng Pilipinas tulad ng Luneta at pagsanjan falls.
Nang bumalik na kami sa Manila, isa siya sa sumalubong sa amin sa aiport. Ipinasyal namin siya sa Makati na famous noon at nakain niya ang masasarap na pagkain ng Pilipinas.
Natapos ang holiday niya sa Manila at inihatid namin siya sa airport na Masaya ang bawat isa dahil ito ang huling time na makikita kaming buong pamilya.
Dalawang araw makabalik siya sa Taiwan. Tumawag siya sa akin(international call). Kung pwede daw akong bumalik sa Taiwan.
Ang natanong ko lang sa kanya ay “Bakit”. Kung pwede daw kami pakasal . Sabi ko hindi pwede dahil dalawang taon akong kasama ni Tatang at Inang sa ibang bansa. At saka ayaw ng mga magulang nila na Filipina ang mapangasawa ng anak nila. Para lang matapos ang usapan sinabi ko sa kanya na kung pwede kang maghintay ng dalawang taon, maghintay ka. Kinausap ko si Tatang at Inang tungkol sa pag aalok sa akin na bumalik ako sa Taiwan at magpakasal. Ang nasabi nila ay “Ang mga Taiwanese ay ayaw sa mga Pilipino; “kung kaya niyang maging Katoliko at kaya niyang maghintay ng dalawang taon tignan natin.
Nag enjoy ako ng buhay kasama si Tatang at Inang sa isang bansa na malayo sa Taiwan at Pilipinas. Wala pa noon araw na cellphone kaya puro sulat lang ang communication namin. “……
Sulat, mga cards, mga magazine from Taiwan ang natatanggap ko buhat sa Taiwan. Sa loob ng isang buwan , dalawang sulat ang natatanggap ko dahil mabagal ang mailing system noon ng dalawang bansa.
Para masunod niya ang kagustuhan ng magulang ko, nag bible study siya sa loob ng anim na buwan sa ilalim ng isang pari . Nabinyagan siya bilang Katoliko.
Alam kong may mga girlfriends siya noon; unti unti niyang kinalimutan sila at sinabing hindi sila ang type niya.
Sa pagsusulatan namin nalaman ko na hindi pala madali ang nangyari sa pamilya nila noon nag sabi siya na gusto akong pabalikin dito sa Taiwan. Nag meeting ang buong pamilya nila, kasama ang 80 years old na Lola niya. Sinabi niya sa kanila na pag hindi ako ang mapapangasawa niya, hindi na siya mag aasawa.
Ang Lola niya ang nagpapayag sa lahat ng members ng family niya na tangapin ako, kaya pala siya nakatawag sa akin noon dahil binigyan na siya ng blessing ng Lola niya.
Si Tatang ay hindi tinapos ang two years contract niya. Nag early retirement siya para makabalik na kami sa Pilipinas.
Nag plano kami ng kasal December ng taong iyon. Isang araw may dumating sa aking telegram na namatay ang Lola niya ng Agosto ng taong iyon. Sa kaugalian ng mga Taiwanese, sa loob ng 100 days na may namatay sa pamilya, kailangang ikasal kami. Papaano ko sasabihin kayna Inang itong nangyaring ito. Nag usap usap kami at napagkasunduan pumunta muna ako sa Taiwan at pagkatapos na maiintroduce ako sa relatives ni James ay babalik ako sa Manila para maituloy ang kasal namin ng December.
Nagulat ako ng dumating ako sa Taipei. Nag rent ng one apartment ang family ni James , kumpleto ang lahat ng gamit sa bahay. Pinagtulungan pala ng magulang kapatid niya at kapatid ko ang pamimili at pag aayos ng bahay. Tinangap nila ako bilang member ng pamilya ng Tsai family.
Wala akong binili kahit isa sa gamit sa bahay. One week bago ako ipresent sa mga relatives nila, ipinaliwanag nila sa akin kung ano ang aking gagawin sa harap ng mga bisita. Hiyang hiya ako noon dahil payat ako at maitim. Nakakagulat sa dinner na yon nang Makita ko ang mga kaibigan namin at kamag anak ni James, kulang ng isa dahil wala na ang Lola niya,
Pinapunta kami sa bahay ng biyenan ko. Dito pala sa Taiwan pag pasok mo sa door ng bahay dapat tawagin mo name ng mga tao doon. Hindi ko pa alam na may tradition pala ng pagbati sa kanila. Tinuruan ako ni Mama at ito ang naging first lesson ko buhat sa Tsai family.
Bumalik ako sa Manila at inaayos ang mga dapat gamitin sa December church kasal namin. Siya din ang gumastos sa lahat ng kailangan namin.
Dito sa Taiwan, dapat may tulong din sa gastos ang babae; pero sa nangyari sa akin sila lahat ang gumastos.
Nakasal kami sa simbahan at isa ito sa mix marriage na kaming mga babae ang nag suot ng Chinese dress at ang mga lalaki ang nag barong.
Buhay mag-asawa….
Pagbalik namin sa Taiwan, bilang mag asawa , nag adjust kami sa isat’isa. Ang unang problema kong naranasan ay nang nagluto ako ng Sinigang. Dahil sa sobrang asim, eh di hindi siya nakakain. Buhat noon hindi na ko nagluto ng sinigang. Pero sa tagal na naming mag asawa minahal na niya ang sinigang. Ngayon siya na ang namimili pag gusto niyang kumain ng sinigang.
Lagi kaming umuuwi sa bahay ng biyenan ko At doon tinuruan nila ako ng pagluluto ng Taiwanese food. Biyenan ko at sister in law ang nagluluto, ako taga linis ng kasangkapan.Nagustuhan nila ang mga pagkain Pilipino tulad ng spaghetti, fried chicken at lumpiang shanghai.
Nagkaroon kami ng isang anak na lalaki at minahal ng mga biyenan ko. Pinagluto nila ako ng pagkain para sa nanganak. Kaya lang 3 taon pa lang ang aming anak namatay na ang biyenan kong lalaki. Bago namatay ang biyenan kong lalaki ay dinalaw namin siya at ang huling sinabi niya sa akin Tsai chien Luz.
Si James ang panganay na lalaki sa anak nila, kaya malaki ang responsibilidad namin sa oras na ito. Dapat ang anak ko ang maghawak ng picture ng namatay, dahil maliit pa siya ang ama niya ang gumawa na dapat responsibilidad ng apo. Ginawa ko rin ang responsibilidad bilang daughter-in-law. Ginaya ko kung ano ang ginagawa ng ibang in-laws ko sa oras ng paypay.Napamahal na sa akin ang biyenan ko kaya masakit ang pagkawala niya.
Ang biyenan kong babae ay mabait at understanding. Kahit hindi kami magkaintindihan ay pinipilit niya ang sarili niya. Lagi niyang ipinagmamalaki sa mga kaibigan niya na kaming tatlong manugang niya ay mababait.
Pag may time kami ng biyenan kong babae pinag uusapan namin na noong araw maraming girlfriend ang anak nila.Ang sabi niya sa akin, ako daw pinili ng anak nila kaya ako daw ang mas mahal ng asawa ko. May time na nasabi ko na nag aaway din kaming mag asawa. Ang sagot niya “Tignan mo ang mga ngipin at dila mo, laging magkasama, pero nag kakagatan pa.” Marami akong natutunan sa biyenan ko.
May isang pangyayari sa buhay naming mag asawa na akala ko ay mag hihiwalay na kami. Kinausap ako ng biyenan kong babae na kumbinsihin ko ang anak nila na huwag lumipat dito sa Tansui. Dahil mahal na ang mga bahay dito sa Taipei binalak ng asawa ko na bumili ng bahay sa Tansui.
Nakakita siya ng apartment na luma na, kaya lang ay maganda ang view. Ang harapan ay Yangmishan mountain at ang likod ay dagat. Dahil wala pang MRT noon at iisa lang ang daan sa Tansui papuntang Taipei, umaabot ng 4 hours ang traffic lalo nat summer time. Ito pala ang dahilan kung bakit ayaw ng biyenen kung lumipat kami sa Tansui; sobrang layo. Malalayo kami sa kanila.
Nag try akong kausapin ang asawa ko at sinabi kong ayokong sumama sa kanya pag nabili niya ang bahay. Hindi siya nakinig sa akin at naipit ako sa pagitan ng biyenan at asawa ko.
Alam kong mahirap manalo sa pangyayaring ito, kaya nagdasal ako at sinabi ko sa Dios na kung itong bahay na ito ay bigay mo sa amin bigyan mo ako ng sign. Bigyan mo ako ng rose. Sunday ako ng nag dasal, Wednesday may nagbigay sa akin ng rose sa school namin. Isang Nanay ng student namin. Tinanong ko yung mother kung anong okasyon at binigyan ako ng rose, tumawa lang siya, walang explanation.
Hindi na ako naging against sa gusto ng asawa kong lumipat kami ng tirahan dahil ito ay bigay sa amin ng Dios.
Ito palang Tansui ang ibinigay sa amin ng Dios na lugar dahil madami palang mga Filipino dito sa mga pabrika. Dinala kami ng Dios sa simbahan ng Our Lady of Fatima at sa Christ the King church.
Siyam na taon palang ang anak namin ng binawian ng buhay ang biyenan kong babae. One week bago siya namatay sinabihan niya kaming umuwi sa araw ng Dragon festival. Iyon pala bago mag dragon festival namatay na siya. Iyakan kami lahat dahil hindi namin naisip na madali siya mawawala sa buhay namin.
Dahil sa tiwala at sa pagtanggap ng mga in-laws ko sa akin, ginawa ko ang lahat para maipagmalaki nila ako. Pinalaki namin ang anak ko na malapit sa Tsai at Cruz family. Pinalaki namin siya na may respeto sa dalawang bansang nagmahal sa amin, ang Pilipinas at Taiwan. Buhat bata hanggang ngayon sinasabi ko sa kanya na “Dala mo ang dugo ng dalawang lahi” Huwag kang gagawa ng ikasisira ng bansang kinalakihan mo. Tutulong ka sa mga taong nangangailangan ng tulong lalo na ang new immigrants ng Taiwan. Kasa kasama namin sa aming volunteer works ang aming anak buhat pagkabata hanggang ngayon.
Buhay ko bilang volunteer:
Ang buhay ng mga tao sa Taiwan ay naging progresso at nangailangan ng mga trabahador na manggagaling sa ibang bansa. Nakasama ang Pilipinas sa bansang puwedeng mag padala ng mga trabahador sa bahay at sa pabrika.
Sa simula nag enjoy ang mga Pilipino dito dahil madaming trabaho, malaki ang mga suweldo. Walang problema ang mga naunang mga Pilipino noon.
Nang pumasok na ang madaming workers, dumami na rin ang problema. Mga brokers na kumuha ng napakataas na bayad sa mga workers na papasok dito . Unang taon ng manggagawa ay pangbayad sa broker ang kinikita nila. Salamat sa mga tauhan ng gobyerno ng Taiwan at Pilipinas naibaba ang brokers fee.
Dumami ang mga tao na tumakas dahil ayaw bumalik sa kanilang bansa na walang pera, madaming nagbubuntis na mga takas dahil sa mga dormitorio ng mga lalaki sila nakatago pag wala silang mapuntahan.
Naging active kaming pamilya sa simbahanng Fatima dito sa Tansui.
Dahil marunong mag piano at mag violin ang anak namin, naging bahagi kami ng misa sa simbahan. Sa Umaga ay nasa Tansui kami sa gabi ay nasa Sanchih. One year ganoon ang buhay namin at nakilala namin ang mga Filipinong trabahador sa mga pabrika dito..Labing apat na taon na kaming buong pamilya ay nasa simbahan ng Fatima. Unti-unti naming nalaman ang mga problema ng mga trabahador dito maging personal problem, financial problems at love problems.
Naging takbuhan kami sa oras ng pangangailangan. Nagkaroon din ng mga social activities tulad ng basketball, volleyball at retreat at seminars.
Madami din kaming nasolve na mga problems sa tulong nang Meco, CLA at simbahan.
Sa oras ng kasayahan nandoon kami, sa oras ng kalungkutan at sa oras ng pangangailangan nandoon kami.
Naging bukas ang buhay namin kahit anong oras sa pangangailangan ng mga Pilipino workers dito sa Taiwan. Sa ngayon na napakadami ng Filipina nag asawa ng mga kabataan Taiwanese. Nakasama na rin sila sa mga listahan ng nasusubaybayan namin sa oras na kailangan kami.
Nag improved ang katayuan ng mga migrant workers sa Taiwan pero may mga problema pa rin na dapat pag bigyan pansin. May mga nailulusot pa ang mga brokers na napapauwi ng walang laban ang worker. Habang ginagawa ko ang storia ng buhay ko sa Taiwan, isang Filipina mangagawa ang nasa airport at napauwi ng walang laban.
Lunes ng kausapin siya ng broker. May nagawa daw siyang mali sa work na dapat ay bayaran niya kung hindi siya papayag na umuwi. Dahil natakot siya sa salitang magbabayad siya (marami pa siyang bayarin sa Pilipinas) pumayag siya na pumirma na willing siya umuwi. Tumawag ang isang volunteer ng simbahan sa akin at nag usap kami kung ano dapat gawin. Pero nag decide umuwi ang Filipina dahil pinauwi na siya ng mother niya. Sa oras ng kagipitan laging talo ang worker na lubog ng utang (may lending pa siya sa Manila). Kung maibaba ang fee sa pagpunta dito sa Taiwan siguradong madaming mangagawa ang matutulungan. Kaya nga nag pupunta ang workers dito buhat sa ibang bansa dahil kailangan ng pera na ikabubuhay ng pamilya na naiwan sa kanila.
Sa pagbubukas ng Taiwan ng opurtunidad para sa mga mangagawang galing ibang bansa, malaking tulong na ito. Maganda ang kanilang layunin, kayalang may mga ibang tao na hindi sumusunod sa patakaran ng gobyerno ng Taiwan.
Isang maliit na lugar ang Taiwan sa lupang ipinagkaloob sa atin ng Dios maykapal, pero madaming tao ang nabubuhay niya sa pagbibigay ng trabaho , maganda at simpleng buhay ng mga tao dito. Kung mamasdan natin , hindi natin Makita ang pagkakaiba ng tao dito dahil ang pagkain at mga gamit ay parepareho. Lahat halos ay nakukuha ang biyaya ng gobyerno.
Nakatutuwang malaman at pagmasdan ang daming mga samahan dito sa Taiwan ang naka focus sa pagtulong sa mga mangagawang galing sa ibang bansa. Kung lahat tayo ay magkakaisa sa kabutihan ng lahat walang problema tayong lulutasin at ang ating mga attention ay puwedeng gamitin sa ikauunlad ng bawat tao sa bansang ito.
Sa aking isipan, tayong lahat ay hindi dayuhan, tayo ay bahagi o may ari ng isang lugar dito sa mundo. Walang dayuhan sa sariling lupa na ibinigay ng maykapal sa atin. Kaya dapat ay magkaisa tayo, magmahalan at magtulungan sa ikabubuti ng bawat isa at ikauunlad n ating buhay sa lupang ipinagkaloob sa atin.
Ang asawa ko na si James, ay nagtuturo ng Mandarin sa Fatima church sa mga mangagawang Filipino, estudyante buhat sa Pilipinas na gustong mag aral ng Chinese na libre at sa mga Filipina na may asawang Taiwanese.
May rondalla lesson kami sa simbahan tuwing linggo. Nang tanungin akong isang Filipino kung bakit hindi guitar ang pag aralan, ang isinagot ko sa kanya ay napakadami ng marunong mag guitar; maganda ang tunog ng banduria at itong mga instrument na ginagamit namin ay sa Philippines nangagaling. Dapat ituro ang mga bagay na galing Pilipinas para hindi natin malimutan ang ating bansa at ang kinaugalian natin.
Dapat may maiwan tayo sa mga kabataan na anak ng taga Taiwan at taga pilipinas na maipagmamalaki sa kahit kanino.
Anuman ang magagawa natin na makapagbigay sa mga kabataan tungkol sa ating bansang Pilipinas dapat ay unang layunin natin bilang matatanda na gagabay sa mga kabataan.
Hindi ko naisip noong kami ay nagsisimulang tumulong sa mga kababayang Pilipino dito sa Taiwan na mabibigyan ako ng parangal sa Malacanan ng ating Presidente Aquino.
Siguro dahil ang ama namin ay isa rin mangagawa sa ibang bansa, nakita ni Tatang at Inang ang pangangailangan ng ating kababayan. Noon hindi pa ako active sa pagtulong dito sa Taiwan, madalas kong marinig kay Tatang, kay Inang at sa mga kapatid ko na may mga taong nangangailangan ng financial help. May natulungan sila noon na tao na kulang pera pambayad sa hospital. Kaya naabutan nila ng kahit kaunti. Kahit ang kapatid ko na nasa Pilipinas ay nakakatulong din. May isang pangyayari na may namatay na isang Pilipina dito. ito ay kapatid ng kaibigan niya. Sa tulong ng Dios at sa pagtulong nang kapatid ko ay naiuwi ng maayos ang bangkay ng babaeng ito. Ang Pilipinang ito ay naaksidente sa motorcycle, dahil takas siya wala siyang amo na puwede makatulong. Nagtulong ang kapatid ko na si Baby at ang asawa niyang Taiwanese. Dahil patay na ang utak ng babaeng naaksidente, idinonate ang mga organ nito sa hospital. Binigyan ng hospital ng perang pangastos para maiuwi ang body ng namatay at may naiuwi pang pera sa pamilya. Ang pinsan nitong babaeng ito ay takas din. Dahil noong buhay pa pala siya ay nasabing pag siya ay iuuwi sa Pilipinas dapat itong pinsan ang maghatid, kaya nag surrender itong Pilipino at magkasama silang mag pinsan umuwi sa Pilipinas. Sa oras ng pangangailangan, kakilala mo o hindi, dahil magkakabayan tayo dapat magtulungan.
Si Ate Tely ay tahimik lang sa pagtulong, pag may narinig siya na walang pera pamasahe iyong isang takas na nahuli , nagaabot siya makauwi lang ng maayos ang tao. May time na sasabihin sa akin na paano matutulungan yun taong nahuli, nagdadala siya ng mga pagkain o ibang kailangan ng nakakulong. Siya taga dalaw sa preso. Naging bahagi na ng buhay namin ang tumulong dahil siguro mahal namin ang Pilipinas.
Sa pagtanggap ko ng karangalan sa Malacanang taong December 2012,
Ito ay award ng familia namin at mga taong naging bahagi ng buhay namin sa Taiwan. Sa mga taong nagtiwala na pag tawag nila sa amin ay matutulungan namin sila, sa mga taong nakaranas ng kahirapan at kasayahan sa bayan ng Taiwan.
Nang tangapin ko ang Banaag Award kay Pangulong Aquino, naghahati ang kasayahan at kalungkutan dahil sa nasa ICU si Inang at hinihintay ang oras ng kanyang pagalis sa mundong ito. Hinintay ni Inang ang karangalang ito dahil idinilat niya ang mga mata niya ng ipakita namin ang award at binasa niya ito. Isang buwan siya sa ICU ng hospital at tuwing dadalaw ang mga kapatid ko ay sinasabi nilang “Inang uuwi si Luz at kukunin ang award kay President Aquino. Hinintay talaga niya kahit ilang beses na siyang nag emergency. Namatay siya tatlong araw Makita ang karangalan at ang nairegalo ko sa kanya ay pictures na kuha sa Malacanan kasama ang ating pangulo nang iabot sa akin ang award. .Dumating sa bahay namin ang mga pictures umaga ng kanyang libing. Ito ang wish niya noon na magkaroon siya ng picture ni Pangulong Aquino.
Ang buhay ng tao ay sobrang milagrosa, binigyan ako ng buhay para Makita ang saya, lungkot sa bayan ng Pilipinas at Taiwan.