Puting buhok, kulubot na balat at mga karamdaman.
Ito ang mga bakas ng panahong dumaan.
Ngunit sadya ba nating ito'y maiwasan?
Sana "Oo" upang mahal natin ay di mahirapan.
Sa uri ba ng dugong dumadaloy sa ating mga ugat?
O sa lahi natin kung saan tayo nagkamulat.
Paano ba masasabing sila'y ating mahal?
Iyon ay nararamdaman na lamang ng puso ninuman.
Sumapit ang araw na siya'y aking makita.
Siya'y isang ama, "Ama nin hao ma?"
Kamay niya'y agad kong hinawakan.
At gumuhit sa aking mukha ang labis na kasiyahan.
Pero ang saya daglit iyon nawala.
Dahil di pala siya makapagsalita't makakita.
Hangaring makakilos ay di magawa.
At may mahinang puso kaya hirap din sa paghinga.
Siniil ng lungkot ang aking puso.
Kagustuhang kalingain ka ay agad bumugso.
Kaya sa araw-araw ng aking paggising.
Ikaw ang una na may kasamang lambing.
Paninimdim ko'y unti-unting napawi.
Pagkat nasilayan ang mukha mong nakangiti.
Kaligayahan sa puso mo'y biglang napukaw.
Dahil kinakantahan kita't isinasayaw.
Sa iyong pagtulog ramdam mo ang katahimikan.
Na parang walang nagbabadyang kalungkutan.
Tila nakangiti bagamat nakapikit.
Taglay pa rin ang kagandahang kaakit-akit.
Sa paglikwad ng araw pangako ko'y iingatan ka.
Aalagaan sa lubos ng aking makakaya.
Para mabatid mo ako'y nandito para sa iyo.
Nag-aaruga hanggang sa pagtulog mo.
Ngunit ang buhay ay mayroong hangganan.
Tulad ng dapit-hapon na di mapigilan.
Pilit mang iwaksi ang ganitong katotohanan.
Ay di maaari dahil kailangan ng magpaalam.
Bumalong ang luha sa aking mga mata.
Pagkat ang tinuturing kong lola sa aki'y lumayo na.
Salamat ama, sa piling mo ako'y naging masaya.
Pinunan mo aking pangungulila.
Sana nakangiti ka sa iyong paglisan.
Baunin mo ang aming pagmamahal.
Masakit mang tanggapin wala ka na sa aming piling.
Masaya na rin kasama mo na ang Maylikha natin.
Paalam aking ama.
Hanggang sa muli nating pagkikita.
Malayo man ay malapit ka pa rin.
Dahil sa puso kita nakakapiling.