Got to believe

2014-05-18 / Chung-Anne / Got to believe / Pilipinas 菲律賓 / Mae yere Canay 

Goals to achieve:

stable job in abroad
send 2 nephews/nieces to college
help siblings and parents to pay thier debts
own house and lot

year to achieve 2009.

Pero di pala lahat ng mithiin sa buhay natutupad dahil may ibang plano pa si Lord para sa atin.

Galing sa malaking pamilya..bunso ako sa labing-apat na magkakapatid. Mostly lahat nang pinaglumaan na damit napunta sa aking galing sa pinakapanganay hanggang sa sinusundan ko na ate. Kahit na yata sa pinaglumaan na panti at saka bra. Pero ok lng wala problema basta may maisuot ok na yan hehehehe..

Dahil galing sa mahirap na buhay lagi akong nagpupursige sa pag aaral lalo na noong kolehiyo dahil nagtutulungan ang mga kapatid ko sa pagbayad ng matrikula sa paaralan ko.

Lagi ko pinapangarap na sana sa susunod ako naman ang makatulong sa mga kapatid lalo na iyong naghihirap din sa buhay.

Habang naglalaba ako sa likuran ng inuupahan ng ate ko sa cebu kung saan nakikituloy at nakikikain ako habang nag aaral sa cebu pagmay nakita akong eroplano na dumaan sa himpapawid kinakausap ko sarili ko na balang araw makakasakay din ako yan dahil mangingibang bansa ako at ang puso ko ay puno ng faith na matutupad yun dahil kay papa Jesus.. Dahil walang laman ang puso ko kungdi makatulong sa pamilya.

Year 2004 taiwan
Hindi pala madali ang buhay abroad. nahihirapan akong mag adjust sa work, pagkain, klima, lenggwahe, at kahit pa sa kapwa pinoy.

Kailangan ng determinasyon at disiplina sa sarili kung gusto mong maabut ang mga pangarap sa buhay. Kahit anong hirap pa pinagdaanan natin sa buhay lagi kong iisipin na hindi lng ako ang naghihirap mayroon pang mas naghihirap kaya wag mawala ng focus sa kahit anung gusto mong maabut.

For 5 years working taiwan..
walang nabiling alahas, gadget, at kahit mamahaling damit at sapatos. Hindi din nakabili ng sasakyan at kahit nakarenovate man lang sa luma naming bahay.

Pero atleast nakabili ako ng sarili kong lupa 2000sq.m sa lugar namin sa bohol na nakapangalan ko. Nakapagpaaral ako ng dalawang pamangkin sa kolehiyo. Ang isa ay seaman kung saan nagtatrabaho na
ngayun enter island. Ang isa naman ay associate in electronics kung saan nagtatrabaho sa mitzumi cebu.
Nakakabigay at nakakatulong din kahit papanu sa mga kapatid ko at sa mga magulang ko.

Sa tanang buhay ko hindi ko pinapangarap makapag asawa ng isang dayuhan lalo isang intsik(taiwanese). Pero di ko rin alam kung bakit nagkatagpo ang daan namin. Naalala ko tuloy kanta ni David Pomeranz "Got to Believe"
Got to believe in magic tell me how two people find each other in a worls thats full of strangers..

Year 2005 taiwan at scriber area. Biglang tinawag kaming mga operators for an afternoon meeting at mayroon din daw mga bagong pasok na mga operators. Napatawa pa ako noong makita ko ang payat at matangkad na lalaki kc yung bunny suit na sinuot niya as in higpit ang pagkatali sa leeg at sa noo banda. Parang napicture out ko isang giraffe:-) Tawa ako ng tawa habang sinasabi ko sa kasamahan ko din na pinoy. Lalo akong napatawa nong napatingin sa akin ang lalaki ewan ko ba kung bakit dahil cguro sa giraffe tlga ang naisip ko noong time na iyon:-)

Isang araw time na ng uwian namin lumapit ang lalaki sa amin..At may patango tango pa cya..pero sa panahon na iyon di na ako natawa dahil di na mahigpit ang tali ng kanyang bunny suit. tinatanong niya ano daw pangalan ko sa english...di ko naman naintindihan kaya tinuro nya id ko kinuha ko naman at ipinakita ko sa kanya...hinawakan ba naman ang arm ko. At may bigla ako nararamdaman as in talaga parang may init yung kamay niya nadumaloy sa arm ko papuntang heart as in tlga..bigla ko nga nahablot kamay ko eh..tapos parang may medyo kaba akong nararamdaman..parang yung may biglang sumagi sa isip ko na he is the one..he is my destiny.
Hanggang pag uwi ko dala2x ko sa dibdib yung kaba sa dibdib na di ko maintindihan dahil unang beses palang akong nagkaganito.

Pero kinagabihan pag uwi ko may tumawag sa akin di ko alam ang numero noong sinagot intsik lalaki ang nasa kbilang linya..kumabog kaagad ang dibdib ko sabi ng puso ko OMG siya ito. pero sabi ng utak hoy joan dont think too much!
At napagtanto ko nga siya ang tumawag.

Simula noon araw2x at gabi na siyang tumawag sa phone ko. at parang hinahanap hanap at inaantay ko na din ang tawag niya. naging makulay at masaya ang dating busy at nakakapagod kung buhay akalain mo ba naman sa isang buwan isang araw lang ang pahinga ko. overtime lng ng overtime para may maipadala sa pinas.

Hindi ko akalain na dito ko pala sa taiwan matatagpuan ang lalaking nilalaan sa akin ni Lord.

Year 2009 ikinasal kami sa simbahan sa bohol. Ngayon may anak kami na isang lalaki. 1 year and almost 8 months. Medyo matagal kaming nabibiyaan ng anak pero di kami nawalan ng pagaasa. Sa halip naging matatag kami sa isat isa.

In order for a relationship to last di lamang kailangan ng pagmamahal sa isat isa kailangan din respeto sa isat isa. at tanggapin kung anuman ang flaws mayroon ang iyong partner sa buhay.

salamat sa iyong pagbabasa:-)
may God bless us always:-)