lakas ng loob

2014-05-20 / ronan arao olivas / lakas ng loob / Pilipinas 菲律賓 / wala

"Sige kaya mo yan" mga katagang bumubulong sa isipan... ngayon ka pa ba susuko? Nalagpasan mo na't lahat lahat eh, huwag kang pang hinaan ng loob. Tandaan mo, yan nalang ang natitirang puhunan mo sa ngayon kasama ang panalangin...

Mga salita at isiping bumabalik sa aking alaala habang nag kakayod sa bansang banyaga... di mapigilang lumuha at minsan natatawa kahit na mag isa. Ganito pala ang pakiramdam nang malayo sa pamilya at sa mga taong mahal mo at mga taong nag papasaya sa iyo. Pero sabi ko, gaya ng iba, kakayanin ko rin ito. Pare pareho lang naman kaming may kimkim na kalungkutan sa puso.

Sa mga ganitong pagkakataon kapag binabalikan ko ang aking mga nakaraan, lalo akong nagkakaroon ng LAKAS NG LOOB na magpatuloy sa pag sakripisyo sa lugar ng mga banyaga, dito sa Taiwan, kumayod at umaasang aasenso ang buhay balang araw pag balik sa Pilipinas.

Ako nga pala si Ronan Arao Olivas, Tatlumpo't Dalawang taong gulang(32yrs.old). Tubong Negros, bunso sa dalawang anak nina Romulo at Ruth Olivas. Mayroon na rin akong sarili kong pamilya at may isang anak na lalaki na apat na buwang gulang pa lamang. Jeannette ang pangalan ng ina ng aking anak na si Prinze Carmyllo.

Grade 1 ako ng mamatay ang aking ina, di ako masyadong nagkaroon ng masayang ala ala sa aking kabataan. Lahat yata kahirapan at kalungkutan. Wala naman akong taong sinisi dahil sa mga naganap sa nakalipas na kabanata ng aking buhay. At dahil sa lahat ng mga di magagandang bagay na pinag daanan ko sa buhay nung aking kamusmusan ay namulat ako sa katotohanang ang lahat ng tao ay may kanya kanyang tadhanang tinatahak sa tinatawag nating BUHAY...

Mahilig akong makipag kaibigan at makisama sa lahat ng uri at klase ng ugali ng ibat ibat tao. Dahil alam kong ang kaligayahan na ninanais nating lahat at makikita natin sa iba. Kahit na anong estado, hitsura, pananampalataya, at lahi pa man ay pwede nating maging kaibigan kapag pi akitaan atin ng kabutihan. Sabi nga ng ilang makata,"kung gusto mong sumaya, mag pasiya ka ng iba". Ang ating mga kaibigan minsan ay siyang nag bibigay din sa atin ng LAKAS NG LOOB para lumaban sa laro at pagsubok ng buhay.

Pananampalataya sa Poong MayKapal ang pinakamalakas kong sandata, kung LAKAS NG LOOB lang din naman ang pag uusapan, walang kasing lakas ang kaya Niyang ibigay sayo. Bukas ang isip at pag uunawa ko sa lahat ng klase ng relihiyon sa palivid at lumalapit sa akin para baguhin at ituwid ang pag iisip ko .

Lahat ng mga nabanggit ko ay ilan lamang sa mga bagay na nais kong ibahagi sa mga mambabasa ng at taga puna sa artikulong ito.
Lahat tayo ay binigyan ng kakaibang lakas, talino at talento upang ibahagi at ipaalam sa iba ang mga bagay at kaalaman na kapos at wala sa pag iisip ng nila.

Sa mga kagaya ko na nkikipag sapalan, ang ating mga sarili ang magsisilbibg sandata at puhunan. Sandata upang labanan ang pangungulila at tukso na umaatake sa puso at isipan... puhunan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga taong uamasa sa ating mkakayanan.

Lahat ng paghihirap at pagsisikap ko ay inaalay at magsisilbibing kayamanan at alaala para sa aking anak at sa kanyang magiging anak sa kinabukasan. Wala nang mas higit pang sasaya sa isang amang makikita at masigurong maayos ang kinabukasang nagaantay sa kanyang mahal na anak...

At bilang isang magulang ay sisiguraduhin ko na di madadanas ng aking anak ang hirap na dinanas ko.

LAKAS NG LOOB pinagkaloob sa akin ng Maawaing Diyos at ang pamilya ko ang siyang rason ng patuloy kong pakikiapag laban sa gulong nitong mahiwagang buhay...

Lahat ng mga naisulat ko sa pitak na ito ay aking inaalay sa anak ko na si Prinze Carmyllo, sa aking asawa na si Jeanette Roguel sa aking tatay at mga kapatid

Maraming salamat