ANG AKING TALAMBUHAY

2014-05-18 / Charilyne Wang / ANG AKING TALAMBUHAY / Tagalog / Wala

Ang talambuhay kong ito ay inaalay ko sa aking mahal na mga magulang, sa pinakamamahal kong awasa at mgaanak at sa aking mga kapatid nawalang sawang sumusupor t sa akin ngayun at magpakailanman naway magsilbi itong inspirasyun sa lahat ….. maraming maraming salamatpo.

Taong Nobyembre 02, 1981 sa isang napakalayong Islang San Rafael, San Pascual, Masbaten may isnag batang babae na ipinanganakng mag –asawang Ginang Charlita Garcia at ginoong Charito Dela Cruz, panganay sa tatlong magkakapatid na pawing mgababae at siya ay pinangalanang Charilyne Garcia Dela Cruz . my mom got married at age 14 while my dad was 17 year old.

Lumaki sa ako sa payak subalit masayang pamilya. Ang Nanay ang ilaw ng tahanan at angTatay ay mangingisda Pagwala ang aming mga magulang ako ang gumagabay sa aking mga kapatid at may kanya kanya kaming gawaing bahay sapagkat yun ang turo nang aming mga magulang.

Nag –aral ako sa Alimango Elementary School at nagtapos sa Alimango National High School bilang class Valedictorian. Determinadoakongmag kolehiyo kahit alam ko ang kalagayan sa buhay ikanga “Isangkahigisangtuka.” Ang desisyon kong magkolehiyo ay sinuportahan nang aking mga magulang ngunit sila ay may isang kahilingan at tagubilin sa akin at ang kanilang wika ay ganito anak, hanggat ikaw ay nag- aaral huwag ka munang makikipag boyfriend saka na pag-ikaw ay nakapagtapos ng kolehiyo. Hindi ko sinuway ang tanging kahilingan nang aking mga magulang. Sapagkat itoy para rin sa king kinabukasan

Subalit nang tumuntong na ako sa ikatlong taon nang pagkokolehiyo palaking palaki ang mga gastusin at halos mawalan na akong pag- asang makapagtapos may mga pagkakataong hindi na kumakain nang meal sapagkat napakahirap sa aming lugar bukod sa napakalayo walang kuryente ,tanging mga Bangka lamang ang nag nagsisilbing transportasyon at kominikasyon sa aming lugar. Kapos na kapos kami sa pananalapi sapagkat sabay sabay kaming tatlo nag- aral. Ayaw nang mga magulang ko namahinto kami sa pag-aaral sapagkat sila ay na niniwala na “Ang karunungan lamang ang tanging maipapamana nila sa amin nawalang sinumang makaka agaw, makakanakaw bagkus maaari natin itong ibahagi sa iba.”

Napag desisyunan nang mga magulang ko na ibenta ang tatlong ektaryang lupain na bili namin sa lola ko. Masakit man sa aming kalooban ito ay naibenta sa halagang 90 thousand pesos upang ipangtustus sa pag–aaral namin at awa nang puong may kapal natapos korin ang pag kokolehiyo.

Upang kahit papa anoy hinding hindi ako maging pabigat sa aking pamilya at upang makatulong lumuwas akong Manila- isang lansangan na wala akong kaalam alam sa magiging buhay ko doon. Paglipas nang napakaraming mga araw sa paghahanap ng trabaho at natanggap ako as cashier ng SM Department Store. Hindi nagging madali ang sumunod na mga araw at buwan pero nag pakatatagako at tiniis ko ang mga pangungulila na nararamdaman sa pagkat itoy hindi sapansarili kong kapakanan at kabutihan kundi sa aming pamilya.

Nang mag kokolehiyo na ang dalawa kong kapatid sila ay napag-aral ng First Year college at nahinto na sapagkat hindi namin sila kayang pag sabay sabayin sapagaaral. Labis ang aking pagkahabag sa dalawa kong kapatid. Nang mahinto na sila sa pag- aaral, lumuwas silang Manila at doon magkakasama kaming tatlo. Tulad ko hindi din sila nagsayang nang mga sandal naghanap sila ng trabaho at sa awa ng dios sila ay nagkaroon ngtrabaho.Dahil sa ibig kong sila ay makapagtapos din ng kolehyo tulad ko kinausap ko silang dalawa na kung maari sana yung sahod nilang dalawa ay gagamitin ko sapag-aaply para mag-abroad at pumayag silang dalawa.




Taong 2004 nangibang bansa ako as factory worker sa Canon. Palakasan nang loob ang pangingibang bansa lalo nat alam ko na wala akong pam placement fee .Naniniwala ako na walang ibang taong makakatulong sa atin kung tao ay nagigipit at kailanga nang pagdesisyunan ang isang bagay kundi sa pamilya mu lang ito masusumpungan kaya pinaalam ko sa nanay at tatay ang plano ko. Marami silang naging agam-agam na baka daw maloko lang ako at masayang ang perang uutangin naming pang placement fee at ito ay may 10% interest every month.

Ang perang inutang naming ay tumubong tumubo dahil sa laking intrest nito at nagging usap usapan pa ang pamilya naming sa aming lugar at sinsabi nila na hindi daw totoong nangibang bansaako at hindi daw kami makakabayad nang utang sa kanila sapagkat kami ay mga dukha.

Ang hiya at daming porsyentong binayad ng mga magulang ko at tiniis naming yun at anuman ang mga pangungutya ang kanilang ginawa bagkus iginapang naming sa pag aaral ang dalawa kong kapatid. Sa loob ng napakaraming taong pagta-tarabaho kosa Taiwan as Factory worker nakapagtapos sa kolehiyo ang dawala kong kapatid. Ang isa ay guro sa mataas na paaralan at ang isa naman ay graduate ng Hotel and Restaurant Management.
Very proud ang aming mga magulang sapagkat kami ay nagtutulungan sa isat isa as a family ika nga “United we stand divided we fall. ”Sino ang mag aakala na isang mangingisda at sampling ilaw ng tahanan lamang ay nagkaroon ng tatlong mga anak na nakapagtapos sa kolehiyo ni sapanaginip hindi akalain ng mga magulang kona mabibigyan nila kami ng maganda,masaya , simply at kontentongbuhay

Nang nakapagtapos na ang aking dalawang kapatid ang sabi ng na nanay ko anak, ngayung tapos na sakolehiyo ang dalawa mong kapatid sarili mo naman ngayon angpagtuonan mong pansin cause you are not getting any younger. I did not take mom advise seriously dahil Masaya ako sa pagiging factory worker ko sa kaoshuing after nang Canon. After my contract in kaoshiung  finished umuwi ako ng pinas. Until one day, my boyfriend called me up I was asleep and it was early in the morning when he made his marriage proposal. I am speechless I was in shock but I made a courtesy call to my parents in province.
It Was September 2010, our wedding day at Bulacan, Philippines everyone is happy and when I get here in Taiwan we had our wedding again.

Sa ngayon Masaya ako nakasama ang pinaka mamahal kong asawa na si Wang Wen Liang at dalawa kong mga anak na si Wang Guan Xun, 5 year old and baby Wang Chen Yue 4 months old. At sa ngayon pumupunta nalang ang mga magulang ko at bunsong kapatid dito sa Taiwan para bisitahin kami at ang mga apo nila. Ito lang ang masasabi ko “Kahit gaano kahirap ang buhay na dinanas mo noon may tagumpay at saya na naghihintay sau sa hinaharap”  AT “Ang taong hindi sumusuko sa buhay ay di malayong makuha ang tagumpay”