2014-05-28 / Mary Ellen C. Nisperos / Caretaker / Pilipinas 菲律賓 / Radio Pinoy
Ako si Elena: Ina, Asawa, OFW
Ako si Elena. Isang babae at isang ina na nangangarap na makapagbigay ng magandang buhay at kinabukasan para sa aking pamilya, lalo na sa aking mga anak.
Kagaya ng ibang mga naghahangad ng konting ginhawa, naisip kong makipagsapalaran sa ibayong dagat upang matupad ang aking mga mithiin at matulungan ang aking kabiyak upang maitaguyod nang maayos ang aming pamilya.
Baon ang aking mga pangarap, ako ay lumipad at dinala ng kapalaran dito sa Taiwan. Sampung taon na akong naninilbihan bilang isang manggagawa sa lugar na ito.
Una ay nagtrabaho ako sa isang nursing home dito. Ngayon naman, ako ay isang caregiver sa isang pamilya na nagpapa-alaga sa kanilang ina na may karamdaman.
Akala ng marami, ang buhay ng mga OFW ay maganda, maayos at masaya. Oo, nagiging maayos at gumaganda ang ating buhay. Nagiging masaya rin tayo. Pero ito ay hindi sa lahat ng pagkakataon nangyayari.
Kaakibat ng pagiging OFW ang mga karanasang nagdudulot ng saya at ligaya sa ating buhay.
Para sa akin, masasabi kong “fulfilled” ako bilang isang OFW. Masaya ako na dito ako napadpad sa Taiwan upang magtrabaho.
Masaya ako kasi ang mga among nakatagpo sa akin ay mababait at maunawain. Kahit minsan o dalawang beses isang buwan lang ang day off, at least nakapagre-relax pa rin.
Bilang isang OFW dito sa Taiwan, marami akong natutunan. Una narito ang pagiging matatag at ang paglaban sa lahat ng hamon at dagok ng buhay na dumarating. Nagawa kong labanan ang pagka-homesick sa aking pamilya, lalong-lalo nasa aking mga anak. Ang lagi kong isinasaisip, itong sakripisyong ito ay hindi lamang para sa sarili ko.
Una ang pamilya ko para pag-alayan ng aking sakripisyo. Sakripisyong tiisin ang pagiging malayo, at mag-alaga ng isang taong ni hindi mo kadugo, samantalang ang mga sarili mong anak o kapamilya na minsan ay nagkakaroon din ngkaramdaman ay hindi natin madamayan o maalagaan.
Iyong mga downsides tulad ng isang Christmas ko lang na nakasama ang pamilya ko sa loob ng sampung taon. Tig-isang selebrasyon na makapiling ang aking dalawang anak sa kanilang kaarawan, at minsang nakasama sa kanilang pagtanggap ng parangal sa paaralan bilang mga oustanding students. Nakasasama ng kalooban na wala ako sa mga espesyal na araw na iyon sa kanilang tabi.
Ilan pa sa pinakamabigat na pinagdaan ko ay ang muntikan na pagkasira ng aming pamilya, ngunit labis kaming nagpapasalamat na dahil sa tulong na dasal, pagmamahal, pang-unawa at suporta ng aming pamilya, nalagpasan namin ng aking kabiyak ang pagsubok na iyon na dumating sa aming pagsasama.
Dumating din sa puntong ninais kong umuwi dahil tinaningan ang buhay ng aking kapatid pero hindi ko nagawa dahil hindi ako pinayagan ng aking mga pinaglilingkuran. Pero sa awa ng Diyos, kapiling pa rin namin ang aking kapatid. Kumapit kami sa Diyos at dasal lang talaga ang aking naging sandata sa pagharap sa mga pagsubok na ito.
Kung may lungkot at hirap, mayroon ding saya. Kasama ko na ang aking kabiyak dito ngayon at dalawa na kaming nagsusumikap para maitaguyod ang aming pamilya at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aming mga anak.
Noon, nagwagi rin ako sa isang patimpalak ng kantahan dito. Masaya sa pakiramdam dahil nakapagpamalas ako ng aking talento sa isang bansang banyaga at di man ako nagkamit ng pinakamataas na karangalan, para sa akin ay achievement na maituturing iyon kasi naibahagi ko ang aking galing ditto sa Taiwan.
Siyempre masaya rin ang aking pamilya kapag nakatatanggap sila ng mga balikbayan box. Pero hindi nila alam na ito’y bigay lamang ng mga amo ko. Mga gamit na ilang beses lang na naisuot o ginamit na pag ibinigay ay kukunin ko rin naman. Sayang din na pampasalubong sa aking mga kapamilya di ba.
Saka ditto rin nagging maganda ang aking pisikal na anyo. Noon ako ay maitim na hindi kagandahan ang kutis. Pero dahil laging nasa loob ng ‘air-conditioned room’, gumanda at pumuti ng konti ang aking kutis. Kaya sa tuwing lumalabas, takot nang maarawan kasi sayang ang kaputian.
Ang sarap lang ng pakiramdam na kapag nagbakasyon ka sa Pilipinas, gandang-ganda sila sa iyo. Pero ang hindi nila alam, sa likod ng kagandahang iyon ay ang pagpupuyat sa pag-aaalaga, ang pagsinghot ng kanilang dumi dahil nasa iisang kuwarto lang kayo, ang pag titiis sa hirap at pagod ng pagtatrabaho.
Pero nalagpasan ko lahat iyon...para sa katuparan ng aking mga pangarap na sampung taon kong pinaghirapan.
Sa kabuuan, labis akong nagpapasalamat sa mga taong naging parte ng buhay ko ditto sa Taiwan dahil marami rin akong natutunan sa kanila. Nakasama ko sila sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya.
Ito na ang huli kong kontrata. Masaya na malungkot dahil makauuwi na rin ako. Matagal na kaming hinihiling na umuwi ng aming mga anak. Ngunit lagi naming sinasabi na baka pagdating sa Pilipinas ay wala kaming trabaho dahil hindi naman ako nakapagtapos ng kolehiyo. At sa edad kong ito, ang pangamba ko ay kung may kukuha pa sa akin para maging empleyado. Lagi kong sinasabi na ito ay para sa kanilang pag-aaral para magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero ang lahat nga ay may hangganan.
Nais ko pa ring makabalik dito sa Taiwan. Lihim kong inaasam na ako ay muling mabigyan ng pagkakataong makapagpatuloy na maglingkod dito dahil marami pa akong pangarap para sa aking mga mahal sa buhay na nais matupad. Iyon nga lang, kapalit na naman nito ay sakripisyo para sa mga anak namin.
Pangarap kong makabalik isang araw dito sa Taiwan bilang isang turista. Kahit kasi isang dekada na akong naririto, marami pa rin akong lugar na gustong mapuntahan, pero nagkakasya na lang muna akong panoorin sa telebisyon. Marami kasi silang palabas na ipinakikita ang kagandahang likas ng Taiwan.
Kung hindi na loloobin ng Panginoon na makabalik pa ako rito, gusto kong magnegosyo ng pagkain sa Pilipinas at gamitin ang natutunan ko sa pagluluto, sa tulong ng aking mga amo at ibang naging kakilala.
Ang laki ng naitulong ng pagtatrabaho ko dito sa aking pamilya. Salamat sa mga naging amo ko na itinuring akong kapamilya at kaisa.
Salamat sa sampung taon ng dugo, pawis at luhang isinakripisyo ko. Dahil dito, natupad ang mga pangarap ko. Hindi man lahat, ngunit masasabi kong napakalaking bagay ang naitulong nito.
Sampung taon na ang lumipas, nangangarap pa rin ako. Patuloy ang buhay, patuloy ang laban.
Ang Taiwan, ang mga taong nakasalamuha ko at nakasama, at ang mga alaala ay mananatili sa kaibuturan ng aking puso at isipan, at hindi ko kailanman makalilimutan.
Sa aking pagbalik sa aking lupang sinilangan, baon ko ulit ang pangarap na sinimulan kong buuin sa lupang banyaga, kasama ang taimtim na dasal na ako ay gabayan upang maipagpatuloy ito at mabigyan ng katuparan.