2014-05-27 / ELSA MARIE SOLVER SAPLAN / ANG AKING BUHAY DITO SA BUHAY / Pilipinas 菲律賓 / WALA
(1)
Dahil sa hirap ng buhay na aking nakalakhan
iba't ibang bansa na ang aking napuntahan
upang hanapin ang suwerte sa pakikipagsapalaran
at dito nga ako napadpad sa bansang Taiwan.
(2)
Noong una na aking masilayan
ako'y humanga talaga sa kapaligiran
ang mga taga rito ay disiplinado sa kalinisan
bawal ang magtapon ng basura kung saan saan.
(3)
Salamat kay Hesus na makapangyarihan
dahil mababait ang aking napuntahan
dalawa ang anak isang lalaki at babaeng may kapansanan
isip bata ito pero trenta'y siyete na ang gulang.
(4)
Ang aking alaga ay sadyang nakakaawa
kaya naman tutok lagi ang aking mga mata
nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya
ginagawa ko ang lahat para lamang mapabuti siya.
(5)
Sa pagkain naman ay wala na akong mahihiling
mga pagkain sa Pinas halos magkatulad din
kaya naman mga amo ko ay natutuwa na rin
dahil kinakain ko daw lahat ang mga naihahain.
(6)
Ako'y nakakalabas din dalawang beses sa isang buwan
upang mapasyalan ko ang mga lugar na naggagandahan
lahat ng mapuntahan ko ay kinukuhanan ng mga larawan
upang marami akong maikuwento sa aking pagbabalikbayan.
(7)
Iba't ibang mga bulaklak ang mga nakatanim
kaaya aya talaga ka'y lamig sa paningin
ika'y mapapangiti at iyong sasambitin
kay ganda ng Taiwan parang ayaw mo na itong lisanin.
(8)
Ang bansang Taiwan ay balita sa buong daigdig
isa ito sa mga bansang sadyang kaibig ibig
dahil na rin sa kalinisan na iyong nasisilayan
wala kang makitang marumi sa kasulok sulokan.
(9)
Marami na akong bansang napuntahan
pero lahat ay puro parte ng gitnang silangan
laging nagkakagulo, away at mga patayan
ako'y laging kinakabahan kahit ba hindi ako ang tinatamaan.
(10)
Sa apat na bansa na aking pinanggalingan
panglima na ngayon dito nga sa bansang Taiwan
sa totoo lang dito ko naranasan ang kapanatagan
ngayon ay wala na akong takot na nararamdaman.
(11)
Sa darating na Oktubre taong kasalukuyan
ako'y magdadalawang taon na dito sa aking tinitirhan
mga amo ko itinuring ko ng mga magulang
at ang aking alaga ay talagang hindi ko pinapabayaan.
(12)
Marami na rin akong nakilalang mga kaibigan
iba't ibang probinsiya na aking mga kababayan
sa tuwing nagkikita kita kami ay nag uumpukan
kuwentuhan tawanan at sabay sabay na nagkakainan.
(13)
Napakasarap talaga mamuhay dito sa bansang Taiwan
tahimik at masayang lugar ang lagi kong napagmamasdan
palangiti ang mga tao at palakaibigan
kapag nakasalubong sila ang pagbati ay hindi nakakalimutan.
(14)
Pagdating sa pera mga amo ko ay aking nalalapitan
nagbibigay sila ng walang pag aalinlangan
pagdating ng sahod ay ibinabawas na lamang
hanggang sa matapos kahit na paunti unti lang.
(15)
Nagsasakripisyo ako para sa aking pamilya
wala akong inaasahan dahil ako'y isang dalagang ina
ako'y may isang anak nasa kolehiyo nag aaral pa lamang siya
siya'y isang babae Angel Blossom ang pangalan niya.
(16)
Hindi ako naging mapalad sa ngalan ng pag ibig
ilang beses na nga ba akong nabigo ng paulit ulit
kaya naman ngayon ay may takot na ang aking dibdib
hindi ko pa alam kung kailan ako muling iibig.
(17)
Nagsilang ako ng isang malusog na sanggol na walang ama
siya ay lumaki sa piling ng kanyang lolo at lola
dahil siya'y aking iniwan tatlong taong gulang pa lamang siya
upang ako'y magtungo at magtrabaho sa ibang bansa.
(18)
Masaklap ang aking naging kapalaran
sa tuwing aking naaalala ako'y napapaluha na lamang
dahil hindi lang naman ako buhay ay naging ganyan
masuwerte pa rin ako dahil naintindihan ng aking mga magulang.
(19)
Sa mga pagsubok na dumarating sa aking buhay
nandiyan lagi ang aking magulang na nakaalalay
pati na rin mga kapatid ko sa suporta ay nagbibigay
upang mapalaki ang aking anak sa piling ni nanay at tatay.
(20)
Ako'y nagpapasalamat sa poong maykapal
dahil ang aking anak ay lumaki na matalino maganda at mapagmahal
siya ang naging inspirasyon na tangi kong kayamanan
kaya naman siya'y aking pinakaiingatan.
(21)
Alam ko na ang aking anak ay sabik sa kanyang ama
dahil hanggang ngayon ay tinatanong pa rin kung nasaan siya
subalit lagi kong sinasabi na hindi ko alam talaga
ilang beses na naming hinanap sa peysbuk subalit hindi namin nakita.
(22)
Magmula nang siya'y umalis at ako'y iniwan niya
nagtungo sa bansang Saipan ay wala na akong balita
kahit nga isang sulat noon ay wala akong natanggap mula sa kanya
wala ngang nakakaalam kung patay na o buhay pa siya.
(23)
Mahabang panahon na ang nakakaraan
dalawampu't isang taon mula nang ako ay nagsilang
ang mga susunod na kabanata tanging Diyos na lamang ang nakakaalam
dahil matagal ko na ring tanggap kung ano ang aking naging kapalaran.
(24)
Dito sa bansang Taiwan ay maraming nagpapalipad hangin
pero alam ko na sila'y may mga asawa na rin
ang pumatol sa may pananagutan na ay hindi ko maaatim
isang pagkakasala ang umibig sa hindi naman akin.
(25)
May mga ganyan sa aking mga kaibigan
pero hindi ko na sila dapat na pakialaman
buhay nila yon kahit anong relasyon ang kanilang papasukan
pero isipin din sana nila na may mga taong masasaktan.
(26)
Itong nakaraang araw ng mga nanay
may nagbigay sa akin na lalaki dito sa aming kapitbahay
isang rosas pulang pula ang kulay
hindi ko naman alam kung ano ang kanyang pakay.
(27)
Sabi sa akin ng mga kaibigan
ako ay magpakasal na lang daw dito sa Taiwan
sabi ko naman bakit hindi kung yan ang aking kapalaran
kung ang lalaking para sa akin ay nandirito lang.
(28)
Mabalik naman ako dito sa mga amo kong tinitirhan
sa ngayon panatag naman na ang aking kalooban
hindi kagaya sa mga bansa na aking pinanggalingan
halos mamatay ako sa nerbiyos sa totoo lang.
(29)
Pakiramdam ko ay dito na ako magtatagal
kung puwede nga lang eh kahit pang habambuhay
dahil gusto ko pa matapos ang anak ko sa pag aaral
at pati na rin makapagpatayo ng sarili kong bahay.
(30)
Sa araw araw umiikot ang buhay ko dito sa Taiwan
abala sa pag aalaga sa anak ng amo ko na may kapansanan
pati na ring mga gawaing bahay na dapat gampanan
at ang pagluluto isa din yan sa aking mga nagugustuhan.
(31)
Habang isinusulat ko ang kuwentong tula na ito
hindi ko mapigilang malaglag ang mga luha ko
maiksi man o mahaba ang lahat ay nanggaling sa puso ko
nawa'y sa mga makakabasa ay magustuhan nila ito.
(32)
Malaking hamon sa akin ang aking naging nakaraan
upang harapin ang mga pagsubok na hindi inaasahan
sa tulong ng maykapal na tangi kong pinanghuhugutan
balang araw makakabangon din ako sa awa ng Diyos namakapangyarihan.
(33)
Dito ko na tinatapos ang kuwentong tula na ito
ako'y nagpapasalamat sa mga taong nag imbita sa akin upang makasali ditto
gayundin sa aking mga amo na itinuring ko ng magulang ko
mahirap ko na silang lisanin dahil napamahal na ako sa pamilyang ito.
THE END