2014-05-26 / Miranda Decaleng / BUHAY AY PARANG LIBRO / Pilipinas 菲律賓 / Wala
TITULO: LIBRO NG BUHAY
Ang buhay ay parang isang libro;
Bawat pahina’y nakasulat
ang mga sari-sariling kuwento;
At karanasan sa buhay.
Mga tunay na pangyayari na di man mawawari;
Dahil sa puno ng kulay minsa’y mapapangiwi;
Pagsubok at tagumpay laging magkakatunggali;
Kung di mo makakaya, pakpak mo’y mababali;
Ang tanging hangad lamang ay umangat,
kaya gagawin lahat kahit pa tumawid sa dagat
Iiwan ang mahal sa buhay maibigay ang ginhawa salapi;
Sa paglipas ng mga araw
pilit tinitiis ang kalungkutan, pangungulila,
at mabibigat na trabaho.
Pahina’y unti-unting mapupuno,
sari-saring kaganapan nakasaad dito;
Lumipas man ang panahon ay di mawawala
dahi sa pagkasulat na di mabubura;
Ubod tangi angpasa[sa]lamat sa Diyos, sa pagbigay gabay at lakas-loob, bagkus sa kabilang yugto ng paghihirap, ginhawa’y nakamit.
Sinulat ni: MIRANDA DECALENG