2014-05-26 / SAMSON VIRGILIO JR PALO維吉 / Pagpapakilala at Karanasan Sa Taiwan / Pilipinas 菲律賓 / HOME STRONG INTERNATIONAL CO., LTD.鎵泓國際股份有限公司
Ako si Virgilio P. Samson Jr, 29 na taong gulang nakatira sa Arayat Pampanga Philippines.Dumating ako sa Taiwan noong November 9, 2011, ito ang unang abroad ko at dito sa Taiwan.Ang pag-iibang bansa ay masasabi kong malaking pagsubok na kailangan kayanin at labanan,dahil sa malalayo ka sa mahal mo sa buhay kailangan maging matatag sa lahat ng bagay,isa sa mga bagay na kailangang labanan ay ang "HOMESICK" karamihan sa mga OFW ay nararamdaman ang ganitong situasyon na namimiss ang mga mahal sa buhay,pwedi nman itong labanan isipin na kaya nasa ibang bansa ay para maihahon sa hirap at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mahal natin sa buhay.Nag-ibang bansa ako para sa kinabukasan ng aking pamilya lahat ng bagay kakayanin para sa kanila,kahit dalawang beses nalang kumain sa isang araw para makatipid para makaipon para matutusan ang pangangailangan ng aking pamilya.Ang pag-iibang bansa ay panibagong buhay ang haharapin makakasalamuha ka ng ibang lahi,ibang language at ibang pagkain,kailangan intindihin at sundin ang patakaran o kultura ng bansang pinuntahan.Ang karanasan dito ay kung ano ang gagawin ko dahil unang punta ko ng ibang bansa at dito nga sa Taiwan,wala akong maintindihan sa salita nila,pagkinausap mo hindi makaintindi ng English o makapagsalita,lalo na nang mag-umpisa na akong sa unang araw na magtrabaho wala akong alam sa pag-operate ng machine at isang taiwanese ang magtuturo sakin,wala akung maintindihansa mga sinasabi niya,di rin siya marunong magsalita ng english hindi ko alam ang gagawin ko minsan naiisip ko n umuwi nalang sa pilipinas at napanghihinaan naku ng loob,pero sabi ko sa sarili ko pag-umuwi naman ako walang mangyayari sakin hindi ako makakabayad sa palacement fee na ginamit ko pagpunta dito at sa mga taong nautangan ko at sa kinabukasan ng pamilya ko kaya gumawa nalang ako ng paraan para malaman at maintindihin kung pano mag-operate ng machine kahit hindi ko maintindihan ang nagtuturo sakin.Kaya ang ginawa ko para matutu at malaman ang gagawin sa pag-operate tinandaan ko ang mga pinipindot at sa kilos niya para matutu ako hindi ko man siya maintindihan may mata nman ako para tandaan ang mga ginawa niya yun na lang naisip kung sulution para malaman ang gagawin at hindi mahirapan.Unang sahod ko dito hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa baba ng sinahod ko,may lending ako na babayaran,kaltas sa medical at brooker's fee.Naghina na naman ang loob ko dahil inisip ko kung panu ko mapapadalhan ng perang panggastos ng aking pamilya,buti nalang may isang taong lumapit sakin at sabi niya "kaya mo yan una lang yan darating din ang araw na makakabawi ka tibayin mo lng loob mo"kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na pagpatuloy ang trabaho ko at kayanin ang lahat para sa mahal ko sa buhay.Nagtiis ako ng 18 months na walang natitira sakin dahil sa 18 months ang payment ng lending kong binabarayan.Dahil sa baba ng sahod at wala pang overtime at may lending pang binabayaran wala akung mabiling gamit para sa sarili ko dahil iniisip ko kung bibili ako ipapadala ko nalang sa pamilya ko para may magamit at may pambili ng kailangan nila sa pang araw-araw.Dito ko rin naranasang pintasan dahil sa suot kong damit na mumurahin lang ang halaga at hindi sikat ang tatak,pati sa sapatos na suot ko ay hiram pa dahil sa baba ng sahod at may lending pang binabayaran tiniis ko lahat para makayanan ang lahat,ginawa kung aral sa sarili ko para lalo kung pagsikapin at tibayin ang loob at hindi mawalan ng pag-asa.Nakayanan ko ang lahat dahil ang nagbibigay lakas sakin ay ang mga mahal ko sa buhay para tumagal at matapos ang contrata ko dito sa Taiwan.Dahil sa sipag at tiaga ilang months nalang ako matatapos na ang contrata ko laking pasaslamat ko sa panginoon na nakayanan ko lahat at sa mga taong binigyan ako ng lakas ng loob at sa pamilya kong nagmamahal sakin dahil sa kanila nakayanan ko at ilang months nalang matatapos ko na contrata ko.Dahil sa sipag at tiaga malapit na akong umuwi at makakabili pa ng konting gamit para sa sarili at pampasalubong paguwi ng pinas.Aral gawing inspirasyon ang pamilya sa trabaho para makayanan ang lahat at hindi mawalan ng pag-asa at lumapit kay God kausapin siya sa pamamagitan ng panalangin at siguradong gagabayan ka niya at hindi pababayaan.
Sa abroad,ibang pagkain,iba ang klima,iba salita,iba ang relihiyon at iba ang pag-uugali ng bawat tao.Iba lahat kaya sobra-sobra rin ang iyong pag-a-adjust tulad ko at ang pinaka mahirap na labanan mo ay "TUKSO" na realize ko ang pag-aabroad ng isang taong pamilyado ay isang malaking pagsubok.At the end of your contract,masasabi mo kung panalo ka o natalo.Ang pagsubok na yan ang lalaruin ng mag-asawa.Ang challenge sa isang OFW ay hindi sa dami ng sahod mo,hindi sa dami ng naiponmo,hindi sa dami ng naipundar mo.Ang challenge sa isang OFW ay isang malaking pagsubok na maraming OFW ang natatalo,iyan ang tanong na"PAG-UWI MO BA SA PILIPINAS,BUO PA ANG PAMILYA MO?Sa ginagawa ng iba ngayon,alam na nila ang magiging kasagutan.Ang pera nauubos yan,kinikita yan pero kapag pamilya moang nawasak,sira na yan at ang masakit di lng kayong dalawa ang nagkasakitan dahil sa totoo lang mga anak niyo ang mas labis na masasaktan,wag na wag mong lalabanan ang TUKSO dahil hinding-hindi ka mananalo dapat itong IWASAN.Sabi nga nila "if you love two people at the same time choose the second one,because if you really loved the first one you wouldn't have fallen for the second.
Ang bansang TAIWAN,maliit na bansa pero maunlad na bansa may mga bagay na nakikita ko na mas uunlad pa ang bansang Taiwan dahil sa patakaran at alituntunin,diciplinado ang mga taiwanese,mabibilang mo ang mga taong pasaway at iilan lang ang mga ito.Ang nakikita ko sa mga taiwanese may isang salita,marunong tumupad sa usapan,diciplinado,mababait,nagkakaisa at masisipag.Nakikita mo puro trabaho ng trabaho,bussines minded,seryoso kung magtrabaho,pero deep inside may ugali silang magugustuhan mo,seryoso sila,meron din palang pag-kajoker.Masasabing maunlad ang bansa dahil sa dami ng mga patakaran o policy,tulad nalang sa patakaran sa kalsada o transportasyon marami sa mga taiwanese ang sumusunod dito,tulad ng mga nagmamaneho o driver hindi sila umiinom ng alak kung sila ay magmamaneho,para maiwasan ang huli o maiwasan ang aksidente.Sa iba't-ibang lugar dito sa Taiwan lahat ng daan o kalsada marami kng makikita o nakalagay ng mga camera o tintawag na CCTV,kaya kung may sakuna o aksidenteng nangyari,mabilis ang responde ng mga pulis at ambulance at mabilis ang aksyon di gaya sa ibang mga bansa.Kahit saang sulok o lugar ka magpunta lahat ng kalsada my CCTV kang makikita.Pangalawa patakaran sa trabaho,dito ako sobrang bilib dahil walang pinipili kahit sino pweding magtrabaho basta kayang magtrabaho,matanda man o may kapansanan basta kayang magtrabaho tinatanggap.Dito ko lang nakita na tinatanggap sa trabaho ang may mga kapansanan sa pagiisip o sa pangangatawan,basta kayang magtrabaho pwedi,hindi gaya sa mga ibang bansa hindi tinatanggap,pinipintasan pa.Kahit mga student dito pagsummer bakasyon na walang pasok,required silang magtrabaho o pweding kumuha ng summer job para pagtapos nilang mag-aral may mapapasukan na sila kaagad.Ang mga taiwanese ay masisipag trabaho ng trabaho para sa kinabukasan ng mga anak at sa pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya,mapagmahal sa pamilya gagawin ang lahat para sa kanila,mababait at marunong makisama sa kapwa.Ang isang taong marunong makisama sa kapwa ay may idudulot na maganda.Ang mga taiwanese ay disiplinadong tao,o may disiplina sa sarili,halimbawa nalang sa basura,pag-ibang lahi ang nakakita hindi ito pupulutin o itatapon sa lagayan ng basura o hindi papansinin,pero pag ang taiwanese ang nakakita pupulutin ito at itatapon sa basurahan.Sa paghawak ng pera masasabing magaling magbudget ang mga taiwanese,matipid at hindi basta-basta gumagastos ang ginagawa SAFE muna bago gastos,hindi kagaya ng ibang lahi gastos muna bago SAFE kaya minsan nagkukulangan sa pera.Ito lng masasabi ko sa mga taiwanese madisiplina sa sarili,masisipag,may pakikisama sa kapwa,mababait, wala na akong masabi sa ugali ng mga taiwanese.Nagpapasalamat ako sa bansang Taiwan sa pagpunta ko dito para magtrabaho,marami pa akong natutunan at mga magagandang bagay na nakita na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko,Thank you sa bansang pinuntahan "TAIWAN".