DESCRIPTIVE WRITING STYLE

2014-04-27 / Trusty Liwanag / DESCRIPTIVE WRITING STYLE / Tagalog / broker from Golden Brother International Co.Ltd.


" ALAALA
Bahagyang paglapag
Sa bansang banyaga.
Dala ay lungkot
At pangungulila.
Ang tanging alaala
Pamilyang iniwan.
Ang tanging dala
Tibay at tapang.
Araw,linggo buwan
Na parang kay bagal.
Isa lang ang nais
Nawa'y makatagal.
Sa pagdaan ng araw 
Unti-unting nasasanay.
Wala sayong diwa 
Taon na ang dumaan.
Lungkot ay napawi.
Ngiti ay nasa labi.
Buhay sa Taiwan
Isipi'y Pinas lang.
Bawat segundo
Minuto at oras.
Trabahong mabigat
Parang lumingat.
Sa bawat halakhak
Ngiting busilak.
Yakap na mahigpit
Kanilang nilapat.
Turing sayo'y pamilya
Karama'y sa tuwina.
Taiwanese o Pinoy man
Kayo ay iisa.
Iyong mga taon
Ay lumipas na.
Lungkot sa kanilang mata
Iyong makikita.
Sayong paguwi
Dala ang alaala.
Karanasang kakaiba
Taiwan mabuhay ka!
"