Mangarap ka, huwag bibitiw



2014-04-28 / Aladin pablo / Mangarap ka, huwag bibitiw / Tagalog / Wala


Mangarap ka, huwag bibitiw.


Ilang buwan ang lumipas mula ng aking sinimulan
Nangangarap mangibang bansa bitbit ang pag-asa
Ngunit tila ba may hadlang sa aking pagpunta
Na hindi daw qualifikado ang physical kong katangkadan..

At dahil dito palipat-lipat ako ng agency at nagbabakasakali
Paulit-ulit man ang sinasabi “ mahirap, maliit ka kasi”
Masakit man tanggapin pero kailangan itong tanggapin
Dahil ang pagtanggap na bukal sa puso ang Diyos ang gagabay sau..

Dahil sa pangarap na maiahon ang buhay ng pamilya sa kahirapan,
Umulan-umaraw, tinitiis ang paglakad lakad at pabalikbalik sa ahensiya.
Makikibalita kung may magandang resulta at kung akoy tanggap na
Para hirap at pagtitiis ay mapalitan ng pag asa at tuwa.

Paubos na ang inutang na pera na ginagamit sa pabalik-balik sa maynila
Magandang balita kailan ko kaya ito madadama,
Laking tuwa ko ng minsan sinabi sa akin na akoy aalis na
Pero pambayad sa placement fee ngayon akoy nangangamba.

Tawag dito, tawag doon, utang dito utang doon
Kulang pa kaya kailangan mag lending pang abuno
Gaano man kalaki ang placement fee na babayaran
Pikit mata na ibibigay makakapagtrabaho lamang..

Pagdating ko dito sa bansang Taiwan akoy napamangha sa kagandahan,
Malinis ang mga lugar at disilpinado ang lagat ng tao.
Bawat oras mahalaga sa kanila para sa trabaho
Kaya hindi maipagkakaila na maunlad ang bansang ito.

Hindi man kalakihan ang sahod ko sa sa ngayon dahil sa lending
Balang araw sa loob ng 16 na buwan matatapos din
Kaya mahigpit ang pagtitipid sa sarili at kailangan itong gawin
Sapagkat para sa pamilya ay hindi pwedeng tiisin.

Homesick ang pinakamatinding kalaban sa ibang bansa
Minsan sa kaiisip sa pamilya hindi mo namamalayan pagpatak ng luha.
Nakangiti man ang mga kuha sa larawan na ipinapadala sa kanila
Pero sa likod pala nito ay sangkaterbang pananabik at nangungulila.

Pero lahat na itoy kayang tiisin
Pag OFW dapat matapang ka
Kailangan ng kumayod at kumayod buong maghapon
Gaano man kasakit ang katawan kailangan kumayod
Para madagdagan ang kita at madagdagan ang maipadala.

Sa ngayon unting unting nakakabangon sa kahirapan
Salamat at napadpad ako dito sa magandang bansa ng Taiwan
At higit sa lahat nagpapasalamat ako sa Dios
Sa mga ibinigay na pagtitiis,paggabay at pag-ibig nya sa akin. Salamat at maraming salamat, hindi ko ito malilimutan..







By: aladinpablo