2015/3/18 / Anvin / Ang nag-iisang Ikaw / Pilipinas 菲律賓 / Phil-Tai Org
Ako si Luisa, mula sa mahirap na pamilya , pangalawa sa magkakapatid. Di ko akalain ang mga teleserye na napapanood ko ay magyayari sa tunay na buhay.
Sa taon 2004 ako ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Polythechnic University of the Philippine , sa kurso ng Bachelor of Science in Industrial Psychology, dahil sa hirap ng buhay, pagkatapos ng pag-aaral, ng hanap agad ako ng trabaho, sa hirap maghanap ng trabaho sa Pilipinas, kahit gipit sa pamasahe papuntang Maynila, para maghanap ng trabaho, ay akin tinitiis, sumakit man paa sa paglalakad, at abutin ng traffic, unan at baha, ay akin binabalewala. Ngunit di talaga ako pinalad na magkatrabaho malapit na mag- isang taon simula ng ako nakapagtapos ngunit wala parin ako trabaho, at di man lang makatulong sa aking magulang, na ng pakahirap na makapagtapos ako sa pag-aaral. Kaya napag desisyonan na maghanap ako ng trabaho sa ibang bansa, baka kasi wala sa sariling bansa ang aking kapalaran.
Bumalik ako muli sa Maynila pero di para maghanap ng trabaho sa sariling bansa, ako ay lumuwas para maghanap ng Ahensiya na makakatulong sa akin na makahanap ng trabaho sa Lupang Banyaga.
Sa araw ng akin panayam 4:00 ng madaling araw palang umalis na ako ng bahay habang nasa sasakyan ako papuntang Maynila ay dasal ako ng dasal na makapasa ako sa panayam at pagsusulit sa araw na yun. Ala-sais na ng umaga ako nakarating, pagdating ko sa Ahensiya ang haba na ng pila at ako ay numero 79 , halos 300 na tao kami nakapila para sa pagsulit at panayam sa araw nay un.
.
Habang kami nag- iintay sa oras ng panayam, bilang pumutok ang transformer ng kuryente kaya pandalas na kami lumabas sa gusali dahil sa nangyari , parang nawalan na ako ng pag asa na makapasa, naghihinayang sa pamasahe na pinangutang pa ng aking ama. Ngunit dahil kailanagn matapos ang panayam ng araw na yun, kami ay inilipat ng ahensiya doon sa isa nilang opisina, kaya nabuhayan uli ako nagloob natapos ang akin panayam mga Ala-sais na ng gabi, ang sabi ng ahensiya tatawagan nila ang mga nakapasa noong araw nayon.
Pagkadating ko sa bahay kinuwento ko ang naging karanasan ko sa araw na yun. At ang mga magulang ko ay nagbabantay ng tawag ng ahensiya at umaasa na pumasa ako , ngunit dumaan na ang Sabado wala pa din tawag mula sa Ahensiya, pag dating Linggo ng desisyon ang magulang ko na bumalik uli ako sa Ahensiya at maghanap uli ng companya na kailangan ng trabahado.
Araw ng Lunes bumalik ako ng ahensya , para mag palista sa ibang companya, habang hinahanap ang akin documento sa mga di nakapasa di nila makita, kaya hinap ang documento ko sa mga nakapasa, sabi sa akin, Ma’am nakapasa po kayo pang apat po kayo sa listahan.
Sa oras na iyon noong sinabi akin na pasado ako , gusto kong sumigaw at umiyak sa wakas. Nabuo uli ang aking mga pangarap. Mula sa Ahensiya punta ako ng Quiapo para magsimba at mag pasalamat, dininig niya akin panalangin.
Lumipas ang araw, nalalapit na ang akin pag-alis sa bansa sinilangan. Di ko mapaliwanag naramdaman ko may kaba , takot at saya. Habang lumilipas ang araw nakakaramdam ako ng lungkot. Dumating na ang araw ng akin pag alis June 30,2005 , madaling araw palang lumuwas na kami papuntang paliparan(airport).
Hinatid ako ng aking mga magulang, lola ko at mga kapatid ko. Pagpasok ng paliparan (airport) andiyan na yung lungkot na aalis na ako , sa bansang sinilangan. Maiiwan ko ang aking mahal sa buhay. Pero di ko pinakikita na nalulungkot ako , ayaw ko mag alala ang aking mga magulang . Kaya nakangiti pa rin hapang nakayaw papalayo sa kanila.
June 30,2005 ,Ala- siyete ng umaga lumapag na ang aroplano sa Taiwan. May halong takot at kaligayahan aking naramdaman. Hindi ko maipaliwanag ang akin nararamdaman. Nakakapanibago sa akin kapaligiran. At ang salita nila nahihirapan ako umintindi. Maraming tradisyon at pamahiin.
Unang araw sa trabaho, naninibago, ako dahil eto ang unang trabaho ko. Wala pa akong karanasan di tulad ng iba kong kasama nakailang balik na ng Taiwan . Buti may mga pinay na makatulong sa akin, dahil di ko maintindihan ang salita nila nahihirapan ako makipag-usap. Pero dumaan mga araw nakasanayan ko na ang trabaho. Nakasanayan ko na din ang kanilang kapaligiran, kultura at tradisyon.Lumipas ang araw at buwan, natuto na din ako ng salita ng Mandarin kahit simple lang, kaya nakakapag usap na ako sa mga Taiwanese.
Si Hsao Hsing ang tawag namin sa kanya siya ay amin pinuno(leader) sa departamento magkasing edad lang kami. Lumipas ng mga buwan simula ako dumating sa Taiwan, naging malapit kami magkaibigan, lagi siya nakikipag-usap sa akin kahit minsan nahihirapan ako mag paliwnag , may kasamang aksyon para lang maintindihan niya. Natawag din siya sa telephono pag wala kaming pasok , minsan inaaya niya kami ng kaibigan ko lumabas.
Dahil kahit nasa Pilipinas ako di man lang ako ng karoon ng kasintahan kaya siguro di ko alam ang kabaitan niya sa akin, yun pala panliligaw na , akala ko talagang ganoon siya sa mga Pilipina na kaibigan niya. Maraming nagulat sa pagbabago niya, dati ng di siya malapit sa Pilipina, simula lang daw dumating ako nag -iba siya. Nakikipagbiruan na siya sa kapwa ko pinay .Kaya daming nagtaka, maraming nagsasabi sa akin, na may gusto sa akin si Hsao Hsing . Pero di ko sila pinansin.
Sa sobrang malapit namin, dumaan ang araw. Parang nahuhulog na loob ko sa kanya. Iba pakiramdam ko pag di ko siya nakikita o nakakausap. Iba pintig ng puso ko, sa tuwing nakikita ko siya, may kilig at saya ako nararamdaman na di ko mapaliwanag.
Dumating araw na nagtapat siya ng kanyang damdamin, ang sabi niya Wo Hsi Wan Ni (I Like You), Wo Ai Ni (I Love You). Dahil naging malapit nga kami nagkaroon na din ako ng nararamdaman sa kanya bago siya ng tapat sa akin. Pero syempre konti pakipot din naman. Kaya noong nagsabi siya ng kanyang damdamin . Eto lang nasabi ko Canda ma! Ni Ai Wo Ma?
( Really ! You love me?). Di ako makapaniwala, dinadaan ko sa biro, pero sa kaiburan ng akin puso may kilig at tuwa akong nadadama.
Parang di ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang sasabog, andiyan yung kaba at tuwa. Siguro dahil siya lang ang kauna unahan nagsabi na mahal ako at mahal ko.
Dahil ayaw muna namin ipaalam sa iba, kaya nilihim muna namin ang aming relasyon. Ngunit di eto nagtagal. Sabi nga walang lihim di na bubunyag. Nalaman eto sa amin companya pinagtatrabahuhan. At dito na nagsimula ang problema. Maraming pagsubok ang dumaan sa relasyon namin. Yung awayin ka ng kapwa mo dahil ang kasintahan ko daw ay masyadong strikto. Pero di nila alam na ginagawa lang niya yun pag- oras ng trabaho. Andiyan na sisiraan ka, naiinggit sa iyo. Na wala naman dapat ikainggit. May maririnig ka pag-uwi mo ng Pilipinas hahanap na ng iba ang kasintahan ko. Dahil nasa Pilipinas daw ako. Ang sakit para sa akin, na sinisiraan ang mahal mo at mismong kababyan mo pa ang mananakit sa iyo. Pero lahat ng yun di naming pinansin, at amin nilaban.
Lumipas ang taon, nalampasan namin ang pagsubok sa amin, at dumating na ang araw na kinatatakutan ko ang akin pag-uwi sa lupang sinilangan dahil malalayo ako sa kanya, pero masaya dahil makikita ko na mga magulang . Hinatid niya ako sa paliparan (airport) at may binigay sa akin , isang kuwintas na puso, pero di ko napansin na inukitan pala niya yun ng 愛你 ( Love You). At sabi niya habang isinusuot niya sa akin kwintas, Wo Teng Ni ( I wait for you).
Kahit nalulungkot ako pero may halong tuwa. Dahil makikita ko na ang aking mga magulang at kapatid, sa loob ng tatlong taon ko sa pagtatrabaho dito sa Taiwan. Sa wakas makikita uli kami. Alam ng mga magulang ko ang tungkol kay Hsao Hsing dahil nakukwento ko na sa kinila ang tungkol sa kanya. Tanggap naman ng akin mga magulang kahit di pa nila nakikita ang akin kasintahan. Ang sabi lang nila sa akin basta mahal ako at mahal ko, at di ako sinasaktan , di sila tututol.
Nakarating na ako sa bansang sinilangan. Parang daming nagbago, kakaiba, parang din na ako sanay sa sariling bansa. Dahil nga nasa Pilipinas na ako akala ko din matatapos na ang aming relasyon. Pero hindi pala, lagi siya natawag sa akin kahit mahal tawag sa Pilipinas. Minsan pag di siya pagod sa trabaho para magkita niya ako ng skype o yahoo , para makita niya ako. Lagi niyang sinasabi miss na niya ako. Lagi niyang tanong , “kalian babalik mo sa Taiwan.
Dahil miss ko na din siya at mahirap talaga ang buhay sa Pilipinas lalo na wala ako trabaho. Naghanap uli ako ng ahensiya , na makatulong sa akin papuntang Taiwan. Wala pang tatlong buwan nakabalik na uli ako ng Taiwan.
At sa unang araw sa pagbabalik ko, dahil magkaiba kami ng companya. Pinuntahan agad niya ako sa dorm na akin tinutuluyan. Dito lalo tumibay ang amin relasyon.
Dahil dito ko nakilala ang ang kanyang pamilya. Noong una may kaba ako naramdaman. Akala ko di nila ako matatanggap pero mali ang akala ko. Ang bait ng pamilya niya. Di man lang ako mahirapan kilalanin sila.
Dahil naging malapit ako sa kanyang pamilya. Kahit may pasok siya sa trabaho. Pinapupunta nila ako sa bahay, kaya binigyan nila ako ng sariling susi ng bahay. Lahat ng mahalagang occasion, lagi ako imbitado at kasama. Dito din yung pinakikilala nila ako na kasintahan ng kanilang anak. Di nila ako itinatangi ipinagmamalaki nila ako. Kaya ang saya ko talaga. Ako lang sa lahat na naging kasintahan ni Hsao Hsing ang naging sobrang malapit sa pamilya niya.
Lumipas ang isang taon, may tradisyon pala sila na pagtungtong ng 30- anyos di maaring magpakasal, kaya kailangan maghintay, dahil sa taon na yun hanggang anim na taon lang pwedeng magtrabaho sa Taiwan. Kaya natakot ako na eto na ang katapusan ng amin relasyon.
Dahil kami ay 28 anyos na, at sa kalendaryo ng Chinese ay 29 anyos, kaya napag-usapan ng pamilya na magpakasal kami. Nagulat ako sa sinabi ng kanyang pamilya. Yung tuwa sa puso ko sobrang umaapaw. Mismong pamilya na niya ng desisyon. Kahit di pa naming napag-uusapan ang tungkol sa kasal.
Kaya hangagang dalawang taon lang ako ng trabaho simula noong ikalawang balik ko sa Taiwan. Bago ako umuwi ng Pilipinas, inaayos na ng pamilya niya yung kasal namin. Kaya ng pre-nuptial kami kasama ang pamilya niya. Para naman daw pag-uwi ko ng Pilipinas kahit sa litrato makita man lang ng pamilya ko sila.
Alam na din ng pamilya ko tungkol sa kasal habang di pa ako nakakauwi nag aayos na rin sila sa Pilipinas. May tradisyon pala dito sa Taiwan na magbibigay ng pera ang pamillya ng lalaki sa pamilya ng babae. Dahil alam ko rin na di mayaman ang akin kasintahan. Di ako pumayag na magbigay ng pera sa akin pamilya. Sabi ko nalang na kailangan naming yun pagkasal na kami. At sinunood naman niya ang akin hiling.
Dumating na ang aming kasal. Kasama niyang umuwi ang panganay niyang kapatid. Halos ang bilis lang nila sa Pilipinas dahil may trabaho sila iniwan sa Taiwan. Sa kanilang bagbalik ng Taiwan,ako naman ay nag-ayos ng aking papeles pabalik ng Taiwan bilang asawa at din na OFW.
Nakabalik agad ako sa Taiwan wala pang tatlong buwan. Sa akin pagbalik nag-ayos naman dito sa gaganapin na kasal. Dahil mahirap mag ayos ng papeles sa Pilipinas. Di nakapunta ang aking mga magulang , para makadalo sa kasal naming dito sa Taiwan. Pagkatapos ng kasal ng naghanap agad ako ng trabaho sa dating companya ako ng natanggap. Dahil dati na ako galing doon kaya sanay na at gamay ko na trabaho.
Lumipas ang taon, nagkaroon kami ng problema. Pero di kami ng patalo, at nalampasan naming ang pagsubok na iyon. Maraming away, tampuhan at problema ang dumaan sa amin na ng patibay ng amin pagsasama.
Ngayon mag lilimang taon na kami kasal sa Setyember 25. Nabiyayaan na din kami ng isang munting anghel , amin anak na lalaki na nagpapasaya sa amin. Lahat ginagawa niya sa amin, mag-ina para masuportahan kami. Kahit anong pagod niya, di niya iniinda. Pinadadama niya talaga ang pagmamahal niya sa amin.
Siya lang talaga, ang una ng patibok ng puso ko. Mula noon hanggang ngayon, di siya nagbago. Kung ano siya noong nakilala ko siya hanggang ngayon. Ang nag-iisang Ikaw.
Aral: Dito ko din napatunayan ang dalawang nag-iibigan, kahit anong lahi kultura , tradisyon o salita. Basta mahal ninyo isa’t isa hahamakin ang lahat masunood lang ang pag-ibig na nadadama.