2014-06-02 / MUMAR SORIANO PACIS / "BEST HAPPY LOVE STORY EVER" / Pilipinas 菲律賓 / WALA
""LIFE IS WHAT WE MAKE IT""...BUT WHAT IS LIFE WITHOUT LOVE??? According to the Holy Scripture, 1CORINTHIANS 13:4-8, LOVE IS PATIENT, LOVE IS KIND, IT DOES NOT ENVY, IT DOES NOT BOAST, IT IS NOT PROUD. IT DOES NOT DISHONOR OTHERS, IT IS NOT SELF-SEEKING, IT ISNOT EASILY ANGERED, IT KEEPS NO RECORD OF WRONGS. LOVE OES NOT DELIGHT IN EVIL BUT REJOICES WITH THE TRUTH. IT ALWAYS PROTECTS, ALWAYS TRUSTS, ALWAYS HOPES, ALWAYS PERSEVERES. LOVE NEVER FAILS. N
BUT WHERE THERE ARE PROPHECIES,THEY WILL CEASE;WHERE THERE ARE TONGUES, THEY WILL BE STILLED; WHERE THERE IS KNOWLEDGE, IT WILL PASS AWAY.
Masarap magmahal lalona kung alam mo at sigurado ka na madami nagmamahal sa'yo.Alam kong nasubukan niyo na ding mainlove kagaya ko at marahil ang iba ay nagkaroon ng HAPPY EVER ENDING pero sigurado ako na ang ilan ay nasaktan at nagkaroon ng mapapait na karanasan na siyang nag-udok sa kla para isumpa ang PAG-IBIG...
Pag-ibig nga naman....Tsk! Tsk! Tsk! Pero hayaan niyo ao magkuwento at ipamahagi sa inyo ang BEST HAPPY LOVE STORY EVER namin ng aking pinakamahal na si ANNETTE TERRENAL PACIS para sa ganun ay kiligin, matuwa, maiyak at baka sakali mayroon kayo matutunan at magbigay halimbawa at aral sa inyong lahat.
Bakit ""BEST HAPPY LOVE STORY EVER'? Sa katunayan, we have a formula using the four mathematical operation symbols: LIFE X LOVE / YOU&ME + EFFORT - ANGER = BEST HAPPY LOVE STORY EVER....At kung sa YOUTUBE,nakilala ang sweethearts na ""JAMICH""... Ako at ang asawa ko naman ay nakilala sa FACEBOOK bilang ""MUNNETTE"" thru ABS-CBN...
Simulan natin the first time we met...nagkakilala kami sa isang pagtitipon ng mga kabataan ng simbahan o mas kilalang CATHOLIC YOUTH MOVEMENT OF ILAGAN, sa loob ng isang jeepney,masyang nagkukuwentuhan ang aming grupoi...naaliw daw siya sa grupo namin dahil kalog at masayahin daw kami.Na-love at first sight siya sa akin at napansin ko din naman yun sa kanya dahil lagi ako tinititigan at feeling ko,isa akong ice cream na natutunaw sa sa ngiti at sulyap niya sa akin.
Pagkatapos nun,madalas na kami magkita at magkausap dahil magkatabing baryo lang kami....Nagsimula ang biruan....sa tuwing dumadaan kami sa bahay nila lagi ko binibiro at sinasabihan ko siya ng I LOVE YOU!!! aLAM KO SA SARILI KO NA WALA PANG love NA NABUBUO SA PUSO KO PERO INAAMIN KO NA MAY PAGHANGA NA AKO SA KANYA ...
Sa panahong iyon, nag-aaral palang siya sa kolehiyo at ako nama'y tapos na sa kursong Bachelor of Science in Accountancy.Dahil kelangan kong magreview sa manila for six months bago ang board examination,kelangan kong magbitiw sa posisyon ko as Youth Coordinator at iwan pansamantala ang mga kasamahan, kaibigan at ang pamilya ko.
Lumuwas ako ng maynila at akala ko hindi na niya ako maaalala pero sumulat siya sa akin kaya sinagot ko din ang mga sulat niya.Hindi pa uso noon ang cellphone kaya ang tanging komunikasyon namin ay sa pamamagitan ng sulat.Lumalim ang aming pagkakaibigan....March 29,1999,walang pasok sa review center dahil holy week...Nagbakasyon ako sa probinsya at pagdating ko sa aming lugar nagkaroon kami ng prayer service sa simbahan at pumunta sila kasama mga kagrupo niya sa amin....Pagkatapos,hinatid namin sila at kami ang nasa hulihan....kabilugan ng buwan, huminto kami at umupo saglit at dun ako nagtapat ng aking pagmamahal and praise God dahil sinabi din niyang mahal niya ako.Napakasaya kong bumalik sa maynila dahil sa wakas ay mayroon na akong tatawaging girlfriend dahil sa totoo lang, siya ang naging first and last girlfriend ko.Nagkaroon din ako ng mga crush at niligawan nung highschool at college years ko pero hindi seryoso dahil nagfocus ako sa aking studies dahil gusto kong ipakita sa mga magulang ko na kaya kong makpatapos sa kolehiyo dahil siyam kaming magkakapatid, ako yung bunso at ako lang ang nakapagtapos sa kolehiyo.
Nasanay at mahilig kong sorpresahin ang aking girlfriend...A t natuwa naman siya sa mga surpresa ko dahil lahat daw yun ay FIRST TIME sa kanya kaya nagpapasalamat daw iyadumating ako sa buhay niya...1th birthday niya,abala na kami sa pagrereview kaya hindi ako nakauwi pero ginawa ko,nagpadala ako sa Bus Liner ng boquet of flowers with chocolates at damit bilang regalo at surpresa sa kanya...
Lumipas angaraw at buwan,natapos din ang boardexam,malungkot isipin dahil hindi ako nakapasa sa board exam pero tanggap ko naman kaya umuwi ako sa probinsiya dahil may naghihintay na magandang opportunity sa akin. naging Parish Secretary/ cashier & Bookkeeper ako sa opisina ng aming parokya and at the same time, Volunteer Catechist.
Hanggang isang araw,dinala ko siya sa bahay para formal na ipakilala sa aking mga magulang na siya ang aking girlfriend pero nagkaroon ng problema,hindi naging maganda ang ang pakikitungo sa kanya ng king mga magulang lalona ang aking tatay na nasa impluwensya ng alak, umiyak siya dahil may nasabi ang aking tatay na ikinasama ng loob niya dahil meron daw silang gusto na ibang babae para sa akin na mas karapat-dapat sa akin. sobrang nasaktan siya pero tinanggap niya ito bilang ""CHALLENGE"" at ginawa niya ang lahat at hindi nawalan ng pag-asa na daratin g ang araw ay matatanggap siya.
Nagtapos siya sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Commerce.After graduation, lumuwas siya ng maynila para doon ay matupad ang mga pangarap, makapagtrabaho...Labag man sa kalooban namin na magkalayo sa isa't-isa,wala kaming nagawa dahil ito ang hamon ng tdhana.
Taong 2002, tumakbo at nanalo ako bilang pinakabatang Sangguniang barangay member...lalo dumami ang aking responsibilidad at minsan wala na akong time sa kanya pero dahil napakabuti at napakalawak ng pang-unawa niya, hindi tio naging hadlang bagkus ipinagmamalaki pa niya ako sa kanyang pamilya
Lumipas ang taon,nagulat ako sa biglanaang pagbkasyon niya lalona nung sinabihan ako na na gusto niya daw na ako maghahatid sa kanya sa airport papuntang Taiwan.nalungkot ako! Halong emosyon na hindi ko maintindihan! Wala akong nagawa kundi ang suportahan siya gaya ng ginagawa niyang pang-unawa at pagsuporta sa mga ginagawa ko.
Dumating ang araw,habang nasa taxi kami papuntang airport,ako'y napaluha dahgil alam kong sa sarili ko na maninibago ako at mamimiss ko siya ng sobra-sobra pero nakita ko sa kanya na desidido siya makpagtrabaho sa bansang Taiwan.Mahigpit na yakap at matamis na halik ang pabaon namin sa isa't-isa.
Sobrang nalungkot ako sa pag-alis niya kaya nagresigned ako sa parokya at sa Department of Interior and Local Government bilang Sangguning Barangay member kahit alam kong madaming malulungkot at manghihinayang sa aking pag-alis dahil napamahal na ako sa mga parishoners at sa mga constituents ko.Hindi ko alam kung tama o mali ang aking desisyon pero in the name of LOVE ,hindi ako nagdalwang isip na sundan siya at makasama dito sa bansang Taiwan.
Excited much kami pareho pero dahil hindi pa ako makalbas dahilan sa bago palang ako at wala pa akong ARC ,pinuntahan ako sa aming dormitory...pagbaba niya sa van, hindi ko siya kaagad nakilala,nakkatuwang isipin pero yun ang totoo....Ang laking pagbabago ang nangyari ss kanya...sa pananamit, ang kutis at lalo siya gumanda...
Nilapitan ako at niyakap ng mahigpit at hindi n naming mapigilan ang mag-iyakan sa mga sandaling iyon.Naging maayos namn trabaho ko at naisip ko na tama pala naging desisyon ko na mangibang bansa dito sa taiwan dahil sa nakakasama ko na girlfriend ko, nakakatulong p ko ng malaki sa pamilya ko dahil sa laki ng sahod dito kumpara sa Pinas.
Pagkalipas ng limang buwan, nagkaroon g problema sa kompanya nila a walang extensyon ng 3years kaya napilitan silang umuwi sa pinas.nalung kot kami sa lumabas na balita.Parang pinaglalaruan kami ng tadhana at sadyang sinusubok lang ang katagan ng aming relasyon...
Umuwi siya ng pinas pero may inwang panagako na babalik kaagad.tatlong buwan na pero hindi pa siya nakakabalik...Maglilimang buwan na pero wala pa rin....Nagalit ! Nainis ako! Nagtampo ako!!! Naisip ko kasi na baka hindi na siya babalik at hndi na niya tutuparin ang pangako niya sa akin.Nakalabuan kami hanggang sa dumating ang punto na ""CALL OFF"" muna kami....Binigyan namin ng space ag isa't-isa para makapag-isip...Dahil nandito sa taiwan ang lahat ng klase ng TUKSO, hindi ko namamalayan na isa na pala ako sa mnga nadadala sa tukso...mag-inom ng alak, magsugal, at tuwing linggo,lagi nasa discohan para magparty!!!party!!!Binigyan din ako dati ng katropa ko ng ka eye ball ko...sinubukan ko pero hindi nag work-out...
Easter Sunday! Niyaya ako ng isang mabait na kaibigan para magsimba...dun ko narealized na ibang landas na pala tinatahak ko kaya sinubukan kong ibalik sa dati ang lahat....Humingi ako ng sorry sa girlfriend ko pero hindi parin ayos hanggang sa may schedule na sila papunta dito sa taiwan....Hindi ako nawalan ng pag-asa....EFFORT kung EFFORT...hiningi ko address kompanya nila sa bestfriend niya na kasabay niyang aalis a ang ginawa ko, nagpadala ako sa kompanya nila ng isang welcome card na may kasamang larawan na iginuhit ko at kalakip nun,isang sim card para may magamit kaagad siya pagdating niya para makontak na din at magkausap kami.nasurpresa siya sa ginawa ko dahil kararating lang ng dorm nila meron kaagad siyang sulat nanatanggap....Nagkausap kami at nararamdaman ko na unti-unti ng bumaballik sa dati at pinuntahan namin ang dormitory nila at kahit mlayo,nahanap namin...Sabi ko sa kanya...CAN WE START ALL OVER AGAIN? Buwan ang lumipas at madami pang sakripisyo ang nagawa ko bago naging maayos ang laht pero ang mahalaga dun...back to normal na relasyon namin...
Isang trahedya ang biglang dumating, ibinalita sa akin na pumanaw naaming ina....Sobrang lungkoit ko sa mga panahong yun dahil hindi man lang niya ako nahintay dahil buwan nalang at matatapos na kontrata ko....Isa ito sa mga mahihirap na sitwasyon ng mga OFW at buti nalkang nandito yung girlfriend ko, siya ng nagbigay ng comfort sa oras ng aking kalungkutan lalona sa pagpanaw ng aming mahal na ina...
Ang masakit pa dun,hindi man lang niya nahintay ang pagpapakasal namin ni Annette dahil nasa plano na namin ang magpaksal sana sa pag-uwi ko...Patapos na kontrata ko at maghkakalayo na naman kami ng girlfriend ko...LONG DISTANCE RELATIONSHIP n nman kami pansamantala....Pero kinukulit niya ako na panoorin ang smallville at ttgnan ko daw kung paano nagproposed si Klark kent kay Lana...Demanding din siya at gusto pa niya may proposal talaga....Binalewala ko yun hanggang sa nakauwi ako sa pinas at susunod naman siya pra mamanhikan kami sa bahay nila para mapag-usapan ang plano naming pagpapakasal....
Habang inaayos ko yung mga documents ko sa agency namin pabalik d2 sa Taiwan, nanood ako ng telebisyon at nakita ko yung announce ment kung sino yung mga gusto magpropose sa kasal dahil may audition sila....Napaisip ako...Nag-audition ako sa ABS CBN at sa kabutihan ng diyos,pinalad ako makapasok at mabigyan ng pagkakataon magpropose sa kakaibang paraan on national Television....October 22,2010, nasurpresa ang girlfriend ko dahil sa proposal ko sa telebesiyon sa PilipinaS Win na Win sa segment na "":THEME SONG NG BUHAY MO""...TINAWAGAN SIYA NG abs cbn staff ,live!!! AT DUN AKO NAGPROPOSED SA KANYA....SIMULA NOON, ANG DAMING HUMANGA AT NAGMEMENSAHE SA facebook...na kinilig, natuwa at naiyak daw sila sa kakaibang proposal ko....at ang isa pang sumorpresa sa kanya ay nung nagbakasyon siya dahil kasama ko ang ABS CBN na sumundo sa kanya sa airport at dumeretso kami sa isang loication na kung saan nagkaroon kami ng konting eksena at dinner date na inihanda ng ABS CBN MANAGEMENT AND STAFF...OCTOBER 30,2010, PINABALIK KAMI SA TELEBESIYON PRA MAGGUEST SA KANILANG SHOW AT SOBRANG SAYA NAMING DALAWA DAHIL ANG IMPOSIBLE AY NAGKATOTOO...DAHIL SINO ANG MAG-AAKALA NA KAMI AY MAPAPANOOD SA TELEBISYON...iTO'Y ISANG KARANASAN NA HINDING-HINDI NAMIN MALILIMUTAN SA TANAN NG AMING BUHAY....at dito rin nagsimula at nabuo ang ""MUNNETTE"" sa FACEBOOK...
Inabot ng 12 years ang aming relasyon bago kami nagpakasal last July 16,2011...Nagkaroon ng katuparan ang lahat ng aming paghihirap at sakripisyo at higit sa lahat ang wagas na pagmamahalan namin kaya kami nagkaroon ng ""BEST HAPPY LOVE STORY EVER""...
maraming salamat po sa inyong suporta....
mabuhay tayong mga buhay na bayani ng ating bansang pilipinas...
"
Ikaw ay isang mahusay na story teller, but take note your choice of words.