2014-05-30 / Jonna Odan / Sa Likod ng Mga Alapaap / Pilipinas 菲律賓 / Coordinator
Tila isang uwak noong akoy lumipad, patungo sa bansa sa karamihay’ hangad.
Iniwan ang inang bayan ,hangarin sa pamilya mabigyang tupad.
Napadpad sa pulo, sa dakong silangan ng tsino.
Bukod sa ating kaalaman ‘’Formosa’’ kung tawagin ito.
At dito nag umpisa ,nabago, umikot ang istorya’t liriko ng buhay ko.
Tanda ko pa noon ,Ika-28 ng 2010 ng buwang Agosto.
Unang yapak ng paa ko sa kaygandang pulong ito.
Bansang umuunlad pinagyaman sa teknolohiya at elektroniko.
Na siyang simula pagtulong sa ating mga kapwa manggagawang Pilipino.
Na kalauna’y bansang tumatak na sa ating isip at puso.
Tila tumatak na sa bawat isa ,pagpapaalipin natin sa mga bansang banyaga.
Nagtiis tayo at nagsikap mga hirap ating pinagwalang bahala.
Sa mithiing at layunin sa buhay pilit nating pinapana.
Mairaos lamang ang pamilya na wariy’ malamilyon ang distansya.
Sa dakong Taiwan ating nasimulan, pakikipagsapalaran sa buhay asam ay masagana.
Sa aking pananatili rito , tila isang artista nakatikim ng ginhawa.
Nakahawak ng kwarta katumbas ay dolyar ,natutu ng wika ingles makapagsalita.
Luho sa katawan ay halos mabili ko na, pag iipon ko halos aking nakaligta.
Malagulong na kapalaran sadyang tayo ay sinusubok nga ng tadhana .
Ngunit sa kalaunan napagtanto ko , sa pag-iipon natin ay sadyang mahalaga.
Ang buhay dito kay gaan dalhin ,halos di mo maiwasan ihalintulad sa bayan natin.
Pamamahala sa kanilang bansa ay sadyang may pagkakaisa.
Di maialintana pag-usbong at pag unlad ng kanilang ekonomiya.
Mga mamayan dito masinop ,masikap at may disiplina.
Minsan tuloy’ kirot sa dibdib aking nadarama, Pilipinas kong mahal malayo ang narating na.
Sa ilang taong tiniis mula dito sa ibayo , saksi ko ang karamihang gawain ng kapwa ko.
May kunwariy’ pag-iyak noong bagong salta dito, pagkaraan ng buwan tila may amnesia na tayo.
Mga pamilyang binigyan natin ng pangako sa mundong ating ginagalawan tila tayo ay napako.
Panandaliang saya at tuwa na hatid sayo ay siyang magtutulak sayo mula sa masalimuot na mundo.
Bagkus ating isipin na iisa ang ating layunin at adhikain, Pilipino tayo at tayo ay may prinsipyo.
Heto dito nagkalat ang mga kaibigan na sa bandang huli ikaw ay kanyang tatalikuran.
Hindi pala basta basta na ang tiwala ay agad iyong bitiwan.
Kinikilala mong kaibigan siyang magtulak sayo sa kagipitan.
Namumulaklak na dila sa harapan, tinitira ka ng masama sa talikuran.
Sa simula palamang ikay magising sa katotohanan, ang tunay na kaibigan
ay nandyan sa oras ng ginhawa at kagipitan na alay ay may paninindigan.
Akala ng iba, mapakaibigan dili kayay kapamilya o kapwa .
Ang paglipad sa hindi kinalakihang lupa ay siyang ginto na dumapo sa aking palad,
Sa likod ng mapagkunwaring tuwa at tawa isang mapagkunwaring lumbay at awa ay aking nadarama.
Sa silangan,timog at iba pa doon nagsimula ang buhay pangungulila,
Dito mo makikita ang ngiti at luhaan na mukha, na hindi mo maipinta sa araw,buwan at taon .