2014-05-29 / Aristotle Anciado / Ang sukli ay para sa aking magulang lamang / Pilipinas 菲律賓 / Wala
Ang sukli ay para sa aking magulang lamang.
"Inay, paabot naman ako ng sabon"
" Tay, gawan mo naman ako ng trumpo"
"Inay, yung baon ko hindi pa handa"
"Tay, laro tayo ng basketbol"
" Inay, turuan mo naman akong mag gansilyo"
" Tay, turuan mo naman akong manligaw"
Ito madalas ang mga kataga ang bukod namumutawi sa ating mga bibig noong tayo'y mga musmos pa lamang. Mga salitang hindi natin ramdam ang hirap, maghintay at maiinip. Subalit ito ang mga salitang kinagigiliwan ng mga magulang para lamang sa kanilang mga anak.
Totoo. Walang ni isang magulang ang kayang tiisin para sa kapakanan ng kanyang anak. Tayong mga anak ay marahil nagawa nating maisumpa ang ating mga magulang kung tayo ay nadapuan ng hagupit ng sintoron ni itay, hapdi ng kurot ni inay. Ito'y ating naranasan subalit kung ito ay hindi natin naramdaman marahil tayo'y lumaking mga suwail at walang direksyon ang buhay.
Ngayong, tayo'y nagka isip, nakapag aral at naka pangibang bansa sana man hindi natin mawaglit ang lahat ng hirap at pagmamahal ng ating mga magulang. Tunay na may iba't ibang klase ng mga anak ngunit ang mga magulang gaano man kasama at halos ipagkanulo sila ng kanilang mga anak iisa parin ang mamukadkad sa kanilang mga kalooban, ang pagmamahal ng isang magulang sa kaniyang anak. Ilang beses man tayong madapa sila lang at wala ng iba ang tutulong sayo para tumayo at maglakad tungo sa buhay na gusto mong tahakin.
Sana hindi natin sila ikinahihiya,sana kahit meron na tayong mga pamilya sana maisip natin na balang araw ang mga panahong ginugol nila sa atin ay babalik at uulitin ng panahon kung paano ang sitwasyon ng pagiging magulang sa nabuo mong pamilya.
Sana mas madalas na may panahon tayo sa kanila kahit tayo ay malayo at wala sa kanilang piling, dahil ramdam natin ang kaligayahan nila sa tuwing boses natin ang kanilang napakikinggan. Mga kwentong kahit ano, mga katanungang kahit alam mo ang sagot, mararamdaman mong sila'y walang sawang magpapaliwanag sayo.
Sana maiisip natin na madali na lang sa kanila ang mamuhay sa mundong ibabaw. Kung tayo man ay namuhay ng halos hirap at salat sa buhay noon, sana may pagkakataong mas maisip natin ang mapaginhawa ang kanilang mga sarili. Alam natin na ang ating mga magulang ay pagod na pagod na, subalit hindi natin sila katulad at marinig na may hinaing bagkus patuloy pa rin sila sa pagkakayod maitaguyod ng mabuti ang kapakanan ng kanilang pamilya.
Ipinapahatid ko sa ating lahat na ang mga magulang ay puno't dulo natin dito sa mundong ibabaw. Sila ang naging instrumento kung paano ka hinubog ng panahon, at bilang panukli,ang wagas na pagmamahal at atensyon ang alam kong pinaka mainam na gamot para mapawi ang kanilang paghihirap.
Bilang mga anak na nawalay at nagtratrabaho sa ibayong dagat, mga katulad kong kumakayod para sa sarili, sana mayroon pa ring mas malaking porsyento ang mailalaan natin para sa kanila bilang ganti at tulong para sa ating mga magulang. Dahil naniniwala ako sa kasabihang, "kung ang puno ay napalago ng mabuti, hitik na bunga ang maaani".
Sana tayo ay nagdidiwang na sila ang mga magulang natin sa ating buong buhay. Sana walang anumang panunumbat kung bakit sila ang ibinigay ng diyos bilang ating mga magulang, ang maykapal ang naglaan para ipagkaloob sila sa atin ng walang anumang pakundangan.
"Anak, pakiulit ang sinabi mo, hindi ko marinig"
"Anak, hindi ko mabasa ang nakasulat, pwede mo bang basahin para sa akin?"
"Anak, pasensya ka na sakitin na ako"
"Anak, alam mo bang mahal na mahal kita".
Ang mga nakaraan, ay inuulit ng panahon. Sana hindi tayo magbabago sa pakikitungo sa kanila. Sana mas maraming pasensya ang ilalaan natin para sa kanila. Sakripisyo at pang unawa sana ang mangingibabaw sa atin kapag dumating ang mga panahon ganito na ang estado ng kanilang buhay.
Ang pagkakaroon ng magulang ang pinakamasayang regalo ng diyos para sa ating mga anak. Walang materyal na bagay ang makakapagpasaya sa kanila kundi lamang ang ngiti at giliw ng kanilang mga anak na kanilang hinahagkan at inaamoy noong mga bata pa tayo.
Sana naniniwala kayong ang ang magulang lamang ang siyang tunay at hindi mapanakit kung magmahal.
Sana magsilbing inspirasyon ang artikulong sulatin na ito para sa ating lahat.