2014-05-30 / Abi / Scent of the Broken Vows / Pilipinas 菲律賓 / wala
“SCENT OF THE BROKEN VOWS”
CONGRATULATIONS !!! wika at sigaw ng lahat sa tuwa sa resulta ng board exam. You are a certified Radiologic Technologist! Yes! Yes! I did it! Ako yan back 1990!
Para akong isang lawin na mataas ang lipad! Bata at masigla ! Punong-puno ng buhay! Di takot sumubok sa lahat ng bagay dahil sa paniniwalang ito ay mag-aangat ng aking pagkatao. Marahil ang paniniwala ko at prinsipyo sa buhay ay kakaiba kumpara sa iba dahil tinitingnan ko ang mga bagay-bagay sa ibang aspeto na dating nito.
The adventures of life weren’t always fun but we can make the most out of it. I never thought that the adventure and a life I am facing about from the time I landed Taiwan 20 years ago will be a battle between life & death and would be a SCENT to many. “Destiny stated its purpose wherever you are in this world”
Dumating at nagtatrabaho ako dito kalakip ang mga pangarap sa sarili ko at sa mga mahal ko sa buhay. Hanggang sa.., makilala ko Sya! . Taong 1997, nagpasya kami na magpakasal pagkatapos ng mahigit dalawang taon na pagkikilala. Isang napakasaya at memorable na kasalan ang naganap sa Pilipinas. Ang VOWs namin ang pinaka-solemn na oras sa buhay namin mula noong kami ay magkakilala. Taos sa puso ang galak at saya, kasama an gaming mga pamilya. Naalala ko pa, nagging sentro sya ng saya dahil di sya marunong mag –english at puro sign-language ang ginagamit nya kahit ako ay dalubhasa ng mag-chinese. Sya ang lalaking pinag-ukulan ko ng aking buong pagmamahal at oras. Di sya ganap na edukado, pero madali syang mahalin at kagalang-galang. Mayaman ang pamilya nila, pero sya yong taong sanay sa hirap at buhay masa. Kalakip ang tyaga at sikap na ma-adopt ko ng buong-buo ang buhay at kultura nya. Sya ang taong namumuhay to the max sa kasalukuyan, at di sya nagsasayang ng oras para isipin ang bukas. Tungkol sa aking mga in-laws, nakita ko kung paano nila pahalagahan ang oras, halos 24 oras at 7 na araw silang nagtatrabaho at nagpapayaman. Bilang ang halaga ng bawat minuto. Dangan nga lamang, sa emosyon at pisikal na kaanyuan ay nakakpagod din. Sa lahat ng oras, negosyo at salapi and mundo nila. May mga bagay na sang-ayun ako sa mga kaugalian nila. Marami akong natututunan habang tumatagal.
Sa Taiwan, may kanya-kanya kaming negosyo na binabahala galing sa pamilya. Obligado ang bawat meyembro na tumulong kapalit and buwanang sweldo. Pagkatapos ng aming kasal, kami ay nanirahan ng magkasama sa loob lamang ng pitong buwan sa kadahilanang kailangan naming pag-ukulan ng sapat na oras ang negosyo at isa pa sa kahilingan ng aking byenan na babae na tulungan sya. Lumipas ang panahon na ganito ang sitwasyon namin na magkalayo at bihirang magkita kahit may mga itinakda kaming oras ng pahinga. Sa Taiwan, kaugalian nila na makialam ang pamilya sa buhay mag-asawa lalo’t isang katulad ko na dayuhan ang asawa ng anak nila. Tiniis ko ang lahat sa kagustuhan ko ng katahimikan. Marami akong karanasan sa loob ng tahanang iyon na may masaya, malungkot at mga pangyayaring di ko malilimutan na unti-unting tumatambad sa katotohanan. Hanggang sa dumating ang panahon na ikinababahala ko. Dumating sa aking kaalaman ang pambabae ng aking asawa at napatunayan ko ang katotohanan nito. Lingid ito sa kaalaman ng kanyang pamilya pero wala silang magawa kundi ang alalayan ako. Sa kagustuhan ko na huwag masira ang pagsasama namin, unawa at pagpapatawad ang tanging alam kong gawin. Dumating ang oras na akoy nagdalang tao. Sa kagustuhan ko na proteksyunan ang bata at ang aking sarili, napagkasunduan namin na ako’y magbalik bayan hanggang sa ako’y maka panganak. Habang ako’y nasa pilipinas, walang orasin binibisita nya kami sa kabila ng mga nangyayari sa kanya na wala akong kaalam-alam.
Apat na buwan pagkatapos kong makapanganak, bumalik ako ng Taiwan! Nagulat at di ako makapaniwala sa aking nadatnan! Lahat ay nawala ng parang bula sa akin! Wala akong bahay na matutuluyan, lahat ng account ko di ko ma-access, di ako tanggapin ng kanyang pamilya, wala akong kaibigan o kakilala. Umikot ang mundo ko sa pamilya niya at sa kanya. Walang makapagsabi kung nasaan sya. Lumipas ang ilang araw, nalaman ko, na-bankcrupt ang kompanya na pinamamahalaan nya at tinangay ang lahat ng pera ng sekretarya na kinakasama nya habang sila ay nagtatago sa bansang china. Sa kabila ng lahat, pinilit kong gumawa ng paraan, namasukan ako sa isang tindahan bilang all around, kapalit ang pagkain at lugar na pwede kong matulugan. Di ako makapaniwala, dating nasa kama na lahat meron, mga bagay na nakasanayan ko, ngayon biglang napunta sa sahig na walang-wala! Walang araw na di ako umiiyak, tuloy ang panalangin , ang pag-asang mababago rin ang lahat. Naging lakas ko ang anak ko na naiwan sa Pilipinas. Nakaraos ako sa kabila ng maraming araw na pagtitiis. Unti-unti akong nasanay mamuhay ng wala sya, hanggang sa nagkaroon ako maayos na trabaho at maayos na tirahan.
Hindi nagtagal, akala ko nananaginip lang ako! Dumating sya, humihingi ng tawad! Nagsusumamo! Matagal ang pag-uusap namin. Maraming mga pangyayaring di ko alam na noon ko lang nalaman. Galit at tuwa ang nararamdaman ko noon. Galit ako sa mga pangyayari na dahil sa isang babae nabago ang lahat sa amin. Tuwa ako dahil nakita ko sya ulit. Sa kabila ng pangyayari, pinatawad ko sya at sumang-ayon ako sa kagustuhan nya na magsama ulit kami at magsimula ulit. Iniwan ko ang lahat-lahat sa kagustuhang mabuo ang pamilyang iniingatan ko. Lumipat at nanirahan kami sa kabilang bayan. Nagsimula ng bagong negosyo at naging maganda ang takbo ng ilang buwan hanggang sa may kakaiba akong nararamdaman at napapansin sa kanya. Unti-unti syang nagbabago ng pakikitungo sakin. Hanggang tuluyan kong na-diskobre na may relasyon pa pala sila at plano nilang dalawa ang lahat. Ginamit nila ako bilang tagabantay ng negosyo at pang-front sa mga taong naghahanap sa kanila. Dito ko naramdaman ang matinding depression, halos pakiramdam ko 90% mababliw ako, di ako makahinga! Nagtangka akong magpaka-matay sa kabila ng tagusang sakit na ginagawa nila! Wla akong magawa, wala akong mapuntahan, kontrolado ang bawat kilos ko. Hanggang san na-ospital ako. Duon nakita ako ng mga misyonaryo ng simbahan at inalagaan nila ako. Kasalukuyang nasa recovery room pa ako, may anesthesia pa at di pa ako tuluyang makakilos galing sa operasyon, dumating sya at ang babae nya at pilit na sinasabi sa akin na mag-divorce na kami. Pakiramdam ko sinagasaan ako ng isang 10 wheeler truck na lasing ang driver! Wala akong narinig sa mga oras na yon! Tanging ang naalala ko ay nakita ko ang sarili ko mula sa malalim na pagkatulog, umiiyak at naaawa sa mga ginawa nila sa akin. Naging biktima ako emotional abused ! Mula sa kama ng ospital na yon, pinilit kong pumikit, labanan ang sakit ng puso at sugat mula sa operasyon, gusto kong buoin ulit ang konting natitira sa aking sarili. Inisip ko ang pamilya ko sa pilipinas, kailangan nila ako higit sa kailangan ko sila lalo na ang anak ko. Sila ang naging sentro ng inspirasyon ko sa aking pagbangon.
Pagkalipas ng isang buwan, matapos kong isipin ang lahat ng mga nangyari sakin, sa VOWs naming mag-asawa, Revenge ang nabuo sa isip ko. Gusto kong ibalik ang sarili ko! Gusto kong ibalik isa-isa ang kinuha nila sa aking pagkatao!
Sa maigsing salita, nakapag-ipon ako at pagkatapos ng maingat na pagpaplano, sa tulong ng batas, mula detectives, attorneys, mga police officers at mga bagong taong pinagkakatiwalaan ko, dahil sa buo ang loob ko at determinasyon, dumating ang tamang oras nahuli naming sila sa akto. Maraming pangyayari naganap sa tagpong ito. At yon ang naging dahilan ng kanilang pagkakulong. Dito nag umpisa magsalita ang pera nila. Inalok ako ng milyong milyong halaga iurong ko lang ang kaso, pero para sa akin, walang katapat na pera ang sakit at pagkatao ko na inabuso nila. Our court battle took about a year going in and out all the time. Sa kabilang banda, takot ako, pagod ako, ayaw ko ng gulo, pero ang tanging dalangin ko sa Panginoon, na kung ako ang magiging dahilan at magiging kandila nila para sila ay magbago at maisip nila ang pagkakamali at mga kasalanan nila, mangyari lang po at akoy handa! Tanging ang pananampalataya ko sa Panginoon ang aking pinanghahawakan. Sa hindi ko inisip na pagkakataon, nangyari ang lahat na aking inaasahan.
One sunny morning, in behalf of their families & church of their faith both of them separately came to see me, asking for my forgiveness! All along, our court battle brought them realized that money can’t buy everything. Without God, it’s nothing! It made them transformed to new person. The truth came out! That moment, God had prepared me. Kung ang pagpapatawad ang magbibigay ng laya sa lahat, hindi ako manhid para hindi ko ito magawa. So, I did what is necessary! I want to be free! I want them to be free! That point, our court case, ended with new hope and a new life for all of us!
Years have past, we moved on into our own lives! Nagawa ko rin ang pinakamatagal kong hiniling sa Panginoon na ihanda ako the moment na tanggalin ko sa buhay ko ang isa sa taong pinaka importante sa buhay ko. And there I am! Ready! It’s been years since he sent me home from registrar office ending our Vows! We never crossed our path again. But deep within, the lessons & the marked I have made for everybody will never be forgotten. The situation have made a remarkable touched for those that involved.
Over the years of enduring my life alone here in Taiwan, I was totally tested by the time being. There was a certain year while still leaving the past, I was challenged by a family tragedy. My father, my brother & my sister in law had passed away within a year time. Three months interval! I can’t imagine seeing myself at the airplane totally burdened and trying to hold back all the pains and tears while managing to comfort other passenger who were at the same situation as mine. Lucky that I am strong somehow for others. I thought I had enough! But No! No! About a year ago, I was diagnosed with “endometrial cancer” that’s leads my mobility at risks. Been to a major surgical operation & been in a full lifestyle adjustment. I thought this is it…I am going to die! But heck NO! I survived again!
Looking back to every experienced I had while living here alone is such a tremendous journey. No regrets at all! I’d been to a deepest life challenge that I thought I would die and vanished forever. But I was wrong! Instead, it leads me to a lot of opportunity to work in various company having to work with locals & foreign nationals. I found myself, giving hope for those who seems hopeless & strength for those who seems weak. Somehow, I became a source of strength & comforts, giving inspirations to many individuals I’ve met along the way.
Life is beautiful! I hope my experienced serve a window to look upon. May it be a SCENT to everybody. For some of you who never step into my shoes, will never understand but let it be. For others this may be valuable to you. Take my advised, have a balance life- physically, emotionally & spiritually. Always think about the goodness of every given situation. Learn to pause for a while, fight and delete if necessary. Know your rights and follow the rules.
Life has taught me to think differently beyond any circumstances!
I will keep continue my journey happily to this foreign land because Taiwan served as my 2nd home and I’m going to stick around !
Sincerely,
Ms Cage ( resident )