2014-05-29 / angelica e.silva / sasakyan ng pangarap / Pilipinas 菲律賓 / hannstar board corp.(PSA)
Tahimik na ang paligid. Tanging langitngit na lamang ng mga punongkahoy, sipol ng malakas na hangin at lagaslas ng tubig ulan ang iyong maririnig. Ngunit nanatili pa ding mulat ang mga mata at gising ang diwa, naglalakbay at patuloy na naglalakbay, saan?, sa isang mundo ng kawalan. Nanati;li aklong ganito hanggang sa tumunog na ang orasan. Oras n para maghanda, nagun na nga pala ang araw ng akimg pag-alis, ngunit tila ba nakagapos ang aking buong katawan, ni walang lakas para bumangon. Mabigat sa loob ang naging desisyon, subalit kailangang gawin, kailangan pang mangibang bayan ng sa gayon ay makaahon ahon sa putik ng kahirapan na akin ng nakamulatan. Palapit na ng palapit ang takdang oras ng paglisan sa bansang kinalakhan para magtungo sa ibang dimesyon ng mundo kung saan ang lahat sa akin ay bago.
Gusto kong tumigil ang oras. Doon ay dahan dahan ng nag-unahan sa pagpapatak ang mumunting butil ng tubig mula sa aking mga mata.Tumalikod na ako at dirediretsong naglakad papalayo sa kanila. Hindi ko na nagawang lumingon pa sapagkat kung ginawa ko iyon doon pa lamang ay mapuputol na ang pangarap na babagong sinisimulan.
BINGI!,walang naririnig. BULAG! Na tila ba walang nbakikita. BATO!, namanhid na ang kalooban. Ang tanging alam ko na lamang ay lilipad na ako. Sakay na ako ng eroplano. Ang higanteng sasakyan sa himpapawid na dati ko lamang natatanaw, na dati ang parte lang ng aking pangarap, ngayon ay lulan na ako nito, ang sasakyang magdadala sa akin sa lugar na magbibigay katuparan at buhay sa aking mga panaginip. Pinilit kong pigilan ang sakit na nararamdaman subalit kusa itong kumakawala, na kapg hindi nailabas ay parang bomba na bigla na lang sasabog. Mula sa aking pagkakaupo ay tinanaw ko ang labas, napakataas na pala ng aming lipad at doon ay nagbalik sa aking gunita ang pait na dulot ng kahapon na ayaw ko ng balikan at alalahanin pa pero hindi ko alam kung saan ba naglihi sa kakulitan at nagpupumilit na sumiksik sa aburido at tuliro kong isipan.
“Isang kahig, isang tuka, ganyan kaming mga dukha...” ilan lamang ito sa mga liriko ng isang sikat na awitin noong panahong hindi ko na matandaan. Naging pambansang awit ng karamihan sa mga mahihirap na pamilya sa Pilipinas at isa na ang aking pamilya doon. Ang sabi nila “BILOG ANG MUNDO”, minsan nasa ilalim, minsan nasa ibabaw, ngunit bakit tila tumigil ang pag-ikot nito at nantili na lamang kami sa ilalim. Mailap ang swerte. Sa murang edad ay natutunan ko kung paano kumita ng pera sa sariling sikap. Bago mag-alastres sy nsagsisimula na akong maglakad patungo sa hindi kalayuang subdibisyon, dala dala ang isang bilao ng panindang panmeryenda. Sa isang bakanteng lote ang aking pwesto. “andyan na ang batang si annge”, sigaw ng ilan sa aking mga suki. Bitbit ang kanikanilang upuan, isa isa na silang maglalapitan. Magsisimula na kasi ang aking munting palabas. Sa konting indak, kasabay ng saliw ng aking musika, dagling naubos ang aking paninda, bukod sa masarap na ay naaliw pa sila sa aking munting pagtatanghal. Mabilis akong uuwi sa aming bahay upang iaabot ang aking kinita sa aking ina, sa wakas may baon na kami bukas pagpasok sa eskwela. Ganito uminog ang aking pagkabata. Pagtuntong ng sekondarya, ang dala dala ko naman ay malaking kaserola na may mainit na pansit. Galit na galit sa akin noon ang mga tindera sa kantina dahil inaagawan ko daw sila ng mamimili. Hindi nga ako pinagbawalan ng aking mga guiro, bagkus ay ako ang may hawak ng korona at trono ng “pinabatang negosyante ng taon”. Apat na taon kong nakuha ang karangalang iyon. Pagsapit ng kolehiyo, doon na nagsimula ang bangungot ng aking buhay,pagod na ang isip, pagal na ang katawan sa kagustuhang makatakas sa hirap ng buhay ay ipinagkatiwala ko ang aking sarili sa isang lalaking inakala kong makakasama ko habang buhay. Agad na nagbunga ang aming kapusukan, subalit daglian ding nawasak ang pamilyang unti unit ko pa lamang binubuo sapagkat hindi nya nakayanang labanan ang mapanuksong paligid. Matagal ding panahon na namutawi ang galit sa aking puso, gusto kong makaganti, subalit sa tuwing makikita ko ang munting anghel na naiwan nya sa akin,dagling nahahawi ang makapal at amitim na ulap at npapalitan ng maliwang at maaliwalas na pakiramdam.
Bumilis na ang tibok ng puso, dumadagundong na ang buong paligid, palatandaan na malapit ng bumaba ang eroplano. Naputol tuloy ako sa aking pagmumuni muni. Anong bilis ng oras.Mas matagal pa ang oras ng byahe mula sa aming probinsya patungong maynila. Sa una kong pagtapak sa lugar na sinasabi nilang “puso ng asya”, naramdaman kong muli ang hindi ko makakalimutang pakiramdam noong una akong tumapak sa paaralan, mahigpit ang kapit ko sa daster ng aking inay at ayaw kong magpaiwan. Ngunit sa pagkakataong ito, wala ng daster ng nanay akong hahawakan, pagkat ngayon, kailangan kong mabuhay ng mag-isa.
Ibang iba sa bansang aking kinamulatan, ibang tradisyon at paniniwala, ibang relihiyon, ibang kultura,ibang pananalita, ibang pagkain, ibang klima. Parang babagong bibigkas ng ABAKADA at magsasanay magbilang ng ISA hanggang SAMPU. Mahirap dahil may pagkabingi ako. Naninilos ang nguso kapag sinusubukang bumigkas ng mga salita, sa kalagitnaan ng tahimik at seryosong mga mukha at agad na mababalot ng mataginting na halakhakan ang buong paligid, nagmistula akong payaso sa isang perya. Hindi naman pala mahirap pakisamahan ang ibang lahi. Nakakatuwang isipin na naghahanap ako ng dyip na masasakyan noong unang beses akong lumabas para mamasyal. Hindi pala uso yun dito, tanging naglalakihang bus lamang,van at taxi ang pwede mong masakyan. Karamihan kasi dito ay may mga ssariling sasakyan. Regular na empleyado nga lang sa pabrika ay mga nakakotse. Tunay na nakakamangha. Sa pilipinas tanging mayayaman lamang ang mayroong sasakyan. Mabilis na bumaba ang timbang dahil hindi sanay sa pagkain nandito. Walang gabing hindi umiiyak dahil nangungulila sa pamilya. Laking pasasalamat ko sa taong gumawa ng “facebook at skype”.dahil kahit papano ay nababawasan ang lungkot kapag nakikita at nakakausap ko sila..talagang magkaibang mundo..ilang milya ang layo ngunit ang puso ay nanatiling magkarugtong.
Magaapat na buwan na simula nng dumating ako dito. May mangilan ngilan ng salitang nabibigkas, unti unti ng tinatanggap ng panglasa ang pagkain at higit sa lahat payapa na ang tulog dahil alam kong sa aking paggising may pag-asang mararating. Tatlumput tatlo pang buwan na iikot ang aking mundo sa pabrika at sa dormitoryong aking tinutuluyan.
Ginawa kong sandata upang labanan ang lungkot ang lahat ng sakit na dulot ng kahapon. Dito sa puso ko ng asya unti unting bubuuin ang nasira kong pagkatao, ang nasira kong pangarap. Pagkalipas ng tatlong taon babalik akong buo at may komyansa sa sarili, balot ng ngiti ang mga labi, payapa na ang puso at higit sa lahat bitbit ang bunga ng lahat ng aking pinaghirapan, muli akong sasakay sayo eroplano pabalik sa aking pamilya, sa tunay kong pangarap, magkaibang bansa man, magkaibang lahi man kung iyong maluwag na tatanggapin at yayakapin at matutunan mo ring mahalin.
“Ang buhay ay parang sayaw, kahit wala ng tugtog tuloy pa rin sa paggalaw, huwag kang bibitaw”
“SASAKYAN NG PANGARAP”
ANGELICA E. SILVA
DRILLING DEPARTMENT