2014-05-26 / NESTOR POBE TICMON / UNANG MIGRANTS / Pilipinas 菲律賓 / WALA
SIMPLENG MUNDO
BY: NESTOR P. TICMON
Gaano nga ba kasarap mamuhay sa karangyaan,
Kung ang kapalit ay hinagpis ng bawat nilalang,
Magulang na nananabik sa anak nyang tangan,
At batang nangungulila sa yakap at pagmamahal.
Daing ng isang paslit minsan aking nadinig,
Napagkit sa aking utak kanyang mga hinanakit,
Tumagos sa puso kanyang munting tinig,
Sa kanyang mga hikbi'y damdamin ko'y umantig.
Nasaan si inay,sa ibang bayan naninilbihan,
Maging si ama'y abala sa kabilang dako naman,
Simpleng alaala wala nang matandaan,
Kung kelan nakasama mahal na magulang.
Aking pangarap ay isa lang naman,
Ang musmos na kaisipan ay may katanungan,
Simpleng mundo ng batang tulad ko ay nasaan,
Pamilyang inaasam akin sanang makamtan.
Simpleng mundo,simpleng pangarap,
Nang bawat batang sa pagmamahal ay salat,
Magulang na hinahangad patuloy na hinahanap,
Yakap at aruga, kaylan nga ba malalasap.
Tunay ngang kaybigat sa damdamin ang sa kanila'y mawalay,
Ngunit lahat ng pagtitiis sa kanila'y tanging alay,
Doble ang kirot kapag pangangailangan hindi maibigay,
Kanila lamang pangarap,maganda mong pamumuhay.
Para sa mga batang tulad nila kay simple nga naman,
Mundo at pangarap lubhang kay gaan,
Masakit man sa kanila daigdig nyo'y di maramdaman,
Ngunit kanilang natitiyak,sa takdang panahon inyo itong maiintindihan.