2014-05-23 / jayson A. mina / TULA / Pilipinas 菲律賓 / SMI /SAMAHANG MAKATA INTERNATIONAL/TAIWAN R.O.C
PAG-IBIG SAGOT SA PAGBABAGO"
NI JAYSON A. MINA
GALIT WAG KANG MAGHARI SA PUSO NINUMAN
DI NANAISIN IKA'Y MASUMPUNGAN
LALAMUNIN ANG MABUTING KALOOBAN
SISIRAIN ANG MAGANDANG SINIMULAN
PANGAKO'Y BIGLA NALANG MALILIMUTAN KUNG ANG GALIT SA MUNDO'Y MANANAHAN.
INGGIT, DI KA NA BA MAKUKUNTENTO?
NAIS MONG LAHAT NG BAGAY MAPA SAIYO
DI MO MARAMDAMAN ANG KASIYAHANG TOTOO
SA PAG-UNLAD NG IBA'Y LAGI KANG NABABATO
KAILAN MO BA MAIISIP NA MAGBAGO?
YABANG ,KAILANMA'Y DI KA NAGPAPAHULI,
SA PAGKATALO'Y AYAW MONG MAGPAGAPI,
DI KA PAAWAT NA PURIHIN ANG SARILI,
LAGING TAAS NOO AT NAGMAMALAKI,
TINGIN MO'Y DI KA NAGKAKAMALI.
TAKOT ,HUSAY AT GALING DI SAYO MAKITA
BUKAMBIBIG MO ANG SALITANG DI KO KAYA
KAHIT PAGKAKATAON AY NASA HARAPAN NA...
TATALIKOD KA PARIN ,PAG-ASENSO'Y DI PANSIN
PAGKAT ANG TAKOT SA PUSO'Y LAGING ANGKIN.
IMBIS NA GALIT, PAG-IBIG ANG MUNDO'Y PAGHARIIN
KAYSA INGGIT , KABUTIHAN SA PUSO ANG PAGYAMANIN
MAGPAKUMBABA NA LAMANG AT HUWAG MAGYABANG
TAKOT AY IWAKSI SA ISIPAN
KAPAYAPAAN AY MANAHAN, TIGILAN NA ANG ALITAN.