2014-05-29 / ALFREDO S. GONZALES JR.阿利多 / Piraso Ng Pangarap / Pilipinas菲律賓 / GOLDHOME INTERNATIONAL MANPOWER & MANAGEMENT CO., LTD.
BAKIT NGA BA MAY MGA PANGARAP…? KAILANGAN BA NATIN TO…? PARA KANINO…? AT NASAAN….?
NAMULAT AKO SA ISANG PAYAK NA PAMUMUHAY AT UMAASA LAMANG SA MGA BUTIL NA INAANI KADA IKATLONG BUWAN BUHAT NANG ITANIM…OO MGA BUTIL NA KAHALINTULAD NG DAMI NG MGA PANGARAP NA NAIS MAKAMIT NINUMAN, DI NA AKO PINALAD NA MAKA-TUNGTUNG NG KOLEHIYO, KAYA SA MURA KONG EDAD AY NAPILITAN AKONG LUMUWAS TUNGO SA ISANG SYUDAD NA KONG SAAN AY LIBO LIBONG KATAO ANG KATUNGGALI MO SA PAGLIKOM NG PIRASO NG MGA PANGARAP, DALA DALA ANG PANANALIG.., TALINO..., TALENTO..., ABILIDAD..., AT DEDIKASYON BILANG KALASAG SA MGA BALAKID SA PUSIKIT NA DAAN NA AKING TATAHAKIN, UPANG MAKAMIT ANG INAASAM ASAM NA PIRASO. AT DI NAGLAO’Y MAY ISANG PAGSUBOK ANG HUMAMON SA AKING KAKAYAHAN, YAN AY ANG MANGIBAYO SA IBANG BANSA.,OO DITO SA TAIWAN, ISANG MALIIT NA BANSA NA SA KANYANG HUGIS AY ANIMO'Y TILA ISANG DAHON, MULA SA HIMPAPAWID AY MABABANAAG MUNA ANG KAGANDAHAN AT KALINISAN,.. ANG NAGLULUWAGANG MGA DAAN, AT NAGTATAASANG MGA GUSALI NA SYANG NAGSI-SIMBULO NG KARANGYAAN AT KATATAGAN NG ISANG BANSA, AT DITO'Y NAKITA KO ANG PANTAY PANTAY NA BATAS, WALANG MAHIRAP, WALANG MAYAMAN., MAY TINAPOS KA MAN O WALA.,LAHAT AY BINIBIGYAN NG PAGKAKATAON AT KARAPATAN UPANG MAABOT ANG KANI-KANIYANG PANGARAP,NAKAKATUWANG ISIPIN NA KAHIT DI KA LEHITIMONG TAGARITO O KAHIT SAANG BANSA KA NANGGALING AY BUONG PUSO NILANG BINIBIGAY SA ATIN ANG KANILANG TIWALA, AT ANG TIWALANG YON ANG DAPAT KONG PANGALAGAAN, AT KAHIT NINUMAN, DAHIL NANINIWALA SILA SA AKING KAKAYAHAN., OO..SA ATING KAKAYAHAN, AT ALAM KO NA HABANG AKOY NABUBUHAY AT BAHAGI NG BANSANG ITO AY ABOT KAMAY KO ANG MGA PIRASO NG MGA PANGARAP. AT DAHIL ISANG GABI'Y NAPAGMASDAN KO MULA SA SASAKYANG PANG-HIMPAPAWID ANG MALIIT NA BANSANG ITO, AY MAIHAHALINTULAD KO SYA SA ISANG DAHON SA PUNO KAPAG GABI, OO...ISANG MALAKING DAHON NA ANIMO'Y DINAPUAN NG LAKSA LAKSANG ALITAPTAP AT BAWAT ISA'Y MAY BITBIT BITBIT NA PIRASO NG MGA PANGARAP. AT ITO PAPALAPIT NA NG PAPALAPIT ANG PAGBABALIK KO SA LUPANG AKING SINILANGAN, MULI AY TANGAN TANGAN KO ANG MGA PIRASO NG MGA PANGARAP PARA SA AKING MGA PAMILYA AT HAWAK KAMAY NAMIN ITONG PAYAYABUNGIN, DAHIL NANGANGARAP AKO NG PARA SA KANILA…AT DAHIL SA KANILA, AT PAG AKO'Y NASA PILING NA NG AKING PAMILYA AY IBABAHAGI KO SA KANILA ANG MGA KATAGANG UNA KONG NATUTUNAN, UPANG SA PAGDATING NG PANAHON NA AKO’Y DI NA MAKABALIK AT KAININ NA NG KAHINAAN ANG AKING KATAWAN AY MASABI NILA SA BAWAT TAIWANESE NA KANILANG MAKAKASALAMUHA, ANG MGA KATAGANG… NI HAO…XIE XIE NI MEN