2014-05-24 / Rosalina A. Dacanay / "Paglisan" / Pilipinas 菲律賓 / Samahang Makata International
"“PAGLISAN”
(The OFW Story)
Nakakalungkot lang isipin ang mga araw na nagdaan.Iniwan ko ang mga anak ko na maliliit pa lamang, lalo na yung bunso kong nasa kinder pa lamang noon. Unang alis ko sa bansa, naalala ko ang paalam ko sa kanya ay mamamalengke lang ako ngunit nakalipas ang apat na araw hindi pa rin ako nakakabalik. Sabi na nga lang ng anak ko , ang tagal naman ni mama sa palengke hanggang sa napilitan na rin ipagtapat ang totoo ng aking biyenan na syang aking pinag-iwanan ng mga anak ko.Pagsapit ng graduation wala pa rin si mama buti na lng andon si lola na magsasabit ng kanyang medalya, sa paglipas ng ilang araw naiiyak ako sa kwento ni lola sabi nya umiiyak ang aking bunso sa isang tabi habang nakapila paakyat sa stage,kaya pala sya umiiyak dahil sa backgound sound na kanta ni carol banawan na pinamagatang Iingatan Ka.”Iingatan ka,aalagaan ka aking inay ikaw ang ngbigay ng buhay ko“ yun pa lang lyrics na yun,halos madurog ang puso ko noon habang nakikinig sa kabilang linya dahil di pa uso noon ang skype kaya puro load ako noon sa tuwing katapusan nagbabayad ako ng load na aabot sa 4k nt a month. Elementary graduation, wala pa rin si mama. High school graduation. Nasa ibang bansa pa rin si mama.Sana sa College graduation mo sa awa ng diyos na may kapal sana andyan na ako.
Kinakaya ko ang lahat ng ito dahil na rin sa pag-asang mapatapos ko kayo lahat ng hirap at pasakit aking kakayanin sa tulong na rin ng aking naging amo dito sa Taiwan na magagaling at isa na rin sa magandang pagtrato nila sa akin ay di nila ako tinuring na iba, bagkos kaisa ako sa kanilang pamilya. Subalit naranasan ko rin lahat ng mga nagdaan sa kanilang pagsubok. Isa sa mga naranasan ko ay ang puro linis lang ng bahay at ito ang aking ginawang pampalipas oras sa tatlong buwan. Kumakain habang tumutulo ang luha at nagiisa sa lamesa, dahil nahihiya ako noon makisabay sa mga amo ko, inaabala ko lng ang aking sarili nagkukuskos sa kusina noon habang sila’y salu-salong kumakain at nagkukuwentuhan. Ilang buwan ang nakalipas habang ako’y naglilinis sa kusina bigla nila akong tinawag na sumabay na sa kanila, sabi ko salamat diyos ko at may makakasabay na rin ako sa lamesa kahit na medyo nakakailang pa.
May mas malala pa pala doon na hinding hindi ko makakalimutan na minsan na rin akong napagbintangan sa bagay na diko ginawa.Yung gold na keychain nawala na nasa lamesa lang noong huli kong nasulyapan, kinaumagahan nagtatanong na ang aking amo kung nasaan na ito, pagbaba ko nakita kong gulo-gulo ang aking mga kagamitan dahil di nila ito naayos ng maigi dahil na rin sa kanilang pagmamadali nagisip ako kung ako ba ay kikibo o tatahimik na lang, pero nanaig sa akin na itanong kung sila’y naghalungkat ng gamit ko. Sabi ko sa apo ng amo ko na siyang naghalungkat ay tumawag kayo ng pulis ngayon din at ipapahalungkat ko lahat ng gamit ko dahil hindi nila ako pinaniniwalaan, ngunit sila’y tumanggi.Kinaumagahan nang ang aking amo ay nag-ayang pumunta sa park pagsuot nya ng kanyang pants ay andoon ang kanyang hinahanap na Gold keychain, tapos noon akoy kanyang tinawag para humingi ng paumanhin yumuko pa sa aking harapan na nagsosorry.Sa tuwa ko ay nayakap ko pa ang matanda dahil na rin sa aking kagalakan na sa isang iglap ay nalinis ang aking pangalan.Isip ko’y ako lng ang dayuhan doon na kanilang pinagbibintangan.Simula noon nagkaroon na sila ng tiwala sa akin pati susi sa gate ay pinahawak narin nila sa akin na dati’y di nila kayang ipagkatiwala sa akin.Hanggang tumagal na ako dito na ngayon ay magwawalong taon na. Sa awa ng Diyos ay ganoon padin sila sa akin, mabait pa rin sila sa akin lalo na yung kapatid ng amok ko na si kuku na sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa sa walong taon naming pagsasama at pagkakaibigan. Na pati sa aking panaginip ako’y kanyang dinadalaw at nagpapabili ng noodles na spicy, paborito niya iyon noong siyay nabubuhay pa.
Hindi talaga madali ang pagiging OFW sapagkat kahit gamay na gamay mo na ito, sa tuwing kapiling ko ang mga pamilya ko lubos na saya’t tuwa ang aking nadarama.Pero pag babalik ka na andoon pa rin yung dulot na sakit pag ako’y magpapaalam na. Hay Buhay OFW nga naman ! Pero mas ok na siguro to para sa aking mga anak, Makakatapos silang wala si mama kaysa andyan ako na di naman kayo makagraduate diba.Hold on lang kayo dyan.Darating din ang araw na for good na si mama.Tapos kayo naman ang aalis. Ako nmn ang tatanggap ng inyong padala. Hehehe.Sabi nga ng panganay kong anak “Kapag nakatapos ako ng pagaaral mama umuwi kana at ako naman ang kakayod para sa pamilya natin at ako na ang sasagot sa pagaaral ng aking kapatid.” Haay kay sarap kay sarap pakinggan ng isang ina na ganyan magisip ang iyong napalaki, na kahit wala ka sa kanilang piling ay lumaki silang maayos, may tyaga at higit sa lahat may takot sa Diyos.Kaya tama ang kasabihang kapag maganda ang tinanim maganda rin ang aanihin.GODBLESS SA LAHAT NG OFW AT MIGRANT NG TAIWAN.
"
Like any other million Filipinos seeking for a beautiful and bountiful future for their families, Rosalina left for abroad and her reason for looking for a greener pasture outside her country was her children. Her parents took good care of all her children while she was working abroad. But time flies fast, her children graduated from Elementary, High School and College without their mothers’ presence. So being away from your family and loved ones is really heartache.
In Taiwan, Rosalina’s story continued to keep on staying closer to her employer, despite of so many hardships and trial she then recognized as a true member of the family. Letting her to join them in food table, and keeping the house keys, but before that she still remember, the time when she was allegedly accused of stealing her employers gold chain, but thanks be to God and the truth prevails. Her employer immediately asks for her forgiveness and thanking her for being kind and honest to them.
Rosalina’s children didn't see how humble and great their mothers are, but in the eyes of our Lord nothing will keep hide.
“In Every Punishment There is always a Good Reward”