2014-05-23 / Jonathan S. Castro / Linpan / Pilipinas 菲律賓 / UBright Optronics Corp.
LINPAN
Kaizu! Homien! Chimien! Chimen chi liao! Papien to saw? Araw-araw na katagang naririnig ko. Takbo dito, takbo doon. Kailangang maging maagap dahil sa isang pagkakamali ay Lausai ako sa gabing ito.
Isa akong Tsi-Tsang sa isang factory dito sa Tauyuan, Taiwan.
Tandang-tanda ko pa ang kanilang mga tawanan. Tawanan ng mga Quatsi na walang ginawa kundi ang apihin ako. Sariwang-sariwa pa sa aking isipan kung papaano ako duruin, pagsalitaan ng masasakit na kung isasalin sa wikang Pilipino ay isa raw akong mangmang at walang nalalaman.
Halos tumagos sa aking buto ang pagkapahiya kong iyon. Sa isang gabi na hindi ko naitaas at naibaba ang yapan dahilan ng pagkakaroon ng bula sa material na aking ginawa. Tatlong bula na katumbas ng pagbaba ng aking moralidad sa pagtatrabaho.
Naalala ko kung papaano ako pinapalakpakan noon ng mga officemates ko sa Pinas dahil sa outstanding performance ko sa pangongolekta ng pautang ay siyang kabaligtaran sa nangyari sa akin noong gabing iyon.
Tumayo sa upuan ang isa sa mga Quatsi at nagsabi.. “King of Lausai!”. Ibig sabihin, isa raw akong hari ng kapalpakan!
Simula noon, kada oras ng break ay sa CR na lamang ako nagkukulong. Nananalangin na sana ay malampasan ko ang pagsubok na ito at makaiwas na rin sa mapanghusgang tingin sa akin ng mga Quatsi.
Araw ng padala sa Pinas. Minsan naisip ko, napupunta kaya sa tama itong perang pinapadala ko? Kung batid lang sana ng pamilya ko kung anong sakripisyo ang tinitiis ko para sa kanila.
Second break ko noon nang minsang sa pagbukas ko ng pintuan ng CR ay nakaabang pala sa akin si Kon Tien Shu, isang Taiwanese Linpan. Alam pala niya ang aking sitwasyon at matagal na pala niya akong sinusubaybayan. Banaag ko sa kanya ang likas na pag-uugali ng isang Taiwanese. Para sa akin, likas ang kanilang kabaitan, malasakit sa kapwa, disiplinado at mapagpakumbaba.
Isang nakangiting Linpan ang lumapit at nagsabi sa akin na may kahirapan pa siyang mag-english..” Don't worry guy, I will help you!”
Lumingid ang aking mga luha at nasagot ang aking mga panalangin ng mga sandaling iyon. Dahil baguhan pa lamang ako dito sa Taiwan at alam niyang hindi pa ako marunong magsalita ng wika nila kaya ako nabubully sa trabaho.
Ipinakiusap niya ako sa opisina na ilipat ako sa ibang factory building at nangyari naman iyon. Napunta ako sa mga Taiwanese Quatsi. Ibang-iba sa mga Quatsi na ibang lahi na unang pinagdalhan sa akin noon. Sila ay malumanay magsalita at mahaba ang kanilang pasensya.
Si Linpan Kon Tien Shu, matangkad, singkit at maputi na Taiwanese ang nagtuturo sa akin kung papaano pa mas gumaling sa pagiging TsiTsang.
Tatlong oras kada araw nag-uusap kami sa pamamagitan ng translation application sa cellphone. Isang makabagong teknolohiya na kung mapaghuhusayan pa ay isang malaking sagot sa problema sa communication barrier at malaking tulong sa negosyo at sa mga OFW saan man parte ng mundo. Kung hindi naman siya ay ang assistant niya na si Tai San ang nagtuturo sa akin. Si Tai San man ay naghahanda na rin maging isang batang Linpan dahil sa angking galing sa pagtatrabaho.
Dahil sa dalawang Taiwanese na ito ay nagkaroon ako ng inspirasyon at natutunan ko muling ngumiti at maibangon muli ang aking moral sa pagtatrabaho.
Isang maaliwalas na umaga habang ako ay nasa bus pabalik sa aming dormitoryo, nakamasid ako sa bintana ng bus at namangha sa bansang ito. Sa kabila ng urbanisasyon ay nagawa nilang mapanatili ang ganda ng kalikasan at iangkop ito sa kanilang sariling istilo at isama sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Habang unti-unting bumubusilak ang mga bulaklak sa parke, salikod nito ang mga nagtatayugang mga gusali na animo'y tanda ng isang bansang may matatag na ekonomiya. Maluwag na kalsada, malinis na lansangan, masarap na simo'y ng hangin, matatayog na gusali, mayamang kultura at higit sa lahat ang mabubuting Taiwanese.
Isang tanong ang pumasok sa aking isipan, kung ako bilang Pilipinas at si Kon Tien Shu naman bilang Taiwan at magtutulungan sa isat-isa, hanggang saan kaya ang maabot ng dalawang bansang ito?
Para sa akin malayo pa ang mararating ng bansang ito. Sa ngayon, kailangan ko munang maging magaling na TsiTsang dahil gusto maging Linpan.
Ito ang aking istorya.

Like all my choices, Jonathan Castro’s Linpan is very honest. It tells a beautiful story of friendship between a Filipino migrant worker and a Taiwanese linpan, from the point of view of the migrant worker. Through his narrative, he was able to tell the hardships that a migrant worker faces living and working in a different country and how a Taiwanese, a linpan at that, reaches out to him and helps him cope with worklife here.
Despite my deficiency in the Taiwanese language, I was able to understand the whole story of Jonathan. He was able to explain to me very effectively the many Taiwanese terms he used in his story. I also like the fact that he used a Taiwanese term as his title and made use of his experience as an example and a metaphor for the possible further strengthening of friendship between Philippines and Taiwan.
The story gives off a positive vibe, a very positive message that equality, respect and friendship can happen and are possible in the workplace.
(2)
His story is about working in the factory being bullied by his co-workers with higher positions like supervisor or department leader. Back in the Philippines, he was the best insurance agent claiming many certificates and award due to his good work. But when he worked in Taiwan as a factory worker, never did it occur to him that he will experience such humiliation because he cannot read and understands Mandarin.
Since he knows that he cannot do anything from being bullied, he tried to learn how to operate the machine whenever the supervisor is teaching him. Still he can hear some criticizing words and what he will do was to go to the comfort room, release his anger, self-pity and prayed to God that someday he will be able to let those people stop bullying him. One time, he went to the comfort room because he was humiliated again. A kind-hearted Taiwanese who is also have a high position waited for him to come out. He said that he knew and saw everything what those people were doing to him and also see how good tempered a person he was. He decided to help him to be moved to his department. Upon hearing those words, he was not able to control his tears because God heard his prayers. He could not believe that there is one kind-hearted Taiwanese that will make his dream come true, hopefully, he wish to become a supervisor one day.
Jonathan completely shows us his true definition of his feelings despite of being alone, bullied and upset, his experienced is really remarkably.
The moral lesson in this essay is that nothing is impossible to God wherever you are, whatever you do as long as you have faith in Him. Work hard and you will see the fruit of your hardships. Because ...“God is good and God is great”.