2014-05-22 / Honeylee Clemente Lubas / Essay / Pilipinas 菲律賓 / wala
Maraming Salamat TAIWAN,
Mabuhay ka PILIPINAS!
Para kanino ka bumabangon? Marahil isang palasak na katanungan na nagbuhat sa isang anunsyo sa telebisyon o isang linya sa pelikula. Para sa isang dayuhang manggagawa sa bansang banyaga, isang daang porsyento ang kasagutan ay para sa PAMILYA. Para sa isang ama, ang katiyakan ng kinabukasan ng kanyang mag-iina. Para sa dakilang ina, na kahit magpa-alila sa di kakilala, para yan sa pamilya. Sa butihing anak, para yan sa patuloy na pagtataguyod sa kanyang mga magulang. Ang bansang Taiwan, ang isa sa mga banyagang lupain na marahil maliit lamang sa sukat ay malaki naman ang puso at bukas ang palad na lumingap at magbukas ng oportinidad sa ating mga kababayang Pilipino. Ang sabi nila masarap ang buhay dito, malaya. Sadyang tunay naman,nakapaghahanap-buhay ka na, masaya ka pa sa piling ng iyong mga kaibigan, ito man ay Intsik, Vietnamese, Tyco o Indonesian. Nakatutuwa nga na pagmasdan na sa isang kumpulan, iba’t ibang lahi, ngunit nagkakaintindihan sa iisang wika, ang MANDARIN. Haha! baluktot man sa pagsambit ng mga salita sige patuloy lng sa gayong paraan naman natututo di ba?
Tayong mga Pilipino kahit ano pang suliranin ang dumating at maranasan di nawawala ang ngiti sa ating mga labi. Magkaroon ng pagkakamali sa trabaho at mapagalitan ng amo, iindahin oo pero pagkatapos magpapatuloy at higit pa huhusayan sa susunod. “Ang mga Pilipino ay magaling at tapat sa trabaho, itapat man sa anong lahi, siyang numero uno”. Kahit magbata ng hirap at pagod basta naisip ang mga mahal sa buhay, tatayo at kakayod kahit pa walang humpay.
Ikaw Kabayan, ano ba ang karanasan mo dito sa Taiwan? Isang linggong maghahanap-buhay pagsapit ng Sabado at Linggo ay nasa diskuhan, Pinoy kainan at kantahan? Tama lamang na tayo ay maglibang, ang pinagpaguran sana ay mapunta sa kapaki-pakinabang. Hindi sana mawaglit sa ating isipan ang pangunahing dahilan ng ating pagsisikap. Ang malayo sa pamilya, mamasukan sa ibang bayan at mawalay sa bayang sinilangan ay isang malaking desisyon. Tatag ng loob at pananalig sa Panginoon ang tangi nating sandata upang malagpasana ang hirap at pangungulila.
Hindi rin naman lingid sa ating mga kaalaman na ang PILIPINAS at TAIWAN ay mayroon din minsang di pagkakaunawaan. Ngunit magkagayon man narito pa rin tayo at kanilang kinukupkop. Mangilan-ngilan ang nakararanas ng diskriminasyon ngunit mas marami sa atin ang mapalad na nakatatanggap ng patuloy na paggalang. Patuloy ang pag-ikot ng mundo, ang pagtatrabaho ng labindalawang oras sa isang araw,ang makaranas ng tag-lamig, ang pagsapit ng Pasko at Bagong Taon na di kapiling ang pamilya, ang makadalo sa mga kasayahan na bigay ng kumpanya at ang pagbabanat ng buto araw-araw. Nakakapagod… Nakakalungkot… Ngunit patuloy tayo sa pag gising ng maaga, paghahanda sa pagpasok at pagtatrabaho. Araw-araw ‘yan umula’t umaraw,paulit-ulit man ang gawain, lahat ng pagpapakasakit para sa PAMILYA… Maraming salamat bansang TAIWAN at mabuhay ka PILIPINAS!