2015/5/20 / REMBERTO B. SOLETA JR. / Taiwan, Tunay na Puso ng Asya / Pilipinas 菲律賓 / EEC Magazine
TAIWAN, TUNAY NA PUSO NG ASYA.. Ako si Remberto B. Soleta Jr.,Isa ako sa ilang daang Pilipino ang lumipad patungong Taiwan noong ika-7 ng Agosto taong 2011. Napakahirap ng kalooban ko bilang isang padre de pamilya ang mapalayo sa aking pamilya subalit kalakip nito ay ang pag-asang maiahon at mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya. Buo ang aking loob na tumungo sa bansang ito dahil noon pa man ay pangarap ko ng makarating ng Taiwan. Noong una ay nahirapan ako na mag adjust dahil syempre hindi ko maintindihan ang kanilang salita subalit dahil naging mabait at maunawain ang aking mga kasamahang Taiwanese at ang aking boss madali kong napag aralan ang ilan sa mga importanteng salita nila. Akala ko noon hindi ako tatagal sa aking trabaho dahil namimiss ko ang aking pamilya pero dahil sa nakasanayan ko na din ang kultura nila ay unti unti ng nawala ang aking kalungkutan. Lubos akong humahanga ako sa mga Taiwanese dahil ang unang una kong napansin sa kanila ay hindi nila nakakalimutan ang magpasalamat..lagi silang mapagkumbaba sa mga foreign worker na tulad ko. Laking pasasalamat ko dahil pinagkakatiwalaan nila ako sa aking trabaho kung kaya nakapangalawang kontrata na ako ngayong taon na ito. Kahanga-hanga ang bansang ito dahil kahit na maliit ay maraming bansa ang natutulungan upang mabigyan ng mga trabaho. Kahit ilang taon pa ako magtrabaho dito sa Taiwan ay hinding hindi ko pagsasawaan, napakadisiplinado ng mga tao na dapat talagang kahangaan. Yan ang dahilan kung bakit patuloy na umuunlad ang bansang ito. Napananatili nila ang disiplina sa sarili at pagmamahal sa kanilang sariling wika. Lagi kong dalangin na patuloy pang umunlad ang Taiwan upang marami pang matulungang bansa. Muli akong nagpapasalamat sa bansang Taiwan dahil marami akong natutunan para sa aking sarili. Habang buhay kong tatanawing utang na loob sa bansang ito dahil TAIWAN, TUNAY KANG PUSO NG ASYA..maraming salamat po..