2015/5/6 / gherald r, bravo / ofw (worker) / Pilipinas 菲律賓 / wala
Taiwan Alay Sa Inang Bayan..
Taiwan Sa Makabagong Pagkalakbay Sa Bagong Pagasa
Taiwan Life, Culture, Tradition For the New Generation
Ako po ay Si Gherald R. Bravo kasalukuyang nagtratrabaho dto sa taiwan, sa Ritek Corporation at may ARC number na JC00707854 may asawa at may isang anak, kami po ay sampong magkakapatid at ako ay pang pito sa magkakapatid ang aking mga magulang ko ay isang magsasaka lamang po.Ang simula ng lahat ng pangarap ko ay dala ng kahirapan sa buhay at nangarap na mangibang bansa at pinili ko ang Taiwan dahil sa aking natapos din na kurso.Ako ay nangarap na matulungan ang aking pamilya, dahil kapos sa pera, pero hindi iti hadlang sa aking mga pangrap na ito, at sa ngayon unti-unting ko na ring natutupad ang aking mga pangarap ko sa aking pamilya at aking mga magulang ko.Ako ay nagsimula nagtrabaho sa taiwan sa taong 2006 bilang isang ofw,overseas factory worker at hanggang ngayon ay nandto pa ako,dahil sa patuloy na pagsuporta at pagunlad ng culturang Taiwan at sa pag-angat ng industriya sa Taiwan ay lalong lumalakas dahil sa makabagong technolohiya sa bansang Taiwan.
Sa araw-araw kong pagtratrabaho sa Taiwan ay natutunan ang kanilang pagsasalita ng mandarin, ang pagiging masinop sa pera, ang kahalagahan ng pera sa kanila ay mahalaga.Ang paggalang sa matatanda at sa kapwa din ay mahalaga, respito sa isa't-isa.Maraming pilipino sa Taiwan na hindi natupad ang pangarap dahil sa trabahi din, minsan mahirap kaya sila ay umuuwi na rin sa sariling bayan. Sa aking paglalakbay ay may nakita ako na isang ina nagtitinda kasama ang kanyang anak, dahil sa kanila mahalaga ang pangkabuhayan at buhay dto sa taiwan.. Masaya naman ang pakikitungo ng mga Pilipino sa mga Taiwanese sa pagtratrabaho dto sa Taiwan, sama-sama,ganun din sa hapag kainan.Ako ay andto pa rin at malapit na rin ang pagtatapos ng kontrata ko, subalit masasabi ko na tagumpay ako dahil natutunan ko sa Taiwan ang kahalagahan ng BUHAY mula sa tao, puno, hayop at mga halaman ay mahalaga sa kanila lahat.Masasabi kong ang Taiwan ay maunlad na bansa mula sa transportasyonm edukasyon, at communikasyon at agrikultura ay maunlad din.
Narasan ko rin mag volunter bilang isang caregiver sa aking kapwa manggagawa dahil isa sa aming kapwa mangagawa ay naoperahan, ang pagdamay sa kapwa ay isang halimbawa at mahirap mapalayo sa pamilya.Ang Taiwan ay environmental friendly dahil pinapanatili nilang malinis at maayos ang kanilang kapaligiran, mula sa pagsasaka at pagbubungkal ng lupa, pagtatanim ng gulay, palay at prutas ang ibang pangkabuhayan dn sa Taiwan.
Ang lupain sa Taiwan ay mayaman, sagana sa pataba at enerhiya, ang makabagong technolohiya sa pagtatanim ng palay ay pinabilis at pinaganda para sa masaganang ani sa Taiwan. Maraming Factory sa Taiwan, sasakyan, motor at iba pa ay mahalaga din sa kanila, Ang pangkalusugan ay binibigyan nila ito ng halaga, matanda, bata at ang may sakit ay binibigyan ng atensyon.
Ako ay nagpapasalamat sa panginoong maykapal sa patuloy na pagbibigay ng lakas ng loob ,para magampanan ko ang aking tungkulin biling isang OFW, manggagawang, Pilipino dto sa Taiwan.
Ang Literaturang ito ay inaalay ko sa aking kapatid na Si Ate Dem naranasan din OFW na isa po syang canser survivor, dahil dto naglakas loob ako sumulat at sumali sa Taiwan Literature Award for Migrants sya rin po ay isang OFW bilang isan Domestic Helper na nalagpasan ang mga pagsubok sa BUHAY, at higit sa lahat ang panginoong dyos na nagbigay ng talino,lakas ng loob para matapos ko ang kwentong ito.at higit sa lahat ang aking mga magulang at pamilya....MABUHAY Ang MANGAGAWANG PILIPINO SA TAIWAN,,,2015..