2015/4/10 / Marilyn Gerona / Maranasan / Pilipinas 菲律賓 / Wala
7 months nalang uuwi na ako, babalik na ulet sa Pinas. Tapos na kontrata ko, kakalungot kasi""good bye na ba talaga?"". Mahal ko na tong bansa na to.
Bago ako magsimula ang kwento ko. Papakilala Muna ako. Isa akong nurse sa Pilipinas, pero Gawa nga ng hirap makahanap ng trabaho sa aming bansa sinubukan ko dito sa bansang Ito, ang Taiwan. The heart of Asia. Pero di bilang isang nurse kundi bilang isang Nursing Aide sa isang private Nursing Home.
Yes I'm proud to be a nursing aide here in your Country. Oo mahirap kasi ibang iba sa kurso kong kinuha sa bansa namin, pero ang sarap sa pakiramdam kapag Ung mga alaga mo nag sasabi ng ""Salamat sa pag-alaga mo at may kasama pang Luha"" Hehehehe yung iba nga nagiging Kaibigan mo na. At di mo na din ma itatanging parang mga lolo at Lola mo na sila. Kasi likas sa mga Taiwanese ang pagiging mabait, at naiintindihan nila kung anu ang sitwasyon bilang isang dayuhan. Makikita mo kung gaano sila ka concern sa iyo. Na ibang iba sa akala ko. Akala ko I discriminate nila ako sa kulay ko. Pero HINDI!
I'm so blessed and honored also na mapuntahan yung mga ibang tourist attractions dito sa Taiwan. At nagawa ko yun dahil Grabe, ang galing at very comfortable yung means of transportation nila dito. Walang traffic! Very safe pa, Walang snatcher, Walang rapist at Walang kaskaserong driver na iisipin tuwing tatawid ka ng kalsada. Pede ka ng tumawid ng nakapikit,. Ganun ka discipline ang mga drivers dito.
Tapos kahit DI ako ganun kagaling mag salita ng language nila DI ako takot ma ligaw kasi tested na ang mga Taiwanese sobrang approachable at matulungin. KAHIT DI kame nagkakaintindihan talagang pilit nya akong intindihin para Lang matulungan tatawag pa yan sa kaibigan niyang marunong mag english kapag DI niya ako maintindihan. Ohh diba, ang saya Lang talaga. Then kapag nakarating kana sa pupuntahan mo kahit siguro DI ka ma ""selfie na tao"" Hehehehe for sure mag papa picture ka!!! As in ma papa wow ka na Lang, breathe taking talaga. Pano mo maiiwan ang ganitong klaseng bansa.
Sad to say DI ako Taiwanese at kailangan kong bumalik Sa lupang sinilangan.
Kaya ang masasabi ko dito sa mga Taiwanese Saludo ako kung Paano niyo minamahal ang bansa ninyo. Lingid siguro sa kaalaman ninyo, Madame na kayong napangiti,mapasaya,at natulugang dayuhan. At isa na ako doon.
At Ito ang karanasan ko. Happy memories only here in Heart of Asia.