" I CAN ONLY CHANGE ME"
BY:
Vhabes R. Huang
April 19, 1997 ng dumating ako sa Taiwan, nakapag asawa ako ng isang Taiwanese sa edad na 21 sa pamamagitan ng isang marriage set up. Ang hangad kong makatulong sa pamilya at maitaguyod ang aking mga kapatid ay siyang nagtulak sa akin na pasukin ang isang bagay na hindi ko alam kung ano ang aking magiging buhay. Nagpakasal ako sa isang lalaking 12 taon ang tanda sa akin at ni walang alam sa pagkatao nito.
Mababait naman ang aking mga inlaws, kung minsan na may pinupuna sila sa akin ay hindi ko na lamang pinapansin. Lumaki ako sa Lola busog sa pangaral at magagandang asal. Hindi ko nakaugaliang sumagot sa mga nakakatanda sa akin mas pinipili kong manahimik na lamang kesa makipagtalo o sumagot ng pabalang. Sa pag iyak at pagkukulong sa silid ang aking nakagawian upang maibsan ang at paninibago sa kakaibang kultura sa Taiwan at pakikisalamuha sa mga taong nuong una'y hirap akong maunawaan.
Lumipas ang ilang taon, nagkaroon kami ng 2 anak. Sa loob ng mga taon ng aming pagsasama maraming beses na rin kaming nag away at muntik ng humantong sa hiwalayan. Minsan ko na rin naisip na iwan sila. Subalit sa tuwing iisipin kong iwan sila ang pagiging Ina parin ang nangingibabaw sa akin. Bagay na pumipigil upang tuluyan ko silang iwanan. Dahil naniniwala ako na hindi lamang sa panganganak natatapos ang pagiging Ina, kundi ito'y isang panghabang buhay na obligasyon at responsibilidad. Laki ako sa isang broken family at alam ko ang pakiramdam ng isang anak na lumaki sa isang wasak na pamilya.
Marami na akong naranasang trabaho, nagtrabaho ako sa orchids, sa pagkecaterer, trimmer, plastic injection at maging sumama sa asawa ko sa construction. Lahat ng mahirap na trabaho ay pinasok ko na para matustusan ko ang pangangailangan ng aking pamilya sa Pilipinas.
Taong 2003, nagpartime ako sa isang Phil.store at may nakilala akong isang madre na nais magcontribute ng gawain para sa mga Pilipino. Nag open siya ng isang Phil. store at ako ang kinuha niyang magmanage nito. Makalipas ang 3 buwan dahil wala siyang panahon at kailangan nyang bumalik ng America ibenenta nya sa akin ang nasabing tindahan. Limang taon ko rin ginugol ang atensyon ko sa business kasabay ng mga gawaing bahay at pag aalaga sa 2 naming mga anak. Pakiramdam ko'y hindi na ako nagpapahinga at palaging kulang ang oras pra sa akin.
Marami akong nakilala, nakasalamuha at ang iba'y naging mga kaibigan. Subalit sabi nga ang buhay ay parang gulong paikot ikot minsan nasa ilalim...minsan naman ay nasa ibabaw. Halos maglimang taon na ang tindahan ko ng magakaroon ng Global Crisis, maraming kumpanya at mga factory ang nagsara, kasabay nito ang daang OFW's ang pinauwi sa kawalan ng trabaho, dahilan upang tuluyan narin akong magsara at magdesisyong magtrabaho na lamang! Nakapagtrabaho ako sa isang money express pero dahil sa sobrang stress dahil nag-iisa lang ako sa branch at ni hindi ako makaday off nag paalam ako na aalis na subalit di ako pinayagan ng management, kaya nagpaalam na lang ako na uuwi ng Pilipinas at may aasikasuhing mahalagang bagay. Ipinasok ako ng kaibigan ko sa isang Dental Clinic, dito nagkaroon ako ng panahong makalabas-labas at makapgsimba tuwing Lingo. Mas lalo akong naging Active sa isang Organisasyong pangsimbahan.
2005, ako ang napiling ng simbahan na maging representive sa isang santacruzan at muli ako parin ang muli nilang inilahok noong Santacruzan 2009'. Dito ko nakapareha ang isang lalaking hindi ko inisip na magkakaroon ng napakalaking bahagi sa buhay ko. Dati ko na siyang kakilala dahil sa akin siya nagpapadala ng remittance nuong may tindahan pa ako maging nung magtrabaho ako sa isang money express. Pero hindi kami gaanong nag-uusap dahil tahimik siya. Naging close lang kami ng siya ang napiling maging escort ko sa Santacruzan 2009. Duon nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa't isa, Di nagtagal ay nagkaroon kami ng relasyon dahilan upang tuluyan akong humiwalay ng silid sa aking asawa. Walang araw na hindi kami magkausap masaya, palgi kaming magkasama sa mga araw na pareho kaming walang pasok at tuwing lingo'y nakakapagsimba , umaga, tanghali, hapon maging hangang gabi bago matulog. Marami siyang ugaling hindi ko gusto pero unti unti siyang
nagbago para sa akin. Sa kanya ko naramdaman ang maging masaya.Naging lantad ang relasyon namin sa lahat ng mga kaibigan namin. Naging open din siya sa pamilya ko sa Pilipinas at maging ako sa pamilya nya.Ganun pa man naging maingat naman kami na walang masisirang pamilya lalo na ako dahil alam kong kapwa kami may pananagutan na. Alam ko at ramdam ko kung gaano nya ako kamahal bagay na palagi niyang hinihiling sa akin na mabigyan ko sya ng anak. Ngunit para sa akin sapat na maging masaya na lamang kami sa panahong magkasama kami at walang dapat na masirang pamilya, Sa kabila ng aming kasiyahang alam ko pa rin na hindi tama ang ginagawa namin. Kaya naman sa tuwing magdarasal ako palagi kong ipinagdarasal sa PAnginoon na kung ano man ang plano niya sa aming dalawa ay Kayo napo ang bahala. kasabay ng palaging paghingi ng tawad.
Halos mag5 taon din ang aming relasyon, at sa loob ng mga taong iyon ay ilang ulit ko na rin ninais na makipaghiwalay sa kanya. lalo na kung may mga bagay kaming hindi pinagkakasunduan. Malmbing siya at pasenyoso pagdating sa akin, madals siya palgi ang nagsosorry kahit pa nga minsa'y ako na ang may mali. Ganon nya raw kase ako kamahal na para sa akin ay wala lang dahil ang nasa isip ko ay..."Andyan lang naman Siya palagi"..."Tanging Kamatayan lang daw ang makakpaghiwalay sa amin ito ang palagi niyang sinasabi"...
At dumating na nga ang araw na gugulat sa aking buong pagkatao. Magchinese new year noon, January 31, 2014 ang huli naming pagsasama. Nawalan na kami ng pagkakataong magkita pa dahil sa naging busy na ako sa bahay sa pagdating ng aking mga inlaws. February1, 2014 tumawag sa akin at nagpaalam na pupunta na sa lugar na pagdarausan ng palaro, isang basketball tournament ng isang organisasyon (Guardian Brotherhood) ang ginanap noon. Noong una'y hindi ko siya payagan sa dahilang matagal na...na hindi sya naglalaro at madalas ay pinupulikat sya.Subalit wala akong magawa dahil gusto nya at ayaw ko namang saklawan ang kanyang sariling kagustuhan'.Bandang 2:00 ng hapon ng tumawag siya sa akin, ang sabi nya iba na raw pala pag nagkakaedad na madali na mapagod bukod dito'y iilan lang silang player ng Team kaya sa sunod sunod ng game ay sila at sila lang ang player. Pahinga ka na at wag na maglaro ang sabi ko sa kanya. Naiisin ko mang puntahan siya ay hindi
ko nagawa.dahil sa may mga bisita kami sa bahay.Araw ng Sabado noon, Kinabukasan Linggo umaga pa lang sinimulan ko na siyang tawagan, di ako huminto sa kakadial sa number nya subalit walang sumasagot. Kaya't sa katrabaho nya ako tumawag at nasagot nman ang tawag ko. Pinakiusapan ko na puntahan ang silid na aking kasintahan dahil sa kanina pa ako tumatawag ay walang sumasagot. Agad naman akong sinunod at ang sabi nya sa akin ay..."Ate natutulog si kuya" pinakiusapan ko sya na gisingin dahil magsisimba kami pero takot itong manggising at baka daw magalit. Kaya hinayaan ko na lang at inisip ko na baka nga gustong magpahinga at nasobrahan sa pagod, at tiwala ako sa sinabi ng kasamahan niya na natutulog ito. Nagsimba ako mag isa at umuwi narin agad matapos mananghalian kasama ng ilang mga kaibigan.Sumapit na ang hapon, hangang gabi ay wala parin siyang tawag sa akin bagay na lubha ko ng ikinabahala. Sinimulan ko ng tawagan ang karoomate nya mga bandang
7;00 ng gabi subalit wala ring sumasagot. Muli akong naghanap ng number ng kasamahan nya na pwedeng makausap at agad kong tinawagan, abot abot na ang kaba sa aking dibdib at nanginginig ang aking tinig habang kausap nasa kabilang linya, muli akong nakiusap puntahan ang silid ng aking kasintahan at agad din naman akong sinunod ng aking kausap, tulad ng nauna kong pinakiusapan ng umaga pa iisa lang din ang sagot sa akin...."NATUTULOG"! at natakot din itong gisingin at baka daw magalit. Halos magmakaawa na ako sa mga kasamahan nya pero walang naglakas loob na gisingin sya. Bandang 10;30 na ng gabi ng mapuna ng kararating pa lang na karoomate ng aking kasintahan ang napakarami ko ng tawag sa kanya at duon sa paghawi nya ng kurtina ay natabig niya ang malamig at matigas na kamay ng lalaking inakala kong andyan lang para sa akin at hindi mawawala. ay halos 24 oras na pa lang walang buhay...isa ng malamig na bangkay. Para akong binusan ng napakalamig na tubig
at di makakilos sa pagkakaupo, nanginginig sa iba't ibang emosyong nararamdaman. Buong magdamag akong hindi nakatulog gusto kong hilahin ang orasan upang agad ng magliwanag. Kinaumagahan nagpunta ako ng factory nila upang alamin ang tunay na pangyayari at upang ayusin ang dapat ayusin kasama ng 2 kong malalapit na kaibigan at si Father na syang pare sa aming lugar. "Heart Attack ang resulta sa pagsusuri ang naging dahilan ng kanyang biglang pagkamatay.
March 25, 2014 ng siya ay macremate at March 26, 2014 ng siya ay maiuwi sa Pilipinas ng kanyang kapatid na babae na kasalukuyang nagtatrabaho din dito sa Taiwan.
Mahirap tangapin ang mga pangyayari at di ganun kadali sa akin ang mag move on. Pero totoo ngang may mga bagay na gigising sa atin sa pagharap sa katotohanan. Sa pamamgitan ng pagdarasal unti unti ko ng natangap ang laht. Muli na akong bumalik sa silid ng aking asawa at sa ngayon ay mas naging maayos ang aming pagsasama. MArahil ay ito ang paraan ng Panginoon upang maituwid ang mga bagay na alam nyang mali at hindi nya niloob na ako ay mapahamak o may masirang pamilya.. At alam ko na mahal nya rin ang lalaking minahal ko kung kaya't mas pinili nyang ito'y makasama nya sa kanyang Kaharian. May mga taong humihikayat sa akin sa ibang relihiyon upang tuluyan daw akong iligtas ng Diyos at tuluyang mabago ang buhay ko sa piling ng Panginoon. Pero para sa akin wala sa anumang relihiyon o sa mga taong nakapaligid sa atin ang ating pagbabago, naniniwala akong may Diyos na makapangyarihan at tagapagligtas. Para sa akin ang tunay na pagbabago....ang totoong
pagbabago ay nagmumula sa sarili...sa ating sariling kagustuhan na mabago ang lahat para sa ikabubuti.
May mga taong darating sa buhay natin para baguhin ka o baguhin mo sila. Hindi natin alam kung bigay ba o pahiram lang, darating para mahalin ka o saktan ka lang. Pero kahit sino pa man ang dumating sa buhay natin isa lang ang sigurado mag-iiwan sila ng leksyon, maganda man o hindi, isa lang ang dapat nating gawin, tangapin ng buo sa puso, dahil ito ang huhubog sa atin sa kung ano tayo sa mga darating pa na panahon. Pwedeng magdulot ito ng kapighatian o maging dahilan para lalo tayong tumibay. Sa pagtakbo ng buhay hwag nating pagsisihan ang mga bagay na nagawa na natin, tama man o mali, bagkus ang pagsisihan natin ay ang mga bagay na hindi natin nagawa, para maitama ang mali....Palagi nating isipin na ang pagbabago ay nagmumula sa sarili at walang sinuman o anuman ang maaaring makapagpabago sa atin "I CAN ONLY CHANGE ME" at higit sa lahat palagi nating unahin ang Panginoon higit kaninuman at gawin syang centro ng buhay natin upang lagi nya tayong
gabayan at sa tuwina'y ituwid at itama ang landas na ating tatahakin..........