2015-3-3 / JEZ DELOS REYES / FACTORY WORKER / Pilipinas 菲律賓 / WALA /
AKO NGA PO PALA SI JEZ LUMAKI SA ISANG MAY KAYANG PAMILYA PITO KAMING MAGKAKAPATID AT PANG ANIM PO AKO SA MAGKAKAPATID BATA PALANG PO AKO MINULAT NA SA AKIN NG AKING INA ANG KUNG PANU MAGHANAP BUHAY SUMASAMA KAMI SA PAMAMALENGKE PARA IBENTA NAMIN SA AMING MUNTING TINDAHAN AT ANG AKING AMA NAMAN PUMAPASADA NG JEEP PARA MATULUNGAN SI NANAY SA PANG ARAW ARAW NA GASTUSIN SA BAHAY KAYA LAKING PASASALAMAT KO DAHIL NAGING MAGULANG KO SILA KAYA KAHIT NANDITO AKO SA TAIWAN DI KO INIISIP ANG PAGOD KUNG MINSAN DAHIL HIGIT NA MAS NAPAGOD SILA PARA SA AMIN NA MAGKAKAPATID,KAYA NOONG NAWALA SI INAY SA BUHAY NAMIN LABIS AKONG NANGULILA TAONG 2009 GUMUHO ANG INAASAM KONG MULING PAGKIKITA NAMIN INAASAHAN KO NA MAYAYAKAP KO SIYA NG MAHIGPIT AT MAHAHALIKAN PERO BINAWI NA SIYA NG PUONG MAY KAPAL ALAM KO MASAKIT PERO DIYOS LANG ANG MAY KARAPATAN NA BUMAWI NITO AT KAYLANGAN MAGPAKATATAG AT MAGSIMULANG MULI SA HAMON NG BUHAY,ANG HIRAP SA AMING MGA OFW NA MALAYO SA PAMILYA NGUNIT KAYLANGAN PARA SA KINABUKASAN KAYLANGAN LANG NG KATATAGAN NG LOOB AT MAGSUMIKAP ,MINSAN SA BUHAY NATIN MAY MGA HAMON ANG PANGINOON NA DAPAT NATING MAIPASA DAHIL ALAM NG DIYOS NA KAYA NATIN LAGPASAN ANG MGA PAGSUBOK NA INIATANG NIYA SA ATIN LAHAT NG BAGAY AY MAY DAHILAN KAYA LAHAT TAYO BILANG NILIKHA NIYA AY MAY KANYA KANYANG HAMON SA BUHAY MINSAN KAYLANGAN PA NA LUMUHA KA GAYA KO NGAYON LUMUHA AKO DAHIL SA BIGONG PAG IBIG NG MALAMAN KO NA MAY IBANG LAMAN ANG PUSO NG TAONG PINAKAMAMAHAL KO MASAKIT PERO KAYLANGAN MAGING MATATAG ALAM NG DIYOS NA KAYA KONG LAGPASAN TO DAHIL HINDI NIYA GAGAWIN TO KUNG WALANG DAHILAN SA BUHAY KO GUSTO KONG IBAHAGI SA INYO KUNG GANO KABUTI ANG PANGINOON SA BUHAY KO UNA PALANG APPLY KO SA TAIWAN BIGO DIN AKO KAYA NAISIPAN KONG LUMAYO SA PINAS ARAW ARAW AKONG NAGKUKULONG SA KUWARTO UPANG MANALANGIN UMIYAK AT PAULITULIT NA HINILING SA KANYA NA GUSTO KONG MAG TAIWAN AT IBINIGAY NIYA DITO SA TAIWAN MARAMI AKONG NAKA SALAMUHANG MGA FILIPINO DITO KO NAKITA YUNG MGA PAGBABAGO SA BUHAY KO NALAYO AKO SA PANGINOON NALULON SA MGA BISYO GASTOS SA MGA LUHONG BAGAY NA DI NAMAN KAILANGAN SA PANG ARAW ARAW MINSAN DUMATING AKO SA PUNTO NA TANUNGIN KO ANG AKING SARILI AT NAGISING AKO SA KATOTOHANAN NA DAPAT MAGBIGAY TAYO NG PAGPAPAHALAGA SA SARILI LALO NA SA TAONG LUMALANG AT NAGBIGAY BUHAY SA ATIN KUNG GANU TAYO PINAHAHALAGAHAN NG MGA MAGULANG NATIN DOBLE PARUN ANG KAYANG IBIGAY NG PANGINOON SA BUHAY NATIN KAYA ANU MANG PAGDAANAN NATING PAGSUBOK SA BUHAY WAG TAYONG MAKALIMOT SA ATING DIYOS AMA NA MAGPASALAMAT ...