2014-05-22 / Emily T. Malayas / Tula / Pilipinas 菲律賓 / wala
MUNTING PARAISO
Ako'y nangibang bansa, para sa aking pamilya
Matandang lalaki, ang aking alaga
Una naming pagkikita, siya ay masigla
Pero amin nalaman, sya ay maysakit pala
Sa unang mga buwan ko dito
Napakagaan ng aking trabaho
Paglilinis ng bahay, pamamalengke kasama ng Amo
At pagluluto ng pagkain naming tatlo
Ang aking alaga, mga anak ay puro babae
Ang pagtrato nila sa akin, ay napakabuti
Mga lumang damit at gamit, sa akin ibinigay
Ako'y natutuwa, kahit sa ganitong bagay
Kahit mahirap, aking titiisin
Kondisyon ng mga Amo, kailangan unawain
Walang day off at bawal makipagkaibigan
Lalo na sa kapwa ko dito na dayuhan
Ang aking alaga, dinaramdam unti - unting lumala
Kaya sa ngayon, sa ospital na kami nakatira
Pagod at puyat ang aking kaharap
Pero aking kakayanin, para sa aming hinaharap
Ako'y laging nagdadasal, alaga ko ay tumagal
At sana humaba pa ang kanyang buhay
Dahil sya ay may asawa, sa bahay naghihintay
At ang aking pangarap, dito nakasalalay
Sa ospital na kung tawagin, aming bagong tahanan
Dahil tumagal kami dito, ng mahigit anim na buwan
Sakit sa ulo, sakit sa ngipin, at sakit ng buong katawan
Dahil sa puyatan na aking kalaban
Alagang sumpungin, ayaw makinig sa aking sasabihin
Kaya kong tiisin, basta walang problema sa pagkain
Dahil iyan ay aking kailangan, para lumakas ang katawan
Para sa aking alaga, trabaho ay magampanan
Minsan na akong sinaktan, ng aking alaga
Ako'y umiyak na lang, sa narinig na hindi magandang salita
Aking sumbong sa Amo, pero parang balewala
Dahil sabi nila, ang kanilang Ama ay kaawa-awa
Wala akong mapagsumbungan, at mapagpahingahan
Dahil ang pakikipagkaibigan, ay higpit akong pinagbabawalan
Kaya salamat sa aking asawa, anak, at pamilya
Na nandiyan palagi, sa aking sumusuporta
Hindi ako nagrereklamo, sa aking kalagayan dito
Pero sana naman, ako'y pagpahingahin ninyo
Anim na buwan, na kami nandito
Pero kahit isang gabi, hindi pa ako nakakatulog na ang oras ay kumpleto
Ipinagdarasal ko na lamang, sana hindi bumagsak ang aking katawan
Dahil aking kalagayan, minsan ay hindi isinaalang-alang
Dagdagan pa ng aking alaga, minsan ako'y sinisigawan
Dahil hindi sya makarinig, kaya nya ako sinusungitan
Dahil sya ay maysakit, pilit kong iniintindi
Kahit masama ang loob, ako'y nagtitimpi
Alang-alang sa pakiusap ng anak na babae
Hanggat makakaya ko, pagbibigyan nalang palagi
Pangungulila sa pamilya, aking tinitiis
Dahil sa nanay konn, hindi nawawalan ng sakit
Kaya ang aking sahod, sa aking palad hindi pa umiinit
Para pambili ng gamot, kaya agad idedeposit
Sa isang hindi inaasahang dahilan
Mahal kong asawa, ngayo'y napilayan
Dahil sa hindi sinasadya, sya ay naaksidente
Wala akong magawa, kundi umiyak sa isang tabi
Kaya ako nandito, gusto ko sya tulungan
Makapagpatayo man lang kami, kahit maliit na tahanan
Hindi habang buhay,sa magulang ay umasa
Sila'y matanda na, tayo naman ang tutulong sa kanila
Asawa, anak, at pamilya, kayo ay miss ko na
Pero kaya kong tiisin, hanggang matapos ang kontrata
Kaya araw-araw, gusto ko kayong tawagan
Kahit boses nyo man, ay aking mapakinggan
Nangibang bansa ako, hindi para yumaman
Gamot ng inay, gusto ko matustusan
Kahit sa ganoong paraan, sya ay matulungan
Dahil ako nalang, ang kanyang maaasahan
Sabi nila ang pangingibang bansa, hindi solusyon sa kahirapan
Pero ito ay makakatulong, sa pang araw-araw na pangangailangan
Kailangan lang gamitin, sa tamang paraan
Upang ang paglayo sa pamilya, ay hindi masayang
Tukso man dumating, huwag ng patulan
Tayo magpakatatag para sa pamilyang naiwan
Tiwala sa isa't isa, ating panindigan
Para sa pamilyang naghihintay, na ating babalikan
Mahirap makipagsapalaran, lalo na dito sa Taiwan
Dahil magkaiba ang salita, lagi hindi magkaintindihan
Lalo na pag matanda, wika ay kakaiba
Kaya pag sila magsalita, ako'y naka nga-nga
Magkaiba man ang paniniwala, pero nandoon yung respeto
Kailangan lamang ay magpakatotoo tayo
Dahil pag sila ay nawalan ng tiwala sa'yo
Hinding hindi na maibabalik pa ng buo
Sa tatlong taong pagseserbisyo ko dito
Sana pangarap matupad, kahit hindi kumpleto
Kailangan magtipid, huwag sumunod sa uso
Dahil pinaghirapan ay masayang, kung sundin ang luho
Kaya ako sumali sa ganitong paligsahan
Hindi para lang manalo, kundi karanasan maibahagi lamang
Sana makapagbigay inspirasyon, sa ating kababayan
Pahahalagahan ang trabaho, at ng makauwi ng maayos sa ating bansang kinagisnan
Kaya tayong mga dayuhan, saan man sulok ng daigdigan
Hindi man ngayon, bukas o magpakailanman
Hindi mawalan ng pag-asa
Dahil nandiyan ang Panginoon, gumagabay sa lahat ng oras nakaagapay

(1)May potential ka maging poet and story teller, you expressed yourself well.
(2)Madaling basahin at intindihin. Naipahayag ang tunay na damdamin ng OFW. Pasensiya at pagtitiis sa trabaho, responsable at may pangangambang hindi maitupad ang tungkulin kapag bumigay ang katawan. May pananagutan sa amo at sa sariling pamilya.