caretaker

2014-05-21 / melissa angeles / caretaker / Pilipinas 菲律賓 / facebook friend


KARANASAN NG ISANG OFW..

tulala ako sa isang sulok ng mga oras na yun,,naghihintay ako ng oras ng uwian habang hapo ang katawan sa pagsisilbi sa mga kostumer sa buong magdamag,,,isa akong serbidora sa isang chinese restaurant na may live band,,,trabaho ko ang pagsilbihan ang mga kostumer na kumakain at umiinom habang nakikinig ng banda..halos limang taon ko ng trabaho yun,,, madaling araw uuwi ng bahay,matutulog,gigising ng alas dyes ng umaga para mamalengke at magpakananay sa dalawa kong anak,,ipagluluto sila ng tanghalian,paliliguan at kapag ok na ang lahat,,babalik ako ng higaan,,gigising ako ng alas dos ng hapon para iluto at ihanda ang mga paninda kong sandwich na binebenta ko sa trabaho,,sumasideline ako ng pagtitinda para makakuha ako ng pambayad sa hinuhulugan kong motor,kasama na rin ang buwanang upa sa bahay at kung anu2 pa,,,,aalis ako ng bahay ng alas kuatro ng hapon,bitbit ang mga paninda ko na ilalako ko sa mga kasamahan ko sa trabaho,,pagdating sa trabaho,,maglilinis muna kami ng mga kasamahan ko,after nun iaalok ko na sa kanila ang paninda kong tinapay,kape,milo,at kung anu2 pang chichirya habang nag-aayos kami ng sarili namin,,magsisimula ang trbaho ng alas syete ng gabi,,magdamagan magsisilbi sa ibat ibang uri ng tao na papasok doon,,,pagsisilbihan mo ng husto at depende sa isusukli nila ang magiging kita mo,,sa limang taong pagttrabaho sa gabi,,ang buhay ko nakakaraos lang,,walang ipon,,kung kumita ka man ngayon,,pwedeng bukas hindi,,

hanggang sa naisipan kong humingi ng tulong sa tyuhin kong nagttrabaho sa taiwan,,baka kako may alam siyang pwede kong aplayan,kahit anung trabaho,,,pangarap ko rin talaga ang makapag abroad,,bagamat hindi ko lubusang nauunawaan ang kahulugan ng salitang OFW pero pursigido akong makaalis dala na rin ng maraming pangarap at obligasyong kinakaharap,ang pagkakaalam ko kasi noon ang salitang ABROAD eh katumbas ng buhay na maginhawa,,,wala akong idea sa maaaring maranasan ko dun..ang tanging alam ko,,mas malaki ang kikitain ko doon,

nagsimula akong maglakad ng papeles,,binigyan ako ng agency ng tito ko na maaari kong puntahan at applayan,,mahigit isang buwan ang lumipas,,hawak ko na ang ticket ko papuntang taiwan,yung pakiramdam na parang ayoko ng ituloy,,,bigla kong tinitigan ang mga anak ko na noon eh 9yrs old at 6yrs old pa lamang,,pero hindi na ako pwedeng umatras,,dalawang araw na lang,lilipad na ako papuntang taiwan,,

dumating ang araw ng pag-alis ko,,kabado man pero nilakasan ko na lang ang loob ko habang umiiyak ako dahil sa kauna unahang pagkakataon,,mapapalayo ako sa pamilya ko,,pagdating ng NAIA,,wala akong idea sa kung anu ang una kong gagawin,,nagdasal na lang ako na gabayan ako ng diyos sa mga dapat kong gawin,sakay na ako ng eroplano,,panay pa rin ang luha ng mata ko,,tama nga ang sabi sa PDOS,,na kapag nasa eroplano ka na,,matutulala ka,,,maiiyak ka,,,kakabahan ka na parang gusto mo ulit lumabas ng eroplano,,pagdating ng airport ng taiwan,,nagmistula akong isang mang mang na sunud sunuran sa sinasabi ng isang dayuhang nag assist sa mga kagaya kong migrante,,kasabay ng ilang kababayan,,,inipon kami sa isang tabi at naghintay ng kukuha samin..

nang kunin na kami ng agency,,dinala kami sa isang lugar,,,isang bahay na parang abandonado,,pagdungaw mo puro palayan ang makikita mo habang umuulan,,yung pakiramdam na nagiisa ka na lang talaga,,walang kaibigan,kamag-anak or kakilala maliban sa mga iba pang lahi na kasama ko sa lugar na yun,,hindi ko makontak ang pamilya ko dahil wala akong simcard ng taiwan,umiiyak ako habang nakahiga,,nangangapa sa magiging buhay sa ibang bansa,,pero matibay ang pangarap kong dala dala kaya bahala na si bathala,,

madaling araw ng gisingin kami,,,wala pang kain kagabi at nagdadasal na sana bigyan kami ng kahit konting almusal,,binigyan nmn kami pero hindi kilala ng panlasa ko ang pagkaing binigay samin,,pero dahil gutom,,nilunok na lang para magkalaman ang tyan,,after kumain,,minedical kami,,pagkatapos nun dinala ako sa agency,,pinapirma ng sangkatutak na papeles at hinatid ako sa magiging amo ko,pagdating sa mga amo ko,,nadatnan ko ang isang matandang babae at ang anak niyang lalake,,sila ang mkksama ko sa bahay,,magiging alaga ko ang nanay niya na medyo may katandaan na,,
walang pahi-pahinga deretso ako sa pagttrabaho,,binilin lahat ng gagawin ko,,at magiging trabaho ko,,halos dalawang buwan bago ako nakapag adjust,,dalawang buwan ng gabi gabing pag-iyak,,naging mahirap ang trabaho ko sa pag-aalaga ng matanda na ilang buwan lang naging bedridden na dahil sa sakit niya,,,nagkaback pain ako sa palagiang pagbubuhat sa kanya,,paliliguan,pakakainin at mga trabahong kahit sa pinas hindi ko dinanas,,gusto ko mang umuwi pro hindi pwede,,baon pa ako sa utang kaya nagtiis na lang,,ballpen at papel ang naging sandigan para lungkot ay labanan,,palagiang tawag sa pinas at txt ang naging lunas ng pangungulila sa mga kaanak,,

halos walong buwan ng mamatay ang alaga ko,,tinanong ako ng broker ko if uuwi ba ako or maghahanap ng bagong amo,,gusto kong umuwi pero hindi pa tapos ang lending ko,,kaya wala akong ibang choice kundi maghanap ng bagong amo,,nakahanap naman ako agad ng amo,,at panibagong pakikisama ulit ang sisimulan ko,,,sa pagkakataong ito naging mas magaan ang trabaho ko,,may alaga pero bahay at aso lang ang babantayan ko,,natapos ang unang kontrata pero wala akong naging ipon,,dala na rin ng pagbabayad ng utang at hinaing sa pangangailangan ng pamilya,,,
dun ko narealize na totoo nga ang sabi ng iba,,,na sa una mong kontrata,karanasan lang ang una mong mapapala,,uuwi ako para magbakasyon pero sa isip ko,,hindi na ako babalik ulit dito,,pumirma ako ng bagong kontrata at nagbakasyon,,ilang araw pa lang sa pinas wala na akong pera,,dhil maliit lang ang naiuwi kong halaga,,yung decision ko na hindi na babalik,nagbago yun,,dali2 kong inayos ang mga papeles ko para makabalik ulit d2,,na halos hindi ko naenjoy ang bakasyon ko dahil sa dami ng naging gastusin dahil buwan ng december ng akoy nagbakasyon,,
january bumalik ulit ako ng taiwan,,at dun ko narealize na mas madali palang tiisin ang lungkot at pangungulila sa pamilya kesa sa sakit ng ulo sa kung saan ka kukuha ng panggastos at pambayad sa mga pangangailangan ng pamilya mo..ngayon ko mas lubos na naunawaan ang sakripisyo ng mga OFW,,na kung hindi ka magpapahalaga sa kinikita mo,,,uuwi kang talo,,kung hindi mo pahahalagahan ang sweldo mo,,sa huli mauuwi lang sa wala ang mga naging sakripisyo mo,,ngayon ko mas lubos na nauunawaan ang hirap at sakripisyo ng mga kagaya kong manggagawa sa kabilang ibayo ng mundo,

sa ngayon unti-unti akong nagpupundar kahit na maliit na negosyo para hindi na maulit ang nangyari sa unang kontrata ko...,at hindi habang buhay eh isa akong OFW..dahil ang BUHAY ABROAD Kung hindi ka marunong magtabi para sa iyong sarili,uuwi kang pulubi..! kaya magpokus po tayo sa IPON at hindi sa PASALUBONG..