SARILING WIKA YAMAN AT SIMBOLO NG BANSA
Pag-ibig sa sariling wika’y ating damhin
Tuwing buwan ng Agosto’y ating gugunitain
Pagpapahalaga at pag-alala sa Linggo ng Wika’y suriin
Atin ng pagyamain, sariling wika’y sariwain
Wikang Pilipino sa puso’y namnamin
Malamyos na tinig oh kay sarap dinggin
Purong wikang namumutawi sa mga bibig natin
Wala ng hihigit pa sa sariling wika kung ating lilimiin
Simula ng tayo’y matutong magsalita
Wikang Pilipino lagi ng sambit sa tuwina
Paslit pa’y nakatanim na sa isip tagalog na wika
At ito’y nakabaon na sa ating puso at diwa
Oo nga’t mga pilipino’y sadyang may katalinohan
Ibat-ibang linggawahe ng mga bansa kaydaling matutunan
Ngunit sa kaibuturan ng ating puso ay tiyak naman
Hindi ko ipagpapalit sariling wika ng bansa kong tangan
Arabik, Espanyol, Intsik o Engles
Mga wikang ang pilipino’y tiyak na walang mintis
Kung minsan pay nadadala na ng pagiging dungis
Ngunit babalik parin sa sariling lahi pagkat yun parin ang nais
May pinag-aralan man ang pinoy o wala
Wikang Pilipino parin ang pumapagitan
Ugnayan ng bawat isa sa atin natural na wika
Sariling atin ang tangi nating pang-unawa
Isang wikang sa iba’y walang kabuluhan
Isang wikang sa iba’y isa lamang nakalaan
Ngunit hindi lamang nila naiisip o nalalaman
Sariling wika sariling atin yamang hindi dapat talikuran
Pilipino ako tagalog ang orihinal na wika ko
Taglay ng puso’t pagkatao sariling wikang totoo
Taas noo kong ipinagmamalaki saan man sa mundo
Sariling lahi, sariling wika ang tangi kong sinisimbulo.