Buhay na Dugo



2014-05-22 / liu honey marjury / Buhay na Dugo / Pilipinas 菲律賓 / wala


Buhay na Dugo

Iisang mundo ngunit salita'y likas
Ibat-ibang tao na may tikas
Pinagsama na wari'y walang takas
sa mundo ng diskriminasyo'y wagas

Lathala dito, balita doon,
laman ay patayan dito patayan doon.
Nasaan na ang bukang bibig na Panginoon?
Kung mismo tao wala sa aksyon!

Ako, ikaw, sila may pagkakataon
baguhin ang nawasak na koneksyon
Sapagka't mundo'y mapalad sa komunikasyon
Gawing tama ang biyayang sa mundo ay may limitasyon
Gabay ng kataasan sana'y gawing inspirasyon.

Itim, puti o kayumanggi
huwag sanang itanggi
Iba ka man sa kanila
Tayo ay iisa

Sapagka't karamiha'y walang muwang
huwag sanang kalimutan ang tamang luwang
Digmaan ay 'di sagot sa tuwid na daan
datapwat ito'y hadlang sa kapayapaan.

Pinaniniwalaa'y iba-iba
Muslim, Kristiyano o Anito kaman sumasamba
Iisa parin ang ating pinagmulang timba
ang abo ng kawalan na ibinuhos ng 'di bigla

Nabuhay sa milagro o mahika,
ngunit iisa lang nagpapatakbo sa likha.
Ang buhay na dugo ng lumikha.
Pula, pag-ibig, pag-uunawaan at pag-asa.