2015/5/13 / Irvin A. Mallon / Baguhan sa Taiwan / Pilipinas 菲律賓 / Wala
Agusto 20, 2014 noong nilisan ko ang bansang Pilipinas, Nakipagsapalaran dito sa Taiwan bilang isang manggagawa sa isang pakturya,
Kahit ako'y binata pa, masakit parin sa aking kalooban na iwan ang aking pamilya,
Pero dapat akong mag pursige para maangat at mapaganda ang estado ng aming buhay, ""ito'y para sa kanila"".
Umalis na hindi mabuti ang pakiramdam,
Dala narin siguro ng pagkabahala sa aking kakahantungan sa lugar na banyaga,
Na ang pamumuhay ay hindi alam at ang lenguahe ay hindi ko maintindihan,
Lalong-lalo na sa katulad kong baguhan pa lamang.
Paglapag ng eroplano sa lugar paliparan ng Taiwan ay hinarang ako sa sentro ng immigrasyon,
Mataas daw ang aking temperatura kaya dapat akong dumaan sa eksaminasyun,
Baka daw kasi my malubhang sakit ako at mahawaan ang ibang tao,
Sinabi ko sa aking sarili, ""ano ba to, parang minamalas yata ako"",
Baka hindi ako papayagang makaalis dito at pabalikin na lamang sa Pilipinas"",
Sa mabuting palad ay naayos din,
Nawala ang aking pagkabahala noong sinabi ng nars na pwede na akon umalis,
At yun na nga, patuloy na ang takbo ng oras habang nasa sasakyan ako patungo sa klinika upang dumaan sa eksaminasyung medikal na dapat pagdaanan bago makapagtrabaho sa papasukan kong kompanya.
Noong gabing iyon, habang naka higa ako sa loob ng klinika,
Tumama ang lungkot sa aking dibdib,
Ako'y biglang napaisip sa aking mga mahal sa buhay,
Tanong ko sa aking sarili, ""Kamusta na kaya sila sa bahay?"",
Maraming bagay bagay lang ang pumapasok sa aking isipan,
Nag-iisip na baka hindi ko kakayanin ang ibibigay na trabaho,
Baka mapauwi ako ng maaga na hindi matapos ang aking kontrata, ""huwag naman sana"".
Baka ma aksidente at dito na ako babawian ng hininga,
Pero sa isang banda nasabi ko rin sa aking sarili na ""Kaya ko to"",
Inspirasyun ko ang aking pamilya at sinisinta,
Dapat kong tibayan ang aking dibdib at pananalig sa aking sarili,
Sa aking mga kamay ang aking kapalaran,
Dahil kilangan kung tulungan ang nanay na mahina na pero kumakayud parin sa pag-lalabada,
Ang tatay na hindi tumitigil sa paghahanap buhay kahit maliit lang ang kinikita,
Ang bunsong kapatid na my isang anak na walang ama na nag-aaral pa lamang sa elementarya,
Sila ang dahilan kung bakit ako magtatrabaho sa malayo,
Kailanganan kung magsikap ng todo para sa kanila at sa aking magiging asawa,
Sa aking magiging sariling pamilya,
Kaya hindi ako dapat sumuko, titibayan ang puso,
Itoy isang paksubok sa isang pahina ng aking buhay.
Nang kinaumagahan ay dumampi ang liwanag ng pag-asa,
Nawala ang lahat ng aking pangangamba,
Umpisa na para hubugin ko ang kapalarang naka tadhana para sa akin,
Malaki ang aking pasasalamat ko sa diyos na binigyan niya ako ng lakas ng loob para malampasan ko ang mga sandaling iyon.
At ngayon ay malapit na akong mag-isang taon dito,
Kay bilis ng panahon, parang kailan lang noong akoy dumating na bagong baba sa eroplano,
Ilang buwan ko ding dinaanan bago nalampasan ang mga sari-saring pagsubok,
Medyo nakakaintindi na rin ng lenguahe ng mga Taiwanese kahit kunti,
Yung mga mahihirap at mabibigat na gawain ay naging normal na lamang para sa akin,
Alam ko! marami pa akong pagdaan bago ko muling makita,
Bago ko muling makapiling ang aking pamilya,
Ilang taon pa ang aking gugugulin bago ako umuwi,
Pero hindi ako nagmamadali,
Dahil ang lahat nang bagay ay nangyayari sa tamang oras,
Iisa-isahin ko ang aking hakbang patungo sa maliwanag na bukas.
Malaki ang aking pasasalamat sa ahensya sa Pilipinas na kahit medyo my kalakihan ang bayad sa pag-proseso para maka punta at maka pagtrabaho ako dito sa Taiwan ay naging tulay sila upang unti-unti kong makamit ang aking mga pinapangarap.
""Pilipinas at Taiwan, Dalawang bayan, Dalawang lahi, Iisa ang minimithi"".