2015/3/9 / Au-au / Distance Learning / Pilipinas 菲律賓 / Wala
Distance Learning
Ako ay lumaki sa Baguio City, na kilala bilang Summer Capital ng Pilipinas. Ako ay inaruga ng kapatid ng tatay ko na kung tawagin ay Tita. Aking buhay Elementarya ay puno ng mga alaala, sa murang edad ko’y nagsimula doon ang pagbabalat ng buto hanggang sa high school. Unti-unti, nararamdaman ko ang hirap pala pag hindi ka nakatira sa tunay mong mga magulang kasi palaging ikaw ay nasa control. Sa pagtongtong ko sa kolehiyo, namasukan ako bilang katulong. Nag-aaral ako sa araw at nagtatrabaho naman sa gabi diyan ako kinilala bilang isang working student hanggang natapos ko ang kolehiyo.
Sa hirap ng aking naranasan, naging inspirasyon ko siya upang subukan ang mangibang bansa. Noong 2007, sa kabutihang-palad isa ako sa mga napiling aplikante na magtrabaho dito sa Taiwan bilang production operator sa isang Companya na nasa malapit. Ito na ang simula ng aking pakikipagsapalaran at nabigyan ako ng 2 years na kontrata. Samantala, hangad ko pa rin na ipagpatuloy ang aking pag-aaral na sana makapagtapos pa ako ng master’s degree. Sa kabilang dako, puso ko nama’y nabihag ng isang Taiwanese na aming kasamahan sa trabaho at kalaunan kami’y nagpakasal sa Pilipinas pagkatapos ng kontrata ko nung taong 2009 at sabay kaming nagbalik ng Taiwan. Nabigyan kami ng isang anak na lalaki na ngayun ay apat na taong gulang na. Habang ako’y taong bahay, nagsaliksik ako ng paaralang pwede sa distance learning at nalaman ko na isa pala ang Benguet State University kung saan ako graduate ng kolehiyo ay nag-aalok ng distance mode of learning. Hindi na ako nag-atubiling mag-enroll, kinontak ko kaagad ang opisina ng http //www.bsu.edu.ph/ou at ibinigay nila ang mga requirement para sa admission. Sa taong 2013, nag-enrol ako ng Master of Human Resource Management na sana matatapos ko ngayung taon na ito.
Distance Learning ang tanging paraan para maipagpatuloy ko ang pag-aaral, sa kadahilanan na ako’y isang fulltime mother ng tahanan na nag-aalaga ng isang napakabatang anak na nangangailangan ng aking kalinga para sa kanyang paglaki at pag-unlad. Isa pang dahilan, ako at ang aking pamilya ay naninirahan na dito sa Taiwan at ito ang nagtulak sa akin para mag-aral online. Ito ay mas convenient to study habang hindi sinasakripisyo ang tungkulin ng pagiging isang ina at isang asawa. Ang pagkakaroon ng isang Master’s Degree ay magpapahusay pa sa aking kakayahan upang maging active sa paglulutas ng mga problema, na kung saan magkaroon ng tamang pangagatwiran, panunuri, at creative sa pag-iisip sa hanay ng mga problema. It can also improve my ability to communicate effectively in professional practice bilang isang miyembro ng komunidad. Sa pamamagitan nito, ako ay maging handa para sa mahabang-buhay na pag-aaral, pagtugis sa mga personal na pag-unlad at kahusayan sa propesyunal na kasanayan, na maaring maging malaking tulong sa aking mga plano upang magpatuloy sa isang PhD sa hinaharap. Dahil sa bagong teknolohiya, nagkaroon ng distance learning para sa mga mag-aaral na hindi makaattend in class to meet with professors. Nagpapasalamat ako sa Benguet State University, Philippines sa pagbukas nila ng isang uri ng online study. Mga teknolohiyang Computer, Cellular Phone, telepono at iba pa na ginagamit upang makipag-ugnayan sa mga mag-aaral na nakatala sa distansyang pag-aaral. Ang motivation ko sa pag-enroll ng distance learning ay upang turuan ang aking sarili, kumuha ng kaalaman at magkaroon ng isang mahusay na karera sa buhay, sa negosyo man o sa pamamahala at hangad ko rin na makatulong sa aking kapwa tao.
Hangad kong makatapos sa taong 2015 na sa kasalukuyan ay nasa huling semestre na ako at gumagawa na ngaun ng Master’s Thesis. Gayunpaman, naniniwala ako na ang oras na ginugol ko sa pag-aaral ay makamit ang tagumpay. Habang merun kang determinasyun sa buhay makakamit mo ang tagumpay.
Kaya hinihikayat ko ang aking mga kababayang Pilipino at mga kapwa mangagawa dito sa Taiwan na ipagpatuloy ang pag-aaral. Kung kaya ko, kaya mo rin it’s only in time management. Ika nga walang pinipili ang edukasyun mapabata man o matanda.
Ito ay isang gabay at magsilbing inspirasyon sa aking asawa at anak, mga kaibigan at kamag-anak, kapwa Overseas Filipino Workers, mga mangagawa, manunulat at mambabasa na nasa Taiwan.