Ang Tagubilin

2015/3/11 / aryah / "Ang Tagubilin" / Pilipinas 菲律賓 / recoletos-daliao

MAHALAGA SA BUHAY NG TAO ANG MAGKAROON NG PANGARAP,ISA  ITO SA NAGBIGAY SA AKIN NG LAKAS NG LOOB UPANG MANGIBANG BANSA,MAKIPAGSAPALARAN SA DAYUHANG BANSA NA WALA MAN LAMANG  AKONG KAALAMAN KUNG ANU ANG KULTURA NA ISINASABUHAY NG MGA TAO SA LUGAR NA ITO,   ANG BANSANG “TAIWAN” NAGSIMULA  AKO MANILBIHAN NOONG TAONG 2006, SA AWA  NG PANGINOON NAKATAGPO AKO NG MABABAIT NA AMO NA PINAGSILBIHAN KO  SA MAHABANG PANAHON.MAHIGIT  WALONG TAON AKONG NAGSILBI SA ISANG AMO LAMANG,NOONG UNA  DALAWA ANG INAALAGAAN KO, ISANG LOLA”AMA” ISANG LOLO “AKONG”NOONG UNA WALA TALAGA AKONG MAINTINDIHAN SA MGA SINASABI NILA ,TANGO LANG AKO NG TANGO HABANG NAKANGITI KAHIT HINDI KO SILA NAIINTINDIHAN,SUBALIT SA AKING PAG PUPURSIGI NA MATUTU NG SALITA NILA PINAGTIYAGAAN KONG MAGBASA AT PAKINGGANG MABUTI ANG BAWAT SALITA AT AKSYON NILA,NAKIKINOOD AKO NG TELEBISYON KASAMA SI AMA AT AKONG SA KANILANG KATUTUBONG SALITANG “TAI-GGUE” ISINUSULAT KO SA SALITANG ENGLISH O TAGALOG ANG BAWAT PAGBIGKAS NILA AT INAALAM KO ANG KAHULUGAN NG BAWAT SALITA.MASUSI AT MATIYAGA KONG PINAG ARALAN ANG MGA BIGKAS NILA HINDI MAN AKO NAGING BIHASA SA PAG SULAT NATUTU NAMAN AKO MAGSALITA.

 SI AMA  AY INALAGAAN KO  NG ISANG TAON AT KALAHATI,HABANG SIYA AY NASA MALUBHANG KALAGAYAN NAGAWA NYANG MAGPASALAMAT SA AKIN SA PAG AALAGA KO SA KANYA, SUBALIT DAHIL SA KANYANG MALUBHANG KARAMDAMAN SIYA AY MAAGANG PUMANAW,SIYA MAN AY PUMANAW IBINAHAGI NYA  SA AKIN ANG MALAKING KAALAMAN NA NATUTUNAN KO SA KANYA AT NAGAMIT KO ITO SA MAHABANG PANAHON AT YUN ANG NAGSILBING PUNDASYON UPANG AKO AY MATUTU NG PARAAN NG PAMUMUHAY NG MGA TAIWANESE KUNG PAANO MAGBILANG ,MAGSALITA MAMALENGKE,AT KUNG PAANO MAGKAROON NG KAALAMAN UKOL SA KANILANG KULTURA AT TRADISYON,BAGO  PUMANAW SI AMA ITINURO NYA  SA AKIN ANG MGA BAGAY NA MAHAHALAGA ,MARAHIL SIGURO INIISIP NA NIYA IYON,NA KAMI NALANG NI AKONG ANG MAIIWAN.DAHIL ANG KANYANG MGA ANAK AY MALALAYO AT MAY OBLIGASYON DIN SA PAMILYA AT SA MARAMING TAO,ANG KANYANG TATLONG ANAK KASI AY MGA DALUBHASA SA LANGARAN NG MEDISINA “DOCTORS”NAGPAPASALAMAT DIN AKO SA KANYANG PAMILYA AT PINAGKATIWALA SA AKIN ANG PAG AARUGA SA KANILANG MGA MAGULANG,NA ANG KAPALIT AY ANG MALAKING HALAGA NG SAHOD NA NATATANGAP KO SA KANILA NA MARAHIL ANG KAPALIT DIN ANG PAGKAWALAY KO SA PAMILYA KO SA PILIPINAS,SUBALIT ISA MARAHIL AKO SA MGA NAGING MASWERTE NA MABIGYAN NG PAGKAKATAON NA MAGKAROON NG TRABAHO SA BANSANG ITO.

BILANG ISANG DAYUHAN SA BANSANG ITO ,LAHAT NG BAGAY AY BAGO SA AKING KAALAMAN,ANG LASA NG PAG KAIN SA SIMULA ANG HINDI KO NAGUGUSTUHAN PERO HABANG LUMILIPAS ANG ARAW AY UNTI UNTI KONG NA LALASAP ANG KAKAIBANG KULINARYA NG MGA TAIWANESE,SA PAGLIPAS NG ARAW AT TAON LALO KONG NAIIBIGAN ANG KANILANG KAKAIBANG LUTO,ANG PARAAN NG PAGAWA AT MGA SAHOG NITO AY LALO AKONG NAPAPAHANGA,SA KATUNAYAN NAGKAROON AKO NG IDEYA NA ANG PAGKAIN PALA NILA AY HINDI RIN KAKAIBA KUNG MAIHALINTULAD SA PAGKAING PINOY,SAPAGKAT MARAMI RIN MGA DAYUHANG TSINOY ANG NANIRAHAN SA AKING BANSANG PINAGMULAN.
KAGAYA NGA NG SINABI NG ISANG TANYAG NA PUNO NG TAGAPAGLUTO AT MANLALAKBAY NA SI ( ANDREW ZIMMER), NA ANG PAG KAING ORDINARYO SA IYONG BAKURAN AY MAITUTURING KAKANING ESPESYAL SA IBANG LUGAR,MARAHIL KASI ANG IBANG PAGKAIN NA HINDI KO PINAGTUTUUNAN NG PANSIN SA PILIPINAS AY NAGING NAPAKA ESPEYAL DITO SA TAIWAN, DAHIL SA PAG GAMIT NILA NG IBANG SAHOG AT SA KANILANG KAKAIBANG PARAAN NG PAGLUTO,KAGAYA NA LAMANG NG INIHAW NA KAMOTE ,NAKAKATUWANG ISIPIN PERO MAYKATOTOHAN,MAS NA IBIGAN KONG KAININ ANG MATAMIS NA INIHAW NA KAMOTE DITO SA TAIWAN ,PERO NABIGLA AKO NUNG AKOY NAPABILI ,NAGTAKA AKO KUNG BAKIT NAPAKAMAHAL ,NATAWA NA LAMANG AKO SA AKING SARILI NA ISIPIN NA ANG BINILI KONG ISANG PIRASO AY KASING HALAGA NA NG ISANG KILONG KAMOTE SA PILIPINAS ,INISIP KO NA LAMANG  SIGURO MASARAP,AT HINDI NAMAN AKO NAGKAMALI ITOY NAPAKATAMIS AT MALAMBOT AT MALINAMNAM ,ISA PA SA AKING NAIBIGAN DITO AY ANG GREEN TEA ,ANG IBAT IBANG KLASE NG INUMIN NA MAY HALONG GREEN TEA, SADYANG NAPAKAMALIKHAIN NG MGA TAIWANESE,SADYANG HINDI KO MAKAKALIMUTAN ANG MGA INUMIN NILA MULA SA NAPAKA SIMPLENG  SAHOG ,NAGAGAWA NILANG NAPAKA ESPESYAL ANG ISANG PAGKAIN O INUMIN,

ISA SA AKING NAIBIGAN SA BANSANG ITO AY ANG MGA PAGKAIN SIMPLE LAMANG, SUBALIT NAPAKARAMING MAGANDANG NAIDUDULOT SA KALUSUGAN NG ISANG TAO,SA KARAMIHAN KASI NG MGA TAIWANESE AY PINAHAHALAGAHAN ANG KANILANG KALUSUGAN, MAHALAGA SA KANILA ANG PAGKAIN NG MASUSTANSYA AT PAG EHERSISYO NA ISA RIN SA AKING NAGING GAWI HABANG AKO AY NANDITO,SA UMAGA PAGKA-GISING KAMI AY PUPUNTA SA PARKE UPANG SAMAHAN MAG EHERSISYO ANG AKING ALAGA,SI AKONG INILALAAN NIYA ANG ISA HANGGANG DALAWANG ORAS SA PAG LALAKAD AT BAHAGYANG EHERSISYO,PAG KATAPOS SYA AY KAKAIN NG AGAHAN NA AKING SINASABAY SA HAPAG HABANG KAMI AY KUMAKAIN AT MASAYANG NAGKUKWENTUHAN,SA KATAGALAN KASI AKO AY NATUTUNG MAGSALITA AT UMUNAWA NG SALITANG TAIGGUE KAYA NAGING MADALI SA AKING ANG PARAAN NG PAMUMUHAY AT PAMAMALAGI DITO SA TAIWAN HABANG AKOY NAGTATRABAHO, SA AMING AGAHAN ISA SA PINAKA GUSTO KONG AGAHAN AY ANG U-TIAW AT TAULING..(FRIED FRENCH BREAD AND SOY MILK),SIMPLE PERO NAPAKA-MASUSTANSIYA ,ANG ISANG PIRASONG U-TIAW AT ISANG TASANG GATAS NA GAWA SA SOYA AY SAPAT PARA MAPUNAN ANG AKING EHERHIYA HABANG AKO AY GUMAGAWA NG GAWAING BAHAY,

SI AKONG NAMAN AY NAKAGAWIANG KUMAIN NG LUGAW NA MAY HALONG GINADGAD NA KAMOTE, AT KAHIT ANONG MAIBGAN NYANG ULAM ,ISA NA RITO AY ANG BASO O HISO,ITO AY ISANG URI NG PAGKAIN NA GAWA SA HINIMAY NA ISDA ,BABOY,AT MINSAN AY GULAY PARA SA MAG VEGAN,MERON DIN SYANG BINURONG LABANOS ,BINURONG TOFU AT SILI NA KATAMTAMAN LAMANG ANG ANG-HANG.SADYANG NAPAKARAMING MAPAGPILIAN NA PWEDENG KAININ AT ULAMIN,AT SA AKING PATULOY NA PAG AALAMAN SA IBAT IBANG PAGKAIN AT IBAT IBANG PARAAN NG PAGAMIT NG MGA SANGKAP PANGLUTO,TALAGANG AKO AY NAPAMANGHA SA KANILANG KULTURA,NAPAKAKULAY AT PUNO NG TULALI,  SUBALIT ITO AY KAKAIBA KUNG MAIHAHALINTULAD MAN SA IBANG BANSA.NAPAKARAMING BAGAY ANG AKING NATUTUNAN SA PAGLIPAS NG ARAW NA AKOY NANATILI DITO SA KANILANG BANSA, NAKAKAMANGHA ANG IBAT IBANG KLASE NG GULAY AT PRUTAS AT SADYANG NAPAKAGANDANG KALIDAD,HINDI MO SUKAT AKALAIN NA SA ISANG BANSANG MALIIT AY NAKAKAPAG PUNLA NG GANUNG KAGAGANDANG PANANIM,ANG PRUTAS NA MATATAMIS AT ANG MGA BERDENG GULAY ..

SA PATULOY NA PAG LIPAS NG ARAW NG AKING PANANATILI SA BANSA ,NAKAKALIMUTAN KO ANG PANANABIK AT PANGUNGULILA SA AKING MGA MAHAL SA BUHAY,SUBALIT SA PAGLIPAS NG ARAW KASAMA RIN TINATANGAY  NG KATANDAAN SI AKONG ,SYA AY UNTING UNTING NANGHIHINA AT NAWAWALAN NG LAKAS ,SUBALIT NI MINSAN HINDI NYA KINAKALIMUTAN NGUMITI AT MAGPATAWA, BAGKUS SA KANYANG KATANDAAN LAGI NIYA PA RIN AKOY INAALALA ,PINANGANGARALAN AT KINUKWENTUHAN NG MGA ISTORYA NG KANYANG BUHAY NOONG ARAW NG KANYANG KABATAAN,IBINAHAGI NYA SA AKIN ANG KANYANG NATITIRANG ARAW SA MUNDO ,LAGI NYANG TINAGUBILIN SA AKIN NA KAILANGAN MAGING MASAYAHIN,MASIGLA AT MAGING POSITIBO SA BUHAY SAPAGKAT ANG LAHAT NAMAN DAW AY PAPANAW DITO SA MUNDONG IBABAW,HUWAG DAW MASYADONG PAHALAGAHAN ANG YAMAN NA TAGLAY DITO SA MUNDO KINAKAILANGAN DAW NA KAHIT PAPANO AY MASAYANG ISABUHAY ANG YAMAN NA PINAGHIRAPAN ,IKA NGA UNG ITINANIM MO AY  IYO RING PAKINABANGAN SA HULI,SADYANG SI AKONG ANG ISANG TAONG AKING NAKIKILALA SA AKING BUHAY NA TAGLAY ANG KABUTIHAN ,MAPAGPAKUMBABA AT MAALALAHANIN HINDI MAN NYA AKO KADUGO SUBALIT TINURING NYA AKONG PARANG ISANG ANAK AT MARAHIL GANUN DIN ANG NAKIKITA NYA SA AKIN,HINDI KO ALINTANA ANG PUYAT AT PAGOD SA PAG-AALAGA SA KANYA SAPAGKAT NAPAKABAIT NYA SA AKIN.

SADYANG NAPAKARAMING BAGAY AT MASAYANG ALAALA ANG INIWAN AT BINAHAGI NI AKONG SA AKIN.ISA SYA SA AKING NAGING INSPIRASYON SA PAG BAGO NG AKING PANANAW SA BUHAY , AT SA AKING PAG BALIK TANAW SA AMING MGA PINAGSAMAHAN,NAALALA KO ANG PAG PASYAL NAMIN SA MGA MAGAGANDANG LUGAR NG TAIWAN ,AY ANG NANTOU COUNTY,NAPAKALAMIG AT MARAMING MAGAGANDANG TANAWIN AT BERDENG KAGUBATAN ANG AMING NADADAAN,MAYROON BUKAL NA PALIGUAN AT ITO AY MAY TAGLAY NA NATURAL NA MINERAL,NAPAKAMAKULAY NA MGA HARDIN NA PUNONG PUNO NG IBAT IBANG URI NG BULAKLAK WARIY IKAW AY NASA NEW ZEALAND,HINDI KO MAIPINTA ANG AKING KASIYAHANG NADARAMA,LALO AKO NAPAHANGA SA TAGLAY NA KAGANDAHAN NG LUGAR NA ITO,NAKAPASYAL DIN KAMI SA LAGWERTA NG MGA KABUTE DOON PINUPUNLA AT BINUBUHAY ANG IBANG IBANG URI NG KABUTE NA KARANIWANG SANGKAP SA KANILANG PAGKAIN,TUMATAGLAY ITO NG IBAT IBANG KLASE AT KULAY HUGIS AT LASA,ANG PARAAN NG PAG KAKAPUNLA NITO AY LALONG NAG PAMANGHA SA AKIN IYON AY ISA NA NAMANG DAGDAG SA AKING KAALAMAN,INSPIRASYON MAG ARAL AT MATUTU SA PAMAMARAANG ARGRICULTURA,ISA RIN SA MAKUKULAY NA KULTURA NG TAIWAN AY ANG MAGAGARANG DISENYO NG KANILANG BAHAY DASALAN,ITOY PUNONG PUNO NG IBAT IBANG KLASE NG INUKIT NA SANTO NA SA WARI KO AY GAWA SA KAHOY .

NAPASYAL DIN KAMI SA TANIMAN NG MGA DALANDAN,ANG MGA PUNO NG PANAHON YUN AY HITIK NA HITIK SA BUNGA ,HINDI MO MALAMAN KUNG SAANG PUNO KA UNANG PIPITAS,ANG DALANDAN AY MAY LUWAS KALIDAD, SADYANG NAPAKATAMIS,  AT MAY SARI SARING KULAY AT LAKI, HABANG KAMI AY NAGIIKOT SA LOOB NG MALAWAK NA LINING,NADAANAN KO DIN ANG LINING NG MGA PUKYUTAN ,BINIGYAN KAMI NG MAYARI NG BUKIRIN NG MGA LIBRENG KATAS NG PUKUYTAN UPANG AMING MATIKMAN ANG LASA AT SADYA NAMANG NAPAKATAMIS AT NAPAKABANGO.KAMI RIN AY NAGAWI SA LINANG NG MGA SIRWELAS ISA RIN SA PINAGMAMALAKI NG TAIWAN ANG URI NG PRUTAS NA ITO NA GINAGAMIT NILA SA IBAT IBANG URI NG PAGKAIN,INUMIN AT MGA MINATAMIS O KENDI,ISA RIN SA NAG PAMANGHA SA AKIN AY ANG IBAT IBANG KLASE NG ULAM GULAY NILA NA NADATNAN NAMING NAKAHAIN SA AMING NAKALAANG BAHAY-TULUYAN,MARAHIL SA KARAMIHAN NG NGA TAIWANESE AY  BEHETARIANO, NA SYA NAMANG NAGING INSPIRASYON NILA SA PAGGAWA NG MGA ULAM-GULAY NA ITO.

ANG TAIWAN AY ISANG DAKONG TULALI AT SADYANG NAPAMAHAL AKO SA DAKONG ITO SUBALIT ANG AKO AY NAGAAYUNO SA AKING PANAHON NG PANANATILI DITO,HANGAD KO PA SANANG TUMAROK SA LAHAT NG DAKONG PULO NITO,NAWAY MAS MARAMI PA AKONG MARATING AT MAPASYALAN SA LUGAR NA ITO,NAPANOOD KO SA TELEBISYON ANG PROGRAMANG “ FUN TAIWAN “ NA ANG OSTIYA AY ANG TANYAG NA SI” JANET SHIEH.” NOON IDINALANGIN KO NA SANA ISA AKO SA MGA KALAHOK SA PROGRAMA NILA ,ANG IKUTIN ANG BUONG TAIWAN AT TUKLASIN ANG MAKUKULAY AT MABUHAY NA KULTURA NITO,SUBALIT HINDI NAMAN AKO ANG ISA SA MGA NAGING MAPALAD NA KALAHOK DOON,KAYA NAMAN ANG SIMPLE ISTORYA NA AKING MAIBABAHAGI SA INYO AY UKOL LAMANG SA AKING KARANASAN, AKOY NAG PAPASALAMAT SA PANGINOON SA LAHAT NG ITO,MARAMING SALAMAT DIN SA IYO AKONG “LOLO”  SA PAGBAHAGI MO SA AKING NG IYONG NATITIRANG TAON SA MUNDO SA IYONG MGA TAGUBILIN AT PANGARAL,AT SA MGA ALAALANG BINAHAGI MO SA AKIN,SA MULI PO SALAMAT.

ITOY KARANIWANG KWENTO LAMANG PARA SA KARAMIHAN, SUBALIT PARA SA AKIN ISA ITONG MAHALAGANG PARTE NA NG AKING BUHAY ,NA ANG HANGAD KO LAMANG AY MAIBAHAGI SA KARAMIHAN.