2014-05-29 / ROLAN L. MAALA / pangarap / Pilipinas 菲律賓 / wala
Simpleng tao, simpleng mamamayan
Ganyang buhay, ang aking kinagisnan
Sa pag mulat ng mata, hatid ay saya
Kahit walang pera, basta’t kasama ang pamilya
Lumaking hindi sagana, dahil kapos
Ang tulad kong dukha, sa kahirapa’y nakagapos
Pero hindi naging hadlang, ang aking katayuan
Nag umpisang nangarap, nung ako’y mosmos pa lamang
Ang pag bigkas ng talata, ang aking sinubukan
Sari-saring liriko, ang pumapasok saking isipan
Sa pag nanais maipakita, ang aking kakayahan
Naisipan kong isulat, ang aking nalalaman
Sa pag katha ng tula, ang una kong ginamit
Ang puso ko at diwa, pati na rin ang isip
Ganitong paraan, ang aking pag likha
Ang tunay na anyo, at pag buo ng tula
Sa larangan ng pag sulat, isip ko ay pinalawak
Para makita ko ang ganda, sa landas kong tinahak
Upang maabot, ang minimithing punyagi
Dahil masaya ako, sa inyong palakpakan at ngiti
Sa tuwing magsusulat, inspirasyon ko ay pag-asa
Para makagawa, ng dikalidad na storya
Dahil marami sa atin, ang magaling mang kutya
Lalo na kung pangit, at hindi maganda ang pagkakagawa
Minabuti kong pag-isipan, bago ko isulat
Ang mga salitang angkop, na aking nakalap
Para hindi masayang, ang aking pinaghirapan
Lubos kong pinag-igi, ang aking nalalaman
Ilang beses ng nabigo, ilang beses na ring sumuko
Pero sa pagkakataong ito, ako naman ang tatayo
Upang sa harap ninyo’y, itataas aking kamay
Ang bandila ng pilipinas, ay aking iwawagayway
Sa bawat gantimpala, na aking natatanggap
Ito ay bunga at pawis, ng aking pagsisikap
Ang ballpen at papel, ang aking sandata
Sa pakikipag laban, sa tugmaan ng letra
Nag silbing alamat, ang isang pag likha
Ang pag sulat ng kataga, sa puso ko nag mula
Ang bawat salita, na aking ginagamit
Hinahabing mabuti, upang sa inyo’y ipang-akit
Ganyan ang nais, at gusto kong ipahayag
Nang tulad kong nangangarap, na maging isang tanyag
Batid ko ang hirap, pero hindi ko ininda
Dahil sa ginagawa ko, ako ay masaya
Lahat tayo ay may angking kakayahan
Yong iba ay walang hilig, ayaw subukan
Wag ng itago, at inyo ng ilabas
Ang natatagong galing, ay inyo ng ipamalas
Gantimpalang banal, ang bawat pagsamo
Ang nilagay sa tinakda, saan mang dako
Wag mong sayangin, ang panahon mo’t oras
Dahil sa pag daan ng araw, ang panahon ay lumilipas..
Written by: Rolan De luna Maala