Tayo'y Iisa Kahit Magkaiba
Sa isang banyagang bayan,
Ngayon ako'y naninirahan.
Wala sa sariling bansa,
Pag-ibig ang siyang pag-asa.
Bawat araw na dumaan,
Pasensya ang kailangan.
Pangunawa't pagpakumbaba,
Sa sarili'y pinahaba.
Bawat bagong karanasan ,
Mahirap maintindihan.
Lenggwaheng hindi ko alam,
Mapait na pakiramdam.
Sa'king puso at isipan,
Laging nag-aalinlangan.
Paano ba mabubuhay,
Sa isang banyagang bahay?
Ang tanong sa aki'y lage,
Bakit kulay kayumanggi?
Hitsura't pananalita,
Kaibahan ang nakikita.
Saan ka ba nanggaling?
Bakit dito'y nakarating?
Ikaw ba ay imigrante?
O 'di kaya'y trabahante?
Bawat harap sa salamin,
Ako ay nananalangin.
Na sa kanilang paningin,
Ako ay isang tao din.
Sa ating puso't damdamin,
Tayo'y may isang hangarin.
Ang mabuhay na masaya,
At mayroong pagkakaisa.
May lakas sa kaibahan,
Ito'y isang katangian.
Kahit tayo'y magkaiba,
Sa pag-ibig ay pareha.
Bawat landas na tinahak,
Kahit ano pa'y hinamak.
Makasama lang sa bahay,
Ang pinakamamahal sa buhay.
Tayo'y may iisang layunin,
At iisang adhikain.
Marinig ang ating panalangin,
At kasiyahan ay maangkin.
Kahit tayo'y magkaiba,
Kulay man o pananalita,
Hindi maipagkakaila,
Anyo ng puso'y magkapareha.
Aside from how beautifully the words were sewn together into a literary piece, the message that the poem aims to give is quite simple, straightforward, objective and honest. The way by which APEG presented his or her points in the poem was very calm, not shouting or angry. He or she was just simply driving a point hoping to make the reader understand that while they may be different from each other, they are still the same in many ways.
Through his/her poem, APEG reaches out to his/her reader aiming to build a bridge of understanding between the two of them, that solidarity can be a beautiful thing that can happen when both recognize that there is unity and therefore beauty despite their diversity.
With regard to how the poem was made, APEG knew which words to put in every line and has a wonderful gift of piecing them together into beautiful poetry. They say you speak more in less words and in that APEG achieved it through Tayo’y Iisa Kahit Magkaiba (We Are One Although Different). The poetry was neither trite nor screaming, neither boring nor exaggerated.